Only in America do we leave cars worth thousands of dollars in the driveway

gusto ko lang ipaalam sa inyo mga dear brader en sister na natapos na po ang aking actual behind the wheel driving test kaninang tanghali. nakakatakot din pala na may katabi ka sa kotse na taong may kapangyarihan sa buhay mo. taong pwedeng mag decide kung kotse or bisikleta ang dadalhin mong sasakyan sa amerika. oo, ninerbyos ako virginia. but not too much. confident naman ako sa kakayahan ko dahil mahigit 15 years na naman akong driver. but you can never know what can happen kaya naroon pa rin ang kaba. kotse ng kaibigan namin ni jet ang dala ko para sa test – lucky car daw iyon at marami nang mga naipasang mga wannabee drivers na tulad ko.

Continue reading

When a man opens a car door for his wife, it’s either a new car or a new wife

bukas na ng tanghali ang actual driving test ko. magmamaneho ako ng kotse habang may nakaupo sa passenger seat na magbibigay sa akin ng grade. pag pumasa ako rito ay mabibigyan na ako ng california driving license. pag sumabit ako eh maglalakad na lang siguro ako papunta sa opisina. kinakabahan na nga ako eh – ano kaya ang ipapagawa nila? magpapa parallel park kaya sila sa akin? ang hirap noon. yung “parallel” nga (eg, palaler, pararer, palerel), hindi ko ma pronounce ng maigi, actual na parellel parking pa.

Continue reading

There’s a battle outside and it is ragin’

mayroong isang grupo ng mga magugulang (ie, medyo mas matanda na kaysa mga bagets – inaderwords, mga 30 to 40 something) na bloggers na gumawa ng isang blogging community. para saan ba ito? wala lang. mahilig kasi ang mga members sa tsismis at isa itong paraan para makipagkwentuhan sa isa’t isa. ang pangalan ng group ay “The Rebels Without Because“. member ako rito at ang topic namin ngayon ay: “ano ang gagawin mo kung ikaw ang presidente ng pilipinas”. kung may oras kayo, dumayo naman kayo sa BLOGKADAHAN.COM para basahin ang mga posts ng mga siraulong katulad ko. toka ko ngayon at heto ang aking entry:

kung ako ang presidente ng pilipinas…

Continue reading

I saw a rabbit standing in front of a candle

pag uwi ko kanina may maliit na kuneho na tumalon malapit sa paradahan ko ng kotse. muntik na akong mahimatay sa takot. akala mo nga eh may magic show. cottontail ata ang tawag sa kanila at marami nito sa opis namin pag gabi. kung minsan nga eh nasa isang location lang silang lahat – isang barkada ng mga kuneho na nakatambay. nakakatakot nga, lalo na pag lahat sila ang nakatingin sa iyo. parang may malevolence sa kanilang mata, lalo na pag nasikatan ng head light. iba na talaga ang mundong ginagalawan ko. nung nagtatrabaho ako sa pilipinas ang nakikita ko lang na kuneho ay yung nasa candy. pilit ko ngang hinabol yung gumulat sa akin na rabbit kaya lang sobrang bilis ang takbo ng lekat. pakiramdam ko, para akong si alice na nakikpag habulan down the rabbit’s hole, papunta doon sa wonderland tea party. should i take the red pill?

You haven’t lived until you’ve died in California

interview with a friend after coming to america for the first time…

KAIBIGAN: nagpunta ka ba sa amerika?

BATJAY: oo pre, kakarating ko nga lang.

KAIBIGAN: saan sa amerika ka nagpunta?

BATJAY: sa california.

KAIBIGAN: ano nakita mo roon?

BATJAY: kalye pare, putangina, puro kalye.

Continue reading

people will never forget how you made them feel

dalawa at kalahating linggo na ang nakaraan pagkatapos naming bumaba sa eroplano at patuloy na ang pag usad ng aming buhay california: dumating na yung inorder naming sofa ngayong hapon. tapos na ring ma asembol lahat ng “build it yourself” furniture na binili namin. my days as a carpenter are finally over at mukhang tahanan na ang apartment namin. masarap talagang mag home improvement project dahil mayroong pride at feeling of accomplishment pag nikikita mong nakatayo na ang ginawa mo. in total mayroon na akong isang dining room showcase, tatlong aparador, isang tv stand, dalawang bedside table, isang shoe rack, apat na paltos, isang daliring tinamaan ng martilyo, dalawang gabing mainit ang ulo, magkabilang paa na nabagsakan ng mabigat na kahoy, isang sugat na malapit sa pulso and a partridge in a pear tree.

Continue reading

A peasant will stand on the top of a hill

dear unkyel batjay,

mayroon po akong tru-to-layf story. nakakahiya mang aminin e nangyari din po sa akin na umalis ako sa bahay na bukas ang zipper. horror story talaga ito na halos kaparehas ng open zipper story na nangyari sa iyo. ano pa magagawa ng byuti ko e huli na nang malaman kong kita nila ang bikini kong itim?

maraming salamat at gumagalang,
gentle reader

Continue reading

Enjoy the little things

etong mga nakaraang mga araw, nakapag asembol ako ng dalawang side table para sa bagong dating na kama. binili namin sa wall mart nung sabado yung mga table. simple lang gawin dahil may bago akong phallic power tool: isang electric screw driver. buti nga kasi dahil halos magkanda paltos ang kamay ko nung gamit ko yung swiss knife. naisip ko nga rin, kung mahilig lang sana ako sa anal sex, pwede nga sigurong gawing vibrator yung electric screw driver. kaya lang siguradong mag iiba ang tunog ng utot ko pag nagkataon. ang taba kasi nito eh. maganda yung kama na dumating, lalo na ng lagyan na ng bed sheets. ang sarap ding tulugan. naka tatlong bangon-higa, bangon-higa, bangon nga ako kanina. kung may sumisilip lang nung time na iyon, sasabihin nila sira ulo ako. kung sabagay, sira naman talaga ang ulo ko – pero kung bilog lang ang buwan.

Continue reading

First you forget names, then you forget faces

dear mommy,

gusto ko lang pong ikuwento sa inyo ang kahiya hiyang nangyari sa akin ngayon. pumasok po ako sa opisina kanina na bukas ang zipper. nalaman ko lang na bukas ito nang umihi ako ng mid day break. ibig sabihin pala, simula pag alis ko ng bahay hanggang sa dating sa opis eh bukas ito. buti na lang casual friday ngayon kaya naka tuck out ako ng polo – medyo hindi halata. kaya pala pag labas ko ng bahay kanina eh parang nakaramdam ako ng ginaw. kung may makakita sana sa akin at pinuna ang bukas kong zipper, ang isasagot ko para hindi ako mapahiya eh – “das wat we do wen it’s hot in singapore, my pren”.

nung isang gabi, nakita ko si jet na naglagay ng mga maruming plato sa oven namin. tapos naglagay siya ng sabon at nag power on. nagtaka nga ako kung anong klaseng pagluluto ang gagawin niya. nalaman ko lang pagkatapos na dishwasher pala ito. kaya pala nagbubula. iniisip ko nga, wala namang oven na ginagamitan ng sabon. ang galing pala dito sa amerika. puro mga hi tech ang mga gamit sa bahay. yung ref nga namin, may pagawaan ng yelo sa freezer. namamanhid na nga ang ngala-ngala ko dahil sa sobrang lamig. sa sobrang excitement ko kasi eh ginagawa kong candy yung mga ice cubes.

yon na lang muna ang kwento ko sa inyo. sana ay ok kayong lahat diyan sa pilipinas. parati naming kayong naiisip. sana makarating na kayo rito para bumisita. ingat na lang sa inyo.

ang nagmamahal ninyong bunso,
jay

Is it time to go home yet?

kakatapos ko lang nakabuo ng lamesa ngayong gabi. oo virginia, apat ang paa niya. walang mali sa ginawa ko. kaya lang may isang turnilyong naiwan, hindi ko alam kung saan ikakabit. baka sa ulo ko. hehehe. kagabi ay tatlong silya ang na asembol ko, kaya mayroon na kaming dining room show case. tapos, nakabili kami ng brand new ref at washer/dryer galing sa supervisor ng apartment naming bading. benta niya sa amin ay $400 for all three. bargain na rin. ang galing nga ng ref namin – may ice maker. ngayon lang ako nakakita nito. bwakangina, napaka promdi ko. hehehe. pasensya na’t novelty ito para sa akin. nung bata kasi ako, para akong gago dahil parating naka abang sa ref, naghihintay para tumigas ang titi ko? hindi gago, naghihintay para tumigas ang yelo. we’ve gone a long way – ngayon may instant ice na pag bukas ko ng ref. how cool is that? literally, it’s really cool.

Continue reading