SONGS IN THE KEY OF LIFE

1. “Suicide Is Painless” from the M*A*S*H movie soundtrack
2. “Organ Grinder“, Mark-Almond
3. “Born To Run“, Bruce Springsteen
4. “Imagine“, John Lennon
5. “In My Life by The Beatles
6. “Deacon Blues by Steely Dan
7. “(Sittin on) the Dock of the Bay” by Otis Redding
8. “It Ain’t Me, Babe” by Bob Dylan
9. “ Helplessly Hoping” by Crosby Stills Nash Young
10. “Himig ng Pag-ibig” ni Lolita Carbon

Ito ang top 10 list ng mga importanteng kanta sa buhay ko. Nagpapalit ito from time to time kaya hindi yan permanent “greatest hits”. Isasama ko rin sana ang “Voltes V Theme” at “Magellan” ni Yoyoy pero di na kasya. Special mention din yung “Imitation of Life” ng R.E.M. For more information on my music list CLICK HERE.

Continue reading

Teach not thy lip such scorn

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ano po ba ang medical benefits ng kissing? nabasa ko kasi na ang halik daw ay isang magandang form of excercise.

BATJAY: dear gentle reader, medical benefits ba kamo? siguro si doc emer lang ang makapagbibigay linaw riyan. di ko alam kung magaling siyang humalik (ay ayoko rin namang malaman. yuck! hehe) pero doctor siya at makapagbibigay ng sceintific explanation. pero baka nga masama sa katawan ang paghalik. sabi kasi sa isang report: more than 40,000 parasites and 250 types of bacteria are exchanged during a typical French kiss. bwakanginngyan. siguro, times two ang germs kung bad breath ang partner mo. gaano kaya karaming parasites at bacteria when you “kiss ass”? hehe. at eto pa, the same study also says that couples exchange 0.7 grams of protein, 0.45 grams of fat and 0.19 grams of other organic substances. packingsheet, nakakataba pa yata.

INSTANT PANSIT NA GAWA NG DIYOS

ANG PANSIT NA GAWA NG DIYOS so, eto na nga yung isa sa mga iniisip kong ilabas na negosyo – instant noodles. sample lang ito ng packaging na gagawin namin. siyempre dapat catchy ang pangalan at makulay ang wrapper. ang iniisip ko ngayon ay yung “key differentiator”. sa tagalog, ano ang meron sa produkto ko na kakaiba sa mga produkto ng kalaban. funky flavors, i guess: ube tinapa? bagoong honey? chocolate daing? pero ang iniisip ko ay talagang kakaiba. tatanggapin kaya ng food and drug administration kung maglalabas ako ng viagra flavored noodles? ang slogan para sa advertising campaign ay dapat catchy rin. papasa kaya ang: “Subukan ninyo ang Unkyel BatJay Pansit Canton, Titigasan kayo sa sarap!”

ANG PANSIT NA NILUTO NG DIYOS

ANG PANSIT NA GAWA NG DIYOS OK, OK. hindi na kailangan pang sabihin sa akin: matagal ko nang alam na mas bagay talaga kung ako’y may pekpek imbes na pototoy. sabi nga ng mga kaibigan ko eh kamukha ko raw si donita rosa kung naging babae ako (siyempre, you have to ignore the fact na kutis betlog ako’t hindi mestiza tulad ni donita). iniisip ko na nga kung ano ang ok na showbiz name: “Donita Sampaguita” or “Donita Gumamela“. finally, napag desisyonan namin ng manager kong si SuperPolo na “Donita Talampunay” na lang. there’s a certain wacky charm in the name na parang gusto mong mag hallucinate at tumakbo sa kalye ng nakahubo. hehe. ito nga pala ang bago kong iniisip na negosyo: instant noodles. ayoko na ng pansitan kasi mayroon na si ninang kong ate sienna nito. ano sa tingin ninyo, bebenta kaya ang: “BatJay’s Pansit Canton, Ang Pansit na Galing sa Langit“.

PROVE TO ME THAT YOU’RE NO FOOL, WALK ACROSS MY SWIMMING POOL

minsan salbahe ang mga drivers dito sa sinapore. pininahan na naman ako ng kotse habang nagbibisikleta pauwi ngayong gabi. namamadali pa naman ako dahil lalabas kami ni jet for dinner. nanahimik akong nagbibisikleta sa gilid ng kalye nang biglang dumikit sa akin yung kotse sabay busina ng malakas. eh di muntik na akong mahulog kasi halos mabitawan ko yung manibela dahil sa matinding gulat. balak ko sanang mag promote ng racial harmony by giving him the famous pinoy middle finger hand gesture, kaya lang bigla siyang lumiko at pumasok sa simbahan. kaya yon, nag sign of the cross na lang ako at sumigaw ng “ANG BAIT BAIT MONG HINAYUPAK KA, SANA KUNIN KA NA NI LORD!!”

BAD SNEAKERS AND A PINA COLADA MY FRIEND

TIP OF THE WEEK: kung gumagamit kayo ng firefox sa pag browse ng internet (and you should if you haven’t) then it makes sense to visit chin wong’s “digital life” site para makakuha ng tips on how to tweak firefox and make it run even faster. sinunod ko ang mga instructions sa site niya na parang utu-uto and i shit you not, talagang bumilis. pakiwari ko eh parang uminom ng speed ang aking PC. at before i forget, eto nga pala ang isa pang importanteng tip: huwag na huwag ninyong pagsasamahin ang glue at eye drops sa cabinet. bakit kamo? eto basahin ninyo ang balita galing england: A grandmother ended up in hospital when she confused her eye drops with superglue.” ang sabi sa report eh nagdikit daw ang pilik mata ni lola. gusto kong matawa pero hindi ko magawa.

Continue reading

PAMPERS FOR TWISTED MEN

AHEM… balak ko ring i-tie up ang iniisip kong pampers business doon sa publication ng nobela kong tungkol sa holy grill para may synergy of sorts. iniisip ko nga ang iba’t ibang mga angles. una ay ang market: sino ba ang customer ko – mga twisted na baby? mga baby na may twisted parents? mga unano? mga lalaking over 65 na mahilig magbasa ng mga bastos na sex stories? next angle ay: ano ang key differentiator ko sa aking mga kalaban. extra strong disposable na pwedeng i-reuse? t-back style? funky neon colors? glow in the dark? finally, PACKAGING: answer this truthfully without any concern for my feelings – bibilhin ba ninyo ang pampers na ito pag nakita ninyo na naka display sa supermarket? salamat nga pala kay superpolo for the artwork. dahil nagtitipid kami ay ginamit niya ang aking baby picture na taken before my 1st birthday. if you look closely, not much has changed as far as my appearance (and mental state) is concerned. kyut ‘no?

PAMPERS FOR TWISTED MEN - maraming salamat kay super duper artist POLO for the artwork

When I was a little biddy boy

all the queen's horses and all the queen's men nakita na ninyo siguro ito and you must already know what’s wrong with this picture – the queen’s not smiling. hehe. at siyempre, there’s also this small thing about the man on the left of the queen na walang underwear (salonggonisa in tagalog. op kors, ang bra ay salong bola at ang panty ay salongguhit) and whose dick is sticking out. show off! kung sabagay, scientifically proven din naman na mas masarap at healthy para sa lalaki ang walang underwear pag naka palda. presko kasi sa betlog. nakaka identify ako sa lalaking ito pero hindi naman ako nagpapalda. i do the next best thing. pag nasa bahay ako, i wear really loose cotton shorts na walang underwear. tapos tatapat ako sa electric fan at bubuka bukaka na parang gunting. ang sarap man.

Through the corridors of sleep

QUESTION OF THE DAY: bakit walang amoy ang kulangot pag nasa loob pa ito ng ilong?

bumalik ulit kami kagabi doon sa lorong #9 sa geylang para kumain ng beef hor fun. talagang masarap ang luto doon. ewan ko ba kung anong klaseng magic ang ginagawa ng cook doon upang maging malasa ang hor fun noodles. umorder din kami ng fried chicken na amoy kulangot. ah basta. di ko kasi ma explain ang amoy ng prawn paste coated fried chicken eh. parang amoy pekpek? hehe. hindi naman siguro. pero masarap at marami nga akong nakain. nasabi ko na dati pero uulitin ko ulit, kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay, sa likod ng pasay masarap na pagkain sa singapore, dumiretso na kayo sa geylang.

It’s a thousand pages, give or take a few

DA VINCI CODE - maraming salamat ulit kay super duper talented artist the amazing polo gumagawa ako ngayon ng isang bagong nobela. oo virginia, “the batjay code” ang title niya. sa morse code ko ba ito isusulat? perhaps in the next translation. kaunti na lang kasi ang nakakabasa ng mga “dit dit di di di di dit dit” eh. heniwey, ang nobela na ito ay tungkol sa isang teacher ng isang catholic school sa kalookan city na nagpunta sa national museum upang pagmasdan ang spoliarium ni luna. doon niya nakita ang isang lalaking pinatay ng nakahubo habang animo’y mayrong itinuturong mga clue. ito na ang naging simula ng paghahanap ng teacher sa isa sa mga pinakaimportanteng kagamitan ng simbahan na matagal nang nawawala. opo, dear brader en sister, ito ay ang “holy grail”. ang naghihimalang pang-ihaw ng barbeque ng mga cardinal.

GENTLE READER: unkyel batjay, holy grill po yung pang-ihaw ng barbeque. hindi holy grail. uminom ka na naman siguro ng talampunay, ano?

BATJAY: bakit ba sabat ka ng sabat? napapahiya tuloy ako.

MA’AM, MA’AM, ANO PO BA ANG DILDO?

si jop ay isang pinay na teacher sa isang elementary school sa “ni-yu joi-see”, USA. nakakatawa ang blog niya tungkol sa experiences sa loob ng classroom kaya pag may time kayo ay bisitahin ninyo siya. anyway, last week daw ay mayroong 12 year old pupil na nagtanong sa kanya kung ano raw ang “dildo“. before siya na “save by the bell” ay naiblurt out niya (for the lack of a better word, i guess) na ang “dildo” raw is a kind of toy. kung sa akin nangyari yan ay sasagutin ko ang tanong via multiple choice. parang ganito: “ok class, listen up. a dildo may be any of the following. choose the best answer:

A. it’s the cartoon character in the old seven up commercials”.

B. it’s an extinct stupid bird.

C. a dildo is a variety of sweet pickle

D. it’s a girl toy that’s used when there’s no boy.

Cheerful cheerful flashing a big smile

CLICK TO ZOOM. FROM LEFT TO RIGHT, FRONT TO BACK: (FRONT) SARA, RINA, CHRISTINE, (BACK)EDER, LEAH, JET, OWEN punong puno ng action ang friday ko. muntik na akong hindi nakasama sa bintan, indonesia para sa aming weekend getaway. nakalimutan ko kasi na yung passport ko ay nasa indian embassy. kumukuha ako ng visa dahil may trip ako sa curry land ng end of the month. alas singko ng hapon ay kumakaripas ako ng takbo sa opisina ng travel agent namin upang makuha ang passport ko. nakuha ko ng six. uwi ng bahay at diretso sa ferry terminal kasama sina leah, eder at jet ng seven o’ clock. photo finish. tapos nagsuka ako from start to end sa loob ng ferry. ang yabang yabang ko pa – kain ako ng kain ng tuna sandwich kahit maalon. nakikipag biruan pa’t pakanta kanta. one moment normal ako, the next moment para akong naglilihi. hindi pala maganda ang pakiramdam ng sumusuka sa toilet bowl habang hinahataw ang katawan mo left and right ng malakas na alon. pakiramdam ko eh parang akong na rape ng tatlong sumo wrestler. hah! akala ko ay malakas ang sikmura ko. hindi pala. pero yon lang naman ang masamang nangyari sa buong trip. the rest of the weekend was a blast. one word: PAKINGSHEET ANG SARAP. ay, three words pala. hehehe.

Continue reading

One shade the more

happy birthday mylabopmayn happy birthday mylabopmayn. bukas kasi ang 41st birthday ng asawa kong si jet. siyempre mukha pa rin siyang 28 years old at para nga siyang bumabata every year. di tulad kong tumatandang kalabaw. some girls have all the luck. pero masuerte nga si jet. ever since pinanganak siya ay parang may nagbabantay na sa kanyang anghel dela jaguar. ang tutuong pangalan ni jet ay theresa hazel. ang ganda ano? paano ito naging jet? siyempre may story behind every name. here’s hers… pinanganak si jet ng less than nine months. hindi sa taxi pero muntik na. kasing laki raw siya halos ng kuto ng siya ay lumabas at super bilis. one moment nasa loob siya ng tiyan ng mommy niya, the next moment humahalakhak na siya sa kama. hanggang ngayon humahalakhak pa rin siya, which is one of the things i like in her. if you’ve met her, you’ll know what i mean. she has a laugh that is infectious – parang bubonic plague. nakakahawa! asan na ba ako? ah, ok… oo nga. pinangalan nga si jet na jet dahil para siyang jet na dumating sa mundo: super bilis. ito siguro ang isang dahilan kung bakit kami compatible. kasi siya ay premature baby at ako naman ay premature ejaculation. buti na nga lang at magaling akong mag tumbling tumbling nung sperm pa lang ako at nakaabot din ako sa paroroonan. hanggang ngayon, dala ko pa rin ang talent na ito kasi magaling akong mag tumbling sa kama. but that is another story.

Continue reading