If evolution really works, how come mothers only have two hands?

Grow old along with me, The best is yet to be dear mommy,

happy 81st birthday. sorry kung hindi ka namin makakasama ngayon. kung pwede lang sanang mag jeep papunta diyan sa novaliches from singapore, eh di mamaya sanang pagkatapos ng trabaho, diretso kami ni jet diyan sa bahay ninyo. kaya lang, mayrong south china sea na naghihiwalay sa atin. sayang. di bale, uuwi naman kami ngayong june at pag dating namin, punta na lang tayo sa tagaytay para makapag enjoy naman kayo kahit papaano. o baka gusto mo namang magpa liposuction sa clinic ni vicky bello? sagot kita! you deserve to have a break. kayo kasi, masyadong mapagmahal sa mga anak ninyo at apo. ayan tingnan ninyo tuloy, hanggang ngayon nag-aalaga ka pa rin sa kanila. dapat nagpupunta ka na lang araw araw sa parlor ni bien sa talipapa para magpakulot o kaya magpamanicure o facial. pero hindi, ikaw pa rin nagluluto ng pagkain nila. ikaw pa rin ang peacemaker. ikaw pa rin ang umaalalay. kung sabagay, alam ko naman na isa ito sa mga nagpapalakas sa iyo. pinaka exercise mo na siguro ang pagsilbi sa mga mahal mo sa buhay. i know everybody loves you for all the big and little things that you do. eh sa akin lang, ang laking bagay ang ginawa mong pag alaga sa akin. especially nung umalis na ang daddy sa bahay. ikaw umasikaso sa pagpapa aral sa akin. ni hindi ko alam kung kanino ka nanghingi ng pera para lang matapos ako. looking back, it must have been hard for you during those days. i know i was having fun and living a normal life when you were probably so busy thinking about how we’d move from one day to the next. ngayon ko lang ito na appreciate ng husto. alam ko hindi ko ito magagantihan but i just try my best by being a good son.

so how does it feel to be 81? alam ko gusto mo pang mabuhay ng matagal. sana nga you live as long as you want to na punong puno ng katatawanan at kaligayahan. actually, hindi ka naman mukhang 81. sabi nga ng mga kaibigan ko, parang 55 ka lang. hehehe… naalala ko tuloy, inis na inis ka pag tinatawag kang lola o kaya inang. kaya yan tuloy – mommy ang tawag sa iyo ng lahat ng tao. happy birthday ulit mommy. maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa amin.

with so much love, ang iyong bunsoy na kwarenta anyos na ngayon taon.
jay

Sunrise doesn’t last all morning

around this time last year, umuwi kami sa pilipinas ni jet kasi 80th birthday party ng mommy ko. medyo masama ang pakiramdam ko nung time na yon dahil 2 days nang sumasakit ang aking tiyan. akala ko eh bulate lang o kaya impatso. i will find out later na hindi pala at kahit anong dami ng inumin kong combantrin eh hindi ako gagaling. my dear brother en sister, exactly one year ago today, pumasok ako sa hospital para magpatuli dahil sumabog ang appendix ko. at kasabay nito ang paghinto ko sa paninigarillo. en teyk nowt, huminto ako ng cold turkey baby, cold turkey. major milestone sa buhay ko talaga yan kasi i’ve been a smoker for over 20 years and have been trying to quit for the longest time at hindi ko magawa. parati na lang akong may excuse – kesyo maraming pressure sa trabaho, kailangan ko sa pag entertain ng mga customers, kesyo masarap tumae pag naninigarillo, etc. etc. my dad and my brother died of smoking related illnesses and i knew that if i didn’t stop, i’d probably die from it as well someday. there’s nothing like being hospitalized to make you start thinking about your mortality. perhaps, that was the reason why i was able to stop – i didn’t want to die just yet. happy anniversary to myself. bilang regalo sa sarili ko, bibili ako ng isang kahang marlboro reds. BWAHAHAHAHAHAHA.

A WORLD THAT BECKONS LIKE A LIBERATION: 20 questions on blogging and life in general

1. kailan ka nagsimulang mag blog? nagsimula ako nung september 2001, right before the 9/11 tragedy. first time kong mag abroad para magtrabaho, kakadating ko pa lang sa singapore at inabutan bigla ng matinding lungkot. naisip ko, imbes na mag-iiyak ako ng buong magdamag, eh di isulat ko na lang ang aking mga experiences bilang isang OFW. baka kako, pwedeng pagkakwartahan someday.

2. ano ang nakukuha mo sa pagsulat ng blog? sanity. dito ko kasi nilalabas ang mga demonyo ko para pag balik ko sa real world ay patuloy akong makapamuhay ng maligaya at matino.

3. sino-sino bang nagbabasa ng blog mo? nanay ko at si jet. mga kapatid ko rin paminsan minsan.

4. sinong mga hinahangaan mong bloggers? naku marami. sa talent ng pagsusulat, nariyan sina mona, sassy, Mrs. P, si Cat, lara, si doc emer, jop, yasmin, si tito rolly, ate sienna at siyempre si jet. lahat sila ay magagaling magsulat at pag hinambing ko sila sa akin, parang garapata lang ko.

5. kung hindi ka magblog, ano ang alternative mo? ewan ko, mga ibang style siguro ng intellectual na pagjajakol. pangungulangot at pambubwisit sa mga baby na nakasakay sa bus.

6. kung may malunod na synchronized swimmer, malulunod din kaya ang mga kasama niya? gago.

7. Is the “human voice” a defining characteristic of weblogs, or merely desirable in most cases? in a lot of cases the human voice is an essential and defining characteristic of a weblog. i know in my case it is. i write what happens to my life in a personal and very human way. there is no other alternative.

8. ano ang pinaka driving force kung bakit ka may blog? nung una nga gusto ko lang gawing diversion dahil nalulungkot nga ako rito sa singapore. nung panahong iyon nagsusulat ako para may history ako ng struggling years ko as an OFW. pero nang lumaon, naging interactive na. may bumibisita na kasi bukod sa mga kamag anak ko. nagsusulat ako, hindi naman para sumikat. gusto ko lang sabihin sa mundo na – hoy, mga ulul, narito ako! oo virginia, parang “Kilroy Was Here” ang dating.

9. Why do people point to their wrist when asking for the time, but don’t point to their crotch when they ask where the bathroom is? i don’t know.

10. Ano ang Blogkadahan? group ito ng mga pinoy bloggers from all over the world. mayron silang website and they post entries based on a particular agreed upon topic. iba ibang personalities kaya sigurado ka na mayrong diversity sa opinion, sa point of view at sa paraan at style ng pagsusulat. for that alone, the website is an interesting read. karamihan sa mga members ay nasa 30 to 50 years old. pero mayron ding tulad ko na nasa early 20’s. twenty years nang namamasukan.

11. Why do people look into tissues after they blow their nose ? What are they expecting to see? ewan ko. tinitingnan nila siguro kung may free.

12. What’s the best thing that blogging has brought you since you started? naging sikat ako at maraming nga babae ang pumipila sa labas ng bahay para dugasin ang underwear ko. dumami rin ang mga kaibigan ko na pwedeng utangan. paminsan minsan nababanggit sa newspaper kaya huwag kayong magtaka kung minsan makita ninyo ang mukha ko sa pinagbalutan ng tinapa.

13. what do you hate most about blogging? visiting blog sites that don’t have any content. ang mga blog sites na walang content ay parang mga empty shells. simple lang naman ang sikreto para bumalik ang mga tao sa site mo parati. here’s the secret: write interesting and compelling posts. it doesn’t have to be about “deep topics”. as long as it is written very well, it will stand out.

14. what is the most you like about blogging? na panabla ito. you can be the simplest person in the world, but if you’ve published a good enough post, people will notice and your visitors will increase. you don’t need to be the heavyweight champion of the world (ika nga ni dylan), if you’ve got a great site, people will come. hindi ba napakasarap marining ang “AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH, I’M COMING”.

15. May is national masturbation month, what are you going to do about it? wala na. retired na ako sa masturbation for now.

16. anong masasabi mo sa mga taong ngayon lang balak mag blog? pakabait kayo’t magsulat ng mga interesting na post. tama na yung mga entry na “today, i have nothing to say, that’s why i want to talk about how my dirty socks smell”.

17. ano ba ang advise mo tungkol sa appearance ng mga template? ah yan importante rin – kailangan simple lang. hindi cluttered. dapat din walang mga lumilipad na animation. dapat walang automatic music na tutugtog. dapat hindi rin masakit sa mata ang color combination – walang purple text on orange background. yung mga pictures dapat maliliit lang ang file size para hindi matagal mag load. ano pa ba? ah, kailangan simple lang. ay – nabanggit ko na pala. paandarin parati ang pilosopiya ng “Occam’s Razor“. inaderwords, KISS – ie, keep it simple stupid.

18. anong nagpapasaya sa iyo sa pagblog? pag may OFW na sumulat sa akin at sinasabing nakakapag identify siya sa mga kinukwento ko.

19. may standard practices ba sa pag blog para maging successful ito at maraming bumisita? wala. anything goes basta interesting at hindi nakakasakit ng ibang tao.

20. ano ang mangyayari pag nag ahit kayo ng kilay sa kaliwang mata? magmumukha kang mataray

Only the beginning of what I want to feel forever

Grow old along with me, The best is yet to be ngayon ang ika labing apat na anibersaryo ng kasal naming mag-asawa. labing apat. packingsheet – seven year itch taymis two. bwahahaha. ang tagal na namin ni jet ano? pero hanggang ngayon masarap pa rin ang sex life namin. buti na lang. pero teka, taympers… bago tayo magpatuloy, imagine nyo na lang muna na tumutugtog ang “ode to joy” ni beethoven para mas madrama. ok, tuloy ang kwento: alam nyo, ngayong taon eh pakiramdam ko, maraming magbabago sa buhay namin ni jet. parang natatakot nga ako dahil hindi ko alam what the future will bring. i just take comfort in the fact na sa 14 years naming pagsasama, wala kaming hinarap na hindi namin nalamapasan with flying colors. in fact, di ba, nagsimula nga kaming magsama eh wala kaming ka pera pera at hindi na nga kami nakapag pakasal sa simbahan. doon lang kami sa munisipyo ng kalookan sama ang dalawang kaibigang naging ninong at witness.

Grow old along with me, The best is yet to be tapos ang reception pa namin ay sa jollibee sa sangandaan ginawa. kaming dalawa lang ni jet – chicken joy at french fries with large coke and extra rice lang ang handa. pagtapos ng kasal, nakitira lang kami sa mga mommy ko at nakituloy sa isang maliit na kwarto na may single bed. simple lang. siguro kaya rin kami naging close na mag asawa: kasi pag nag-away kami, hindi pwedeng hindi kami mag bate bago matulog dahil pang isahang tao lang ang kama. wala kang tatakbuhan kaya mapipilitan kang makipag areglo. hehe. nakakatawa nga – ngayon, king size na ang kama namin pero magkadikit pa rin kaming matulog. and just as well. you don’t know what hapiness is hanggang hindi mo nararamdaman kung papaano gumising sa umaga na katabi ang mahal mo na nakaakap ng mahigpit sa iyo. yun yung sinsasabi kong mga maliliit na bagay na pag pinag dugtong dugtong mo ay nagiging isang makabuluhang pagsasama. may request nga pala ako, punta naman kayo sa website ni jet at mag iwan kayo ng comment. sabihin ninyo, inutusan ko kayong magpunta roon para batiin siya ng isang happy 14th year wedding anniversary. sa pagsasama kasi namin, napakalaki ng naitulong niya para marating namin ang narating namin. hindi man kami mayaman sa salapi, eh busog naman kami sa pagmamahal. at malaking bagay dito ay dahil sa aking mylabopmayn.

Continue reading

When you realize you want to spend the rest of your life with somebody

GENTLE READER: dear unkyel batjay, gusto ko lang po kasing magtanong. mag aasawa na po ako this year – ano ba ang dapat naming gawin ng boypren ko para tumagal kami ng tulad ng pagsasama ninyo ni ma’am jet?

BATJAY: buti naman at natanong mo iyan gentle reader. una sa lahat, masaya na ako kasi narito na nga sa singapore ang mylabopmayn ko after 4 months naming paghihiwalay kaya tapos nang maliligayang araw ko sa pagjajakol. alam mo, parati na lang tinatanong sa akin ang sikreto ng isang relationship. ang parati ko namang sagot ay – ewan ko. i guess it’s the small things na ginagawa ninyo sa isa’t isa na pag pinagdugtong dugtong mo ay makakabuo ng isang napakaganda’t makulay na tapestry. sabi ng kaibigan kong matanda sa akin eh kailangan daw ng Ajinomoto sa isang relationship. dapat daw kasi parating malasa ang inyong pagsasama para di madaling magsawa. siyempre, importante rin ang sex. kaya kayong mga kalalakihan, huwag puro slam bam thank you ma’am. kailangan matagal ang foreplay at sabi nga ng mga kaibigan kong babae eh kailangan daw huwag mag premature ejaculation. importante rin ang sense of humor sa pagsasama. kailangan sa gitna ng adversity ay may tawanan pa rin. pero kailangan pag nag premature ejaculation ay walang tawanan.

Ever has it been that love knows not its own depth

narito na ang mylabopmayn ko sa singapore pagtapos ng humigit kumulang ay mga apat na buwan din naming pagkakalayo. masakit talaga ang mawalay sa mahal mo sa buhay. pero sa isang banda, maigi rin ito dahil nalalaman mo talaga ang halaga ng isang tao pag siya’y wala sa tabi mo (kahit sandali lang as in our case – but it did feel like an eternity). minsan kasi you tend to take for granted, the things that matter the most to you simply because you see them everyday. separation, my dear friends, makes sure you never ever forget. sabi nga ni janice jurado kay johnny wilson doon sa sitcom of my childhood – “johnny baby, what are you taking me for? GRANTED?”

may nakakatawang nangyari sa amin kaninang madaling araw nang sunduin ko si jet – nakarating kami ng bahay from the airport carrying the wrong maleta. siguro dahil na rin sa over excitement namin or sa pagkapagod ko. perhaps both. we ended up going to the airport twice dahil we needed to return the wrong bag and reswitch. kaya pala biglang naging two wheels yung four wheel maleta namin. for a moment there, akala ko na-maligno ang suitcase. pero ok lang. masaya naman kaming nakauwi (ng dalawang beses din siyempre).

Do you hear the Slang of Ages ?

WOW SEXY! GENTLE READER: dear unkyel batjay, ang bastos bastos mo! kung ano-ano ang mga pinag sususulat mo, tapos kung ang dami mo pang mga mahalay na litrato. sira ulo ka talaga.

BATJAY: dear gentle reader, yung kapitbahay namin, mas bastos yon sa akin. paano kasi, nilululon niya parati ang plema niya pag nagki clear siya ng throat. pero enapopdat owlredi… nakabikini ako ngayon kasi mamayang ala una ng madaling araw ang pagdating ng mylabopmayn jet ko galing ng ‘merika. medyo matagal kaming hindi nagkita kaya siyempre – kailangan bagong ligo ako at extra sexy ang costume para pag salubong ko mamaya (kasama ng drum and bugle corps ng mababang paaralan ng saint andrew fields) sa changi airport eh bongga ako, baby. malapit na pala mag alas dose. sige na, magbibihis pa ako para maaga ako sa epot (yan ang english ng singaporean para sa airport at hindi ito ebs, ok?). natataranta tuloy ako. saan ko na nga ba nilagay yung pantalon ko? naalala ko tuloy nangyari sa akin kaninang umaga: muntik na akong lumabas ng bahay ng naka brief lang dahil nag aapura akong pumasok. akala ko, may pantalon na ako. ulyanin. hemingway, alis na ako. babu.

FOR THE HEART IS AN ORGAN OF FIRE

dear gentle reader,

nalaman ko ngayon na hindi pala pwedeng i-demanda ang partner na babae kapag nagse-sex kayo ng patambling tambling at aksidenteng mabagsakan niya ang pototoy mo at ito’y mabali. read on baby…

BOSTON – A woman isn’t legally responsible for injuries her boyfriend suffered while they were having consensual sex more than a decade ago, a state appeals court ruled Monday. The man, identified only as John Doe in court papers, filed suit against the woman in 1997, claiming she was negligent when she suddenly changed positions, landed awkwardly on him and fractured his penis.”

bakit ba ganyan sa ‘merika? lahat na lang pwedeng gawing grounds para magdemanda. kumain ka ng fast food at tumaba, pwede mo nang idemanda ang mcdonalds dahil mataas sa cholesterol ang ham-bur-dyer nila. pero mabalik tayo doon sa mag syota na nag demandahanFRACTURED his penis? ano kaya ginawa nila’t nauwi sa ganon? kailangan pa raw magpaopera para lang maibalik sa dati. sa tingin ko eh naupuan ito at nabaluktot. ARAY, bwakanginangyan, iniisip ko lang nanghihina na ako. pero teka, on sikantot, mukhang exciting ang sex kapag komang ang pototoy mo. isipin mo na lang ang mga acrobatic moves na pwede mong gawin para lamang magkaroon ng penetration. hmmm… kinky. heniwey, ingat ka na lang gentle reader, mahirap mapilayan.

THE MOMENTUM OF MEDIOCRITY

nabalitaan na ba ninyo na may nakawalang jaguar sa singapore zoo recently? oo virginia, yung jaguar na hayup at hindi yung security guard (na tulad nung sa pelikula ni lino brocka starring philip salvadorr). nakawala daw ang malaking pusa doon sa kanyang kulungan at kinailangan pa nilang i-evacuate ang lahat ng mga bisita at isara ang zoo ng mga 30 minutes hanggang sa mahuli ulit nila ito. how bizarre is that? buti na lang walang nakain. ang ganda sana ng headline sa newspaper: “FILIPINO TOURIST EATEN BY HUNGRY JAGUAR“. hehehe. pero two days after that, muntik nang magkatutuo ito. hindi pinoy, pero isang chinese tourist ang nakagat ng serval cat sa animal show ng night safari dito rin sa sinagpore (and not far from the zoo where the jaugar escaped). yung serval cat ay isang pusang haliparot (wild cat) na kasing laki ng aso. kinagat niya yung chinese tourist ng mahigit 2 minutes at kinailangan pa nila itong ipa hospital (yung turista ang na hospital at hindi yung pusa).

ang sabi ng kaibigan ko, parang gumaganti lang daw ang pusa kasi mahilig daw kumain ng mga serval cats ang mga intsik. kaya simula nang incident na iyan ay banned na sila from the night safari (yung mga servil cats ang banned at hindi ang mga chinese tourists).

WHEN THE NIGHT MEETS THE MORNING SUN

GENTLE READER: Dear Unkyel BatJay, ano po ba ang standard sa beauty? attracted ka ba doon sa mga super model na nakikita mo sa Fashion TV na bakat ang mga utong? ok ba sa iyo ang mga artista na lumalabas sa mga noontime show? ayos ba sa iyo ang ganda ng mga commercial model ng close up toothpaste? para sa akin kasi, medyo retokado ang gandang iyon dahil sa make-up at lighting epeks – gusto kong makita muna ang babae sa umaga. yung wala pa talagang make-up! pag nagandahan ako sa babae during this time of the day, talagang maganda sya.

BATJAY: dear gentle reader, kasama rin ba sa beauty test mo ang pag amoy sa hininga ng babae sa umaga right after waking up? naalala ko tuloy yung eksena ni julia roberts at john cusack sa “AMERICA’S SWEETHEARTS” – maghahalikan sana sila sa morning after sleeping together pero nagtakip sila pareho ng bibig. pero kung mahal mo talaga ang isang tao, kahit amoy imburnal ang hininga niya sa umaga – tatanggapin mo pa rin siya di ba? regaluhan mo na lang siguro ng toothbrush.

Everyone has talent

1. kaya kong itaas ang kanang kilay ko

2. napapagalaw ko rin ang tenga ko

3. kaya ko ring pagalawin ang magkabilang pisngi ng pwet ko pero mas malakas ang galaw ng kaliwang pisngi (siguro dahil left handed ako)

4. pag tulog ako, nagigising ako kasi naririnig ko ang sarili kong humihilik.

5. sa umaga pagkagising, kaya kong gawing korteng tent ang underwear ko.