A PRAYER FOR A PROSPEROUS AND PROGRESSIVE PHILIPPINES

dear lord jesus,

sana po ay bagsakan mo ng delubyo ang mga bwakanginang demonyo sa aking bayan. yan po siguro ang pinakamagandang gawin ninyo ngayon kasi po ay medyo magulo na naman.

maliit lang naman na scale ng delubyo ang hinihiling ko sa inyo, lord. hindi naman yung katulad ng ginawa mo sa mga taga egypt nung time ni moses. ayoko naman na magpaulan ka ng palaka, gawing ahas yung tungkod ni aaron o kaya ay patayin mo yung mga panganay na anak ng mga hinayupak.

Continue reading

When your fears subside and shadows still remain

umuulan ngayon dito sa southern california. it’s about time. medyo nalihis kasi yung mga bagyo nung mga nakaraang linggo kaya tuyong tuyo rito pero this week i think ay bubuhos talaga. nagtataka nga yung mga kaopisina ko kung bakit masaya kong sinalubong etong pagbuhos. nami miss ko na kasi ang tunog at amoy ng ulan. nung nasa singapore pa kami ni jet, panay kasi ang ulan at hinahanap hanap mo rin pala ito pag nawala siya. napaka hopeless romatic ko kasi kaya pag ganito ang panahon, gusto ko ay nakatapat sa bintana habang pinapanood ko ang mga patak ng ulan na tumutulong parang luha sa salamin. nag mature na siguro ako. kasi nung mas bata ako ay iba – pag ganitong maulan, gusto ko naman either kumain, magjakol o matulog. minsan pag sinisipag, kakain muna tapos magjajakol bago matulog. bigla ko tuloy naalala – maiiba pala ang exercise schedule ko ngayon dahil hindi ako makakalabas para maglakad.

Neither give cherries to pigs nor advice to a fool

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE TAIPEI. isang grupo ng mga sira ulong scientist sa taiwan ang naka-imbento ng glow in the dark na mga baboy. opo, bayan – i shit you not, baboy na kumikislap na kulay berde sa dilim.

Continue reading

Looks like morning in your eyes

nagkaroon ng synchronicity kaninang umaga nung naglalakad ako. biglang tumugtog sa music player ko yung “sunrise” ni norah jones habang tamang tama ay papasikat ang araw. bagay na bagay talaga – parang gusto ko ngang maiyak because it was a perfect moment. medyo pumipikit pikit pa nga ako at ninanamnam ko ang kanta ng may pumara na kotse sa tabi ko. nagulat nga ako dahil akala ko kikidnapin ako. muntik na nga akong mapasigaw ng “huwag po, huwag po” pero pinigilan ko ang sarili ko dahil naalala kong bigla na nasa ‘merika na pala ako.

Continue reading

riding out tonight to case the promised land

dear unkyel batjay,

kamusta na po kayo. bago po ang lahat ay hayaan nyo munang batiin ko kayo ng isang magandang araw, sampu ng inyong mahal sa buhay. unkyel, alam ko po kasi na matagal ka nang buma byahe at sanay ka na sa mga kung ano ang dapat gawin pag may trip, kaya nga po kayo ang unang naisip ko para hingan ng advice. dahil po kasi sa kakulangan ng trabaho dito sa pilipinas ay nag decide na po akong mag abroad. nag-apply po ako para magtrabaho bilang isang veterinarian sa middle east. maganda naman po ang sweldong ibinigay sa akin at ok naman ang mga benefits. ako po yata ang mag-aalaga ng private zoo ng isang arabian sheik doon. kamakailan po ay pumirma na ako ng dalawang taong kotrata at makakaalis raw po ako ng either may or june. unkyel narito po ang aking tanong, kung inyo pong mamarapatin: ano po ba ang maipapayo ninyo para sa isang tulad ko na isang pinoy na ngayon pa lang makaka-alis ng pilipinas para makipagsapalaran sa abroad?

yun lang po at lubos na gumagalang,
gentle reader

Continue reading

And the sands on the shoreline will be shaking

president’s day ngayon dito at wala kaming pasok. ok nga kasi may extra na oras na magpahinga at mag heksersays (ika nga ng mga mekeni). bilang part ng aking regular work out ay lumabas ako kaninang umaga para maglakad. magbibisikleta sana ako pero i chickened out dahil nahihirapan ako sa wind chill. pakiramdam ko kasi eh nagiging soprano ang boses ko pag nahahanginan ako habang nagbibisikleta. medyo malamig kasi ngayong mga nakaraang araw. in fact, umulan kahapon ng yelo at inabutan nga ako sa labas. nagtataka ako nung una kung bakit masakit yung patak ng ulan pag tumatama sa ulo ko, yelo na pala yon. matagal din yung ulan, mahigit 5 minutes. kung may baso nga ako, baka makagawa pa ako ng halo-halo. ngayong tanghali ay malamig din, nasa mga 12 degrees C. parang masarap tuloy matulog. teka nga at maka idlip muna.

I never met a piece of chocolate I didn’t like

mayroong malaking pile ng brownies sa pantry ng opisina ngayon. hindi nga ako mapakali kasi naririnig ko yung demonyo na bumubulong sa akin: “sige na, kainin mo na. wala namang nakatingin. wala namang makakaalam. hindi ito makaka apekto sa diabetes mo. sige na”. sikat kasi ang brownies sa opis namin. una, dahil libre ito at eat all you can. pangalawa, talagang masarap. impak, its one of the best i’ve tasted ever – hindi siya matamis pero malasang malasa ang tsokolate. pag kuha ko nga ng tubig kanina ay nakita ko agad yung brownies. bigla akong nanghina. nadedemonyo talaga ako. para tuloy gusto kong kumuha ng holy water at wisikan ang brownies habang sumisigaw ng: “THE POWER OF CHRIST COMPELS YOU. THE POWER OF CHRIST COMPELS YOU!”

Except roll down the window and let the wind blow back your hair

bukod sa pag diyeta sa pagkain, ang isa ko pang inaatupag ngayon ay ang mag exercise araw-araw. kailangan eh – diabetic na at overweight pa, hindi na pwedeng pahiga higa na lang. gumigising na ako ngayon ng 5:30 ng umaga para maglakad o kaya magbisikleta. pag uwi ko naman sa gabi ay maglalakad ako ng isang oras bago kumain ng hapunan. mas mahirap sa umaga dahil malamig. lalo na pag naka bisikleta ka dahil may wind chill. sa simula ay maninigas yung kamay mo sa lamig pero pagtagal naman ay masasanay na rin yung katawan mo pag nagsimula ka nang pawisan. buti nga narito kami sa california: at least kahit winter dito ay nakakalabas pa rin kami para mag exercise. iniisip ko nga kung paanong exercise ang ginagawa ng mga nasa canada, o kaya yung mga nasa north east coast pag ganitong winter. parang ayoko yata tumira doon. una, gusto ko kasi sa outdoors ang pag exercise dahil ayokong naka kulong sa gym. ikalawa, nakakaliit ata ng titi ang sobrang lamig. baka gumising na lang ako isang umaga, pekpek na yung makita ko pag ihi ko.

Full of piss and vinegar

nagpunta na naman ako sa laboratory kanina dahil kailangan daw ng additional test kasi nakita ng doctor na mataas daw ang potassium level ko. ewan ko nga kung bakit – siguro dahil mahilig akong kumain ng saging. bukod sa blood test ay pinakuha rin niya ako ng urine examination. yan nga ang ginawa ko kanina. naka tatlong vial nga ng dugo yung bampira doon sa testing center. kaya raw sobrang dami ng kinuha niyang dugo kasi valentines day daw bukas. comedian din yung matandang umasikaso sa akin. gusto ko ngang sapakin pero tinawanan ko na lang ng malakas. natawa rin ako sa directions ng pagkuha sa urine dahil (i shit you not this is true) naka post doon sa banyo:

“if you are male and taking a urine sample, please pull your foreskin and use the alcohol swab to wipe the head of your penis before urinating into the container”.

ang galing talaga rito sa america, ano? it is truly a vibrant democracy – pantay pantay lahat ng mga kalalakihan sa mata ng diyos, tuli man o supot.

Ah brown sugar how come you taste so good

sabi ng doctor ko, bibigyan daw niya ako ng tatlong buwan para mapababa ang blood sugar ko. baka raw kasi makuha sa dasal? hindi naman. baka raw kasi makuha sa exercise at diet ang diabetes ko. doon sa diet part, ang sabi ng doctor ko ay huwag na raw akong kumain ng titi? hindi naman. bawasan ko lang raw ang portions ng pagkain ko at huwag nang masyadong kumain ng salty food. siyempre, wala na ring asukal. ang key word ay moderation. pwede pa rin naman akong kumain ng mga paborito kong pagkain pero hindi kasing dami ng dati. nag dinner nga kami ni jet kagabi. nagluto siya ng afritadang manok. siyempre, measured na yung portion ko – 4 na pirasong small bite size chicken pieces, 2 maliit na hiwa ng patatas at tatlong kutsarang kanin. ang galing ano? ninanamnam ko nga ang bawat butil ng kanin. mainam na rin, at least ngayon hindi na ako lumalamon pag kumakain. hopefully in 3 months, i will loose 20 to 30 pounds, decrease my blood pressure and lower my blood sugar. napaka ambitious pero i hope i can do it – otherwise, sisimulan na ng doctor kong magbigay ng medication.

IN THE SUN

ang ganda ng umaga ko ngayon. pag labas ko sa bahay, mataas na ang araw pero malamig. my kind of day – crisp and clear. naglalakad nga ako sa campus grounds around our office and immediately felt a high. tumigas din yung utong ko sa lamig. sarap nga eh. appropriate talaga ang a-la pearl jam na “i feel alive” morning na ito. it puts things into its proper perspective. hindi kasi maganda ang araw ko kahapon. in fact, double whammy. una, nagpunta ako sa dentista – pinalipat ko kasi lahat ng bagang na ngipin ko sa harap. mukha nga akong kabayo ngayon eh. ang tutuo niyan eh kaya ako nagpunta ay dahil tinanggal ang wisdom tooth ko. namamaga nga ang gilagid ko ngayon at buong araw kahapon ay masakit ang ulo ko. i also found out that i have diabetes. kaya ayan, mas interesting na ang buhay ko ngayon. excited na nga ako kung ano ang susunod na mangyayari.

but that can wait. for now, hayaan nyo munang ma enjoy ko ang magandang umagang ito.

BABYLON SISTERS SHAKE IT

nawala na yung usok galing sa wildfire na malapit sa amin. pawala na siguro yung sunog. mabuti naman. itong mga nakaraaang 2 days kasi, nakakatakot tingnan yung malaking column ng smoke na tanaw na tanaw sa bintana ng opisina. parang at any time, pwedeng tumawid ang apoy papunta rito. mga 2000 homes ang na evacuate dahil malaki yung sunog – mahigit 6000 acres daw. gaano ba kalaki ang 1 acre? di ko alam kasi sanay ako sa square meters. teka nga at ma research… eto, ang sabi sa google, 1 acre = 4 046.85642 square meters. imagine nyo na lang kung gaano kalaki ang sunog. beri-beri big too big, ano? dry na dry kasi ngayon dahil sa santa ana winds kaya isang spark lang, sunog agad. ang santa ana winds nga pala ay yung malakas na hangin na galing sa desert na umiinit habang tumatawid pababa ng bundok papunta sa pacific ocean. pag ganitong may santa ana, nagiging almost 0 humidity at tumataas ang temperature. in fact, today will be a hot day at ang forecast ay around 90 deg F. that’s a record breaking 32 degrees C. packingsheet, parang summer. kailangan na yatang maglagay ng underarm odor protection.

The only think I like better than talking about Food is eating

kagabi, for the first time since moving to california ay nag-ulam kami ng hipon. part pa rin ito ng on-going healthy living diet namin ni jet. napansin ko kasi na simula nang umalis kami ng singapore eh wala na akong allergy attacks dala ng pagkain ng mga shell fish. buti nga kasi i love to eat shrimps. ang sarap nga ng ginawang halabos ni jet, lalo na dahil may sawsawang suka na may toyo. ang napansin ko lang na medyo nakakainis dito sa california, at least yung nabibili namin sa mga grocery dito, eh wala nang ulo ang mga hipon. na miss ko tuloy sipsipin yung katas ng utak. nung araw nga, gagawin ko eh ibubuhos ko sa loob ng ulo ng hipon ang suka na may dinikdik na sili at ikakain ko sa steaming white rice. packingsheet, ang sarap. those were really the days of glorious food and great eating. miss ko na yung panahon na yon na kahit gaano karami ang nakain eh isang utot lang at kaunting lakad ay tanggal na agad yung kinain mo. ngayon kasi, pag kumain ako ng isang steak, mga dalawang buwan ata bago ko ito ma digest. tapos sa sobrang taba eh ang sagwa kong tingnan sa salamin pag naka side view. yung profile kasi ng katawan ko ay parang yung drawing ni exupery ng ahas na kumain ng elepante doon sa chapter 1 ng little prince.

I refuse to answer that question on the grounds that I forgot the answer

milestone talaga ang pagdating ko ng 40 years old. pakiramdam ko, parang may bago na naman akong bundok na aakyatin. mas mahirap kaya ito kaysa doon sa mga inakyat ko na? natatakot ako dahil hindi na ako kasing kisig at kasing tigas titi nung binata pa ako. baka kasi hingalin ako at mahirapang umakyat. 20 years ago, ang pakiramdam ko sa sarili ko ay indestructible – kahit ano kaya kong gawin basta marating lang yung mga pinapangarap ko sa buhay. ngayon kaya? pero, enough of this “climb every mountain” figures of speech and let’s move on.

Continue reading