The real voyage of discovery consists not in seeking new landscapes

narito na kami sa yunayted isteyts pagkatapos ng pagkahaba habang byahe. madaling araw na rito ngayon pero siyempre hindi pa kami makatulog. jet lag epeks na sinamahan ng gutom. ngyehehe. pero mamaya makakatulog din ako, i can feel it eh. si jet? nag aayos na. OC talaga yon. gusto kaagad niyang normal ang buhay namin one minute after setting foot in our new home. buti na lang ganito ang ugali niya. at least nababalanse ang pagka gung ho, bahala na attitude ko.

ang hirap. sobrang hirap ng naglilipat. bwakanginangyan. kasumpa sumpa talaga. nagpa FedEx kami ng 12 boxes ng gamit na darating next week. saan ito ilalagay? yan ang tanong. may ilang araw pa para pag isipan kung saan. hulaan ninyo kung ilan ang dala naming baggage sa flight? sirit… anim na checked in bags at apat na hand carry. oo virginia, sampung bagahe (buti na lang hindi kami siningil ng singapore airlines dahil siguradong overweight kami. dahil nga sa sobrang dami ng dala namin eh mayroon kaming nakalimutan na i-claim at binalikan ko pa sa LAX airport kanina. ang hirap palang makaiwan ng bag sa airport sa amerika. lahat ng tinanungan ko mali ang binigay sa akin na information kaya akyat baba ako sa arrival at departure ng airport. marami rin palang tanga sa amerika. hehehe.

pero in the end, ok namang lahat. nabawi ko ang lost luggage pagtapos makipaghabulan sa tauhan ng singapore airlines. nakakuha na kami ng rental car at nakapagbyahe na papunta sa aming temporary tahanan dito sa mission viejo. oo nasa orins kawnti na kami at excited na sa kung ano ang ibibigay sa amin ng tadhana rito.

The University of Nebraska says that elderly people that drink beer or wine at least four times a week have the highest bone density.

narito na kami ni jet sa airport and on our way to la. pinaghalong lungkot at saya. mami miss ko talaga ang singapore kahit papaano. it has been home for four years. binigyan niya kami ng sustento, security, di mabilang na exciting experiences at maraming kaibigan. iba iba ring klaseng mga tao ang na meet namin itong mga nakaraang taon. may mga halos magdugo ang ilong sa pangungulangot, mayroong malakas pa sa kanyon ang putok at mayroon ding mga mas kupal pa sa tutuong kupal. bagay na madalas kong ikatuwa at ikwento rito. ngayon ang last entry ko sa singapore adventure namin ni jet at mami miss ko silang lahat.

Continue reading

I like flowers, I also like children

bigote atsaka balbas simula nang umakyat ako sa mount apo two weeks ago, hindi na ako nag ahit. pang good luck ko ito pag may ginagawang project. normally, i don’t shave until the project’s complete. hindi pa rin ako nag ahit hanggang sa pagdating dito sa singapore kaya medyo mahaba haba na rin. laking gulat nga ng mga kasama ko sa opisina nang mag drop by ako kahapon to get my mail. bigla ngang may sumigaw na kaopisina kong singapaporean na “ABU SAYYAF”. eh di siyempre, narinig nila ang standard reply ko sa ganitong typical bastos na cliche, isang malakas na – “SO, YOU WANT ME TO CUT YOUR FUCKING HEAD OFF”. ayun, natahimik din ang kupal kahit papaano.

Life is not a journey to the grave with intentions of arriving safely

bakit OK sumakay ng singapore airlines? 1. masarap ang pansit bihon guisado doon sa kris flyer lounge sa NAIA. 2. libre ang singapore sling sa eroplano (naka dalawa ako ngayon). 3. masarap panoorin ang mga stewardess pag tumutulong silang mag lagay ng mga bag sa compartment. 4. minsan masarap din daw pag nasa aisle seat ka at madikit ang mga stewardess sa braso mo.

kamusta naman ang trip mo to singapore? ewan ko, tulog ako buong flight. pero mayroong small periods na gising. just awake enough to say to the stewardess – “i like the tanigue fish meal” and then eating it before losing consciousness once more. binabawi ko pa rin ang puyat sa mount apo last week.

Continue reading

“Women should not be enlightened or educated in any way. They should, in fact, be segregated as they are the cause of hideous and involuntary erections in holy men.” – Saint Agustine

dear unkyel batjay,

aalis na pala kayo sa pilipinas ni ate jet bukas. nakakalungkot naman. mami miss ka siguro ng mga kaibigan mo at mga kamag anak ano? sana naman ay hindi kayo masyadong mahirapan. siyanga pala, napasulat ako sa iyo dahil gusto ko pong humingi sa inyo ng payo. ano po ba ang gamot sa premature ejaculation? yon lang po. good luck na lang sa bago ninyong buhay.

nagmamahal,
gentle reader

dear gentle reader,

oo sa katunayan, bukas ay aalis na kami ng pilipinas. punta muna ng singapore tapos diretso na sa paboritong city ng mga batangueno sa america, ang Ala-Eh (Los Angeles). from there baba na kami sa aming magiging bagong tahanan sa orins kawnti. ngayon pa lang nga nalulungkot na ako. minimemorya ko na nga ang ngiti ng nanay ko, ang tabas ng damo sa aking hardin, ang bawat poste ng bahay namin. baka matagalan kasi bago kami makauwi. gusto ko, naka record lahat ng masasayang alaala sa utak ko para pag na homesick ako, ipe-play ko na lang ito na parang pelikula. mami miss din siguro ako ng mga inutangan ko, sama mo na rin diyan ang mga matrona at bading na matagal nang gustong masalat ang aking ginintuang pototoy. ano ba ang gamot sa premature ejaculation? ang pagkakarinig ko eh kadalasan ang sanhi nito ay psychological in nature, dala siguro ng over excitement. ang aking personal theory ay dahil ito sa sobrang pagjajakol nung kabataan (you can trace every adult screw up to some trauma during childhood). anyway, ang pinaka effective na treatment para hindi agad mag come ay ganito: during the actual sex, isipin mo na lang na katabi mo ang lolo mo sa kama. yon lang muna at hanggang sa muli.

adios gumbay,
unkyel batjay

Light travels faster than sound.

ngayon ko lang ulit na appreciate ang aking kinareer. iniisip ko nga kanina habang papauwi galing sa cotabato na masuwerte ako sa napili kong propesyon. hindi man malaki ang kita eh marangal naman ang hanap buhay ko. bakit ba masarap maging isang engineer? kasi walang halong pulitika sa trabaho. hindi kailangan ng pogi points, walang SONA, walang wire tapping at walang masyadong tae ng lalaking baka (bullshit ata ang tawag nito sa english).

simple lang actually – you build things from scratch and make things work. then you take your paycheck, have a beer with your friends and take your wife out shopping.

When everything is coming your way, you’re in the wrong lane

masarap ang pakiramdam pag nakikita mong gumagana ang ginawa mo. tulad ngayon, masaya ako kasi tumakbo na yung kinalikot namin sa mount apo. mabilis ang implementation – one week lang to take out a defective system and replace it with a new one. lahat ng ito ay ginawa without shutting down the power plant. ano bang magandang analogy para ma feel mo kung paano ito ginawa…

ah ok. parang ganito yun: isipin ninyo na lang na may isang babae (itago na lang natin siya sa pangalan na matilda) na nag request kay unkyel batjay na palitan na ang asawa niyang (si pepe) dahil maliit ang pototoy nito at parati pang nag pe-premature ejaculation. so ang ginawa ni unkyel batjay ay isinama si pedro (AKA “the love machine”) at pumunta doon sa bahay nina matilda at pepe. pumasok sa kwarto habang sila ay nagsesex, kinidnap si pepe at pinalitan siya ni pedro (na may malaking pagkalalaki at matagal bago mag come). lahat ng ito ay ginawa ng hindi namamalayan ni matilda. nagulat na lang siya after the sex at may bago na siyang partner na subok na matibay, subok na matagal.

Hard work pays off in the future. Laziness pays off now

paano bang gumawa ng isang project?

1. magsisimula ka siyempre by defining your system. ano ito, at ano ang kanyang gagawin pag siya ay tumatako na.

2. you think about the different components that will make up your system. then you think of ways on how they will work and communicate with each other.

3. after that, you simplify. you do this by reviewing your design and by breaking down all the components over and over again so that you are left with an elegant and simple solution.

4. once you’ve come up with the answer, you just go through the motions of implemantation. you know for sure that it will work out in the end because you already had all the answers even before you started.

5. pag tumatakbo na ang ginawa ninyo, bibili ang boss ng lechon baka at maraming san mig light. mag iinuman kayo at magbibidahan hanggang sa pagsikat ng araw.

that’s what engineering is all about.

How do you tell when you’re out of invisible ink?

marami ang naiinggit sa akin dahil masayaran lang daw ang likod ko eh humihilik na agad ako. mabilis akong makatulog at nakakatulog ako kahit saan. isa yan sa mga talents ko (bukod sa mahabang dila at pleasing personality), kahit ipagtanong pa ninyo sa mga kaibigan ko at mga katrabaho. nakakatulog ako ng one click sa mga sasakyan. pag andar pa lang eh para na akong pinaghehele. nakakatulog ako kahit nakatayo, kahit nakaupo at kahit nakadapa. huwag lang kung nakadapa at naghahanap ng palakang may buhok.

ngayon lang bumalik sa aking lahat kung bakit ako madaling makatulog. dala ito ng pag train ko sa sarili ko na magpahinga pag may bakanting oras pag gumagawa ng mga projects. tulad ngayong week, typical ang 20 hour working days. mag iisang linggo na akong puyat at natutulog na lang pag may lull sa trabaho. pumipikit na lang ako pag inabutan ako ng antok kahit nasaan pa siya.

OK, so what’s the speed of dark?

umuulan na naman habang sinusulat ko ito. nakihiram ako ng computer dahil may mga kailangang i-download na mga manuals na kailangan ko sa ginagawa namin. malapit nang magdilim at malamig na. parating na rin ang makapal na ulap at maya maya pa, babalutin na niya ang buong paligid at wala na akong makikita. siguro kung may langit, ganito ang hitsura niya. mataas na mga bundok, sariwang hangin at magandang panahon. kung pwede lang sana na mamundok poreber en eber, masaya sana.

doon sa mga nagtatanong kung ano ang amoy ko ngayon. gusto kong ipaalam sa inyo na naliligo pa rin ako araw araw kaya mabango pa rin. the wonders of technology – may hot water dito. at kahit malayo sa kabihasnan, may satellite cable connection kaya napapanood ko pa rin si kris aquino na sumisigaw ng “kee wreck” pag may sumagot ng tama sa “game na game ka” tuwing tanghali.

Always try to be modest, and be proud of it

narito ako sa taas ng mount apo para tulungan nga ang mga kaibigan kong gumawa ng kuryente. mayroon kasing kaunting problema sila sa ilang instrumento at kailangang palitan. ang problema, hindi pwedeng magsara ang planta habang pinapalitan ang mga instrumento kaya ang bayag ko ay nasa leeg parati – nininerbyos na baka may magawang mali at mag black out sa mindanao. pero tama na ang drama… may ibabalita akong ikinatuwa ko… pag pasok ko sa opisina ng planta ngayon, may sign na nakalagay: “BATJAY, JULY 18 T0 23”.

hehehe. sikat na ang “batjay” na palayaw ko kahit sa mga kaibigan ko sa industria.

Plan to be spontaneous tomorrow

maulan ngayon dito sa taas ng bundok at malamig. pag bukas ko ng bintana, may pumasok na ulap. yan lang ang konswelo ko – kahit maraming ginagawa, mayroon pa ring mga bagay bagay (ulap, in this case) na nagpapasaya sa akin. ang hitsura ko ngayon ay parang puyat na unggoy – wala pang tulog simula nang dumating and busy as ever.

nakita ko ang peak ng mount apo ngayong umaga, nangiti ako nang makita ito ni jet. first time kasi niyang makita ang paborito kong bundok. ok na sana kaso lang ang dami kong kulangot ngayong gabi. siguro dahil sa alikabok. rough road kasi paakyat dito.

On the other hand, you have different fingers

pagkatapos ng ilang taon, nakaapak na naman ako sa sa beloved kong davao. mas special nga ngayon kasi kasama ko si jet. makikita na niya kung bakit gustong gusto ko ang davao. kinuha namin ang 10:20 am cebu pacific trip from manila. ang daming tao sa airport – dami ring mga koreano. mukhang paboritong destination nila ang pilipinas dahil may special phone pa sila doon sa airport para tumawag ng collect sa bansa nila – siguro pag naubusan na sila ng kimchi at soju, pwedeng tumawag para may free delivery.

from davao diretso kami ni jet sa kidapawan. pahinga sandali tapos akyat na dito sa taas ng mount apo. it feels like home. siguro in a former life, dito ako sa bundok nabuhay (bilang isang lamok). when i die, scatter my ashes in this mountain.

Ticking away the moments that make up a dull day

time anong oras na? limang minuto makaraan ang truck ng basura! ngyehehe. nag imbento ako ng wrist watch para sa mga malalabo ang mata. magandang balita ito para sa mga milyong milyong mga taong kailangan pang magsalamin upang malaman ang oras. simple lang ang design at ginamit dito ang mga latest swiss technology upang makagawa ng orasang matibay, maaasahan at may mga numerong madaling mabasa.

GENTLE READER: unkyel batjay, bakit ka naka helmet?

BATJAY: ah, sa sobrang laki kasi ng relo eh doon nakalagay ang baterya.