Remember, people will judge you by your actions, not your intentions

dear unkyel batjay,

kamusta na po kayo diyan sa amerika? nag-iba na ba ang accent mo? eh yung ugali mo, nag-iba na rin ba? sabi kasi sa akin ng tito ko eh, nagbabago raw ang mga pinoy pag napunta sa amerika. nagiging mga kupal. napasulat po ako sa inyo para tanungin kung mayroon kayong mga bagong recipe. nag-aaral po akong magluto ngayon. sabi kasi ng misis ko, pag hindi ko siya pinagluto eh hindi raw po ako makaka kain ng luto ng diyos. agad-agad po akong nag-isip isip na kailangan ko na po talagang matuto. yun lang po at kamusta na lang kay ninang jet.

nagmamahal,
gentle reader

Continue reading

A wooden bed is better than a golden coffin

ok. unti unti nang nakukumpleto ang mga gamit sa apartment namin. kagabi nagpunta kami ne jet sa Levitz para bumili ng coffee table at saka mattress (hindi yung ovary, gago – yung kutson na nilalagay sa kama). siyempre pag bumili ka ng coffee table, kailangan may kasamang (hindi coffee gagi) – kailangan may kasamang sofa. pag bumili ka ng mattress, kailangan mo naman ng kama. mahal pala ang mga furniture dito sa merika. pero maganda naman ang quality. ang dami ngang mapagpipilian kaya pag hindi ka nag ingat, kung ano ano nang mabibili mo. gigising ka na lang isang umaga, ubos nang lahat ang pinagputahan mo.

Continue reading

Big sisters are the crabgrass in the lawn of life

Hi Ester!!!

It’s so nice to hear from you. I called up mom during the weekend and she was asking if we’ve gotten in touch already – I told her that we write each other emails regularly. She said that she’s got a letter for you but she hasn’t been able to mail it because the mailman she normally sends her letters to, quit. Since her 81 year old body can’t go out and visit the post office anymore, the letter’s still with her but she promised to send it soon.

We’ve moved during the weekend. We’re now staying in a great one room apartment with a big bedroom and bathroom, high ceiling and a very homey feeling that Jet and I really like. We have a small elevated patio where it would probably be nice to barbeque. We will celebrate the move with a picnic there pretty soon. We started last Saturday by moving twelve boxes and twelve bags from our friend’s house to the apartment. It took two trips, ten pounds shed off my weight and a lot of blood and sweat. It’s a good thing our friends Tom and Ceci came out to help. Otherwise I would probably have a hernia by now and sound like Michael Jackson (mom’s term would probably be “naging boses kiki”).

Continue reading

So she poured out the liquid music of her voice

nagbayad ako ngayon ng downpayment sa bahay. ang rent namin ni jet para sa isang one room apartment dito sa orins kawnti – $1250 (lagpas 68-tawsan pesoses). ang mahal, pakingsheet. muntik pang hindi natuloy dahil wala pa nga akong social security number. buti na lang sinagot ako ng opis namin. sila ang nag guarantee ng rent. nung bayaran nga ninerbyos ako – credit card ang ginamit ko at tumalbog ang una. buti na lang may extra akong card na pang emergency. yun ang na approve kaya tuloy na tuloy nang lipat namin sa sabado. labindalawang mabibigat na kahon at labindalawang bag ang bubuhatin. iniisip ko na nga ang mangyayari pagtapos nito… maluluslusan ako at magiging kaboses ni michael jackson.

ano ba ang “luslos” sa english? “hernia”, di ba. matagal ko na itong iniisip at walang makapagbigay ng magandang explanation… bakit “hernia” ang tawag sa “luslos”? di ba dapat “himnia”, kasi tayong mga lalaki lang ang tinutubuan ng betlog. naalala ko tuloy yung kaibigan ko sa novaliches na si tirik. bakit daw “doberman” ang tawag sa “doberman”. bakit daw hindi “doberdog”. ayun simula noon, “doberdog tirik” na tuloy ang tawag namin sa kanya.

Sexual harassment at work…is it a problem for the self-employed?

parang trumpo pa rin ako kanina sa opisina. tuliro at hilo – naghahalo kasi ang mga iniisip ko. minsan iniisip ko kung saan kami titira, kasabay nito eh hataw na ako sa trabaho. nagiging literal pala ito minsan. sa sobrang dami ng iniisip ko eh ilang beses akong naligaw sa building namin. tawa nga ng tawa ang mga kasama ko dahil kung saan saan daw ako sumusuot. pinakagago kong ginawa kanina? pumasok ako sa toilet ng mga babae. hehe. bigla akong pinawisan ng malamig – kakabasa ko lang kasi ng sexual harassment manual ng kumpanya. pwede ka palang makulong dito pag matagal kang tumingin sa boobs ng co-worker. mahigpit talaga ang batas at bawal maglandi. kaya nga ngayon, pag may lumapit sa akin na babae sa opisina, nag duduling dulingan na lang ako. mabuti na yung pangit kaysa makulong.

ah may good news nga pala ako – nalaman namin kanina na approved na yung application namin sa apartment. pwede na kaming lumipat ni jet this weekend. problema lang ngayon eh pambayad. ngyehehe. wala pa akong checking account. di pala pwede magbayad ng cash sa america.

Why does Sea World have a seafood restaurant?

ngayong hapon lumabas na naman kami ni jet para maghanap ng apartment. binigyan ko na ng taning ang house hunting namin dahil ayoko nang lumabas from work. dapat by tonight ay may napili na kami. ngyakshuli, may mga nabisita na kaming mga apartments na promising at nag shortlist na kami ng tatlo na aaplayan. first choice ay one room apartment with bathroom at covered garage. gusto ito ni jet dahil kyut ang layout at madaling linisin. nagustuhan ko naman dahil may magandang patio (ano bang patio sa tagalog? hindi duck, gago – balkonahe!), tahimik ang location, maraming puno at low density (ang ibig sabihin ng low density dear brader en sister, eh hindi mo maririnig ang kapit bahay mong humihilik). mabait naman ang superintendent na umasikaso sa amin – nakakatawa, accomodating at medyo bading. halata ko naman dahil sa pilantik ng kamay niyang medyo pilay at sa tono ng kanyang boses. hindi naman siya nagpakyut sa akin. siguro, hindi niya type ang betlog na kulay brown.

if all goes well (ie, my credit check gets approved even though i still don’t have any credit history and a social security number), we will have a permanent place to stay by this weekend. i cross my fingers and my legs.

Life is a bridge over the sea of changes

exciting ang buhay namin ni jet ngayon kasi naghahanap kami ng apartment na malilipatan. kaya nga back en forth kaming parang trumpo lately. ang hirap palang maghanap ng matitirahan dito sa orins kawnti. unang una, ang mahal ng rent. sino ba kasing gagong nagpauso na tumira dito at lahat ng lang ng tao eh gustong lumipat. super taas tuloy ang halaga ng pabahay. ang average two room apartment ay umaabot sa $1600 to $2000. packingsheet, that’s almost three times the amount we paid sa singapore. halos maihi ako sa presyo. tinanong ko nga doon sa katiwala ng apartment kung ginto yung mga door knob at gripo. hindi raw – tanso lang. ngyehehe.

Did you ever see the customers in health-food stores?

first day of work ko ngayon sa bago kong opisina dito sa ‘merika. swabe lang dahil nasa orientation pa rin ako – tinuro sa akin ngayong umaga kung nasaan ang kubeta (“dats damos imfortant fart op da opis” ang sambit ko sa english na halos hindi ko maintindihan). tapos dinala ako sa pantry na kung saan may libreng kape at snacks na nasa vendo machine (“dats dasican mos imfortant fart op da opis”, ang ganti ko na naman sa nag tour sa akin).

BATJAY: “is ebriting here in da pantry por free – oldis pud en sopdrinks?”
HR GUIDE SA OPIS: “YES, batjay!”

BATJAY: “how abawt di chips, di tsokoleyt bars endi beri meni beef jerky en eggs?”
HR GUIDE SA OPIS: “YES, they are all free,batjay!”

BATJAY: “kan i bring my wife en mommy to da opis en can we live here?”
HR GUIDE SA OPIS: “you trying to be cute, batjay?”

BATJAY: “how about balut? do yu hab da balut?”
HR GUIDE SA OPIS: “baloon?”