Since garlic then hath powers to save from death, Bear with it though it makes unsavory breath

LONDON, England (Reuters) . “If brushing and mouthwash don’t improve bad breath, an Israeli scientist may have the solution: laser treatment“… hoy! mga amoy imburnal ang hininga, narinig nyo ba yan? may pag-asa pa kayong magka syota.

pero i’m sure this is not a cure all for bad breath. kaya pag ayaw pa ring tumalab ng laser treatment, ganito na lang ang gawin ninyo: bili kayong mighty bond glue sa hardware at maglagay ng kaunti sa gilagid at labi. be careful not to swallow kasi baka magbara ang pwet ninyo. close your mouth and wait for the glue to dry. KUNG may amoy pa rin pagtapos na permanente mong isara ang iyong bibig: hay naku darling, wala na akong maisip na solution – uminom ka na lang siguro ng baygon.

speaking of baygon, ikinalulungkot kong ipaalam sa inyo na hindi na matutuloy ang spiderman 3. sorry, hindi ko sinasadya. lamok lang naman talaga ang gusto kong patayin.

An ass is but an ass, though laden with gold

WUKU, Taiwan (AFP) – “A Taiwanese company, which has earned global fame with its transgenic fish, has updated its product line with a new species which glows fluorescent gold in the dark, raising concerns among environmentalists…

patay. malapit na sigurong mag end of the world (as we know it?). nakaka imbento na sila ng glow in the dark fish. at ginto pa ang glow. bwakanginangyan. who knows? in 10 years, ang technology na ito ay pwede na ring sigurong ma implement sa mga tao. iniisip ko nga ang mga possibilities habang nagbibisikleta kanina. wouldn’t it be nice kung pwedeng mag glow into flourescent gold ang mga ilong natin pag tayo ay aroused?

Continue reading

Charades, pop skill, water hyacinth, named by a poet, imitation of life

eto na naman ako with my weekend listahan ng musika, libro, pelikula at laro. mga kalipunan ng mga ek-ek na gusto kong i-share. isa isahin natin sila:

SONG OF THE WEEK: “imitation of life” by R.E.M. isa na namang paboritong kanta galing sa isa sa aking paboritong grupo. masaya ang kantang ito at pwede mo itong patugtugin kahit saan. ako nga, pinapakinggan ko ito pag nagluluto ng weekend breakfast namin ni jet.

KASALUKUYANG NILALARO: ang titi ko. bwahaha. seriously, “HALO 2 Limited Collector’s Edition“. ang galing talaga ng game na ito. editor’s pick sa lahat halos ng mga reviews. yes virginia, the master chief RULES.

Continue reading

So, tell before you come to me from out of yonder skies, a man’s a man who looks a man right between the eyes

RAVES ABOUT MUSIC: nag record ulit ako ng kanta kagabi. cover version ito ng kanta ni cat stevens na pinasikat ni lani hall. simple lang ang melody pero minsan mong marinig, parang gusto mong patugtugin ulit – PAKINGGAN NINYO. nag record pa ako ng mga ibang kanta. kaya kung ok sa inyo ang ganitong klase ng music, punta na lang kayo sa karaoke site ko: ANG MGA AWITIN NI BATJAY, ANG DATING FOLK SINGER NG MA MON LUK

RANTS ABOUT ANGHIT AGAIN: bwakanginangyan, parang may magnet ata ako sa mga may putok dito sa singapore. pag akyat ko sa opis, amoy paksiw yung katabi ko sa elevator. yung dalawang kaharap ko naman sa train, amoy kulob na labada. tapos yung nasa unahan ko sa ATM machine, amoy hinog na langka. lahat yan, nangyari this morning in a span of less than an hour. pakiramdam ko tuloy, parang pinaglalaruan ako ng diyos ng mga kili-kili. sa elevator nga kanina, pinapanalangin ko na sana mautot ako, para naman makaganti man lang ako kahit papaano. soap, water, deodorant… yon lang ang kailangan. di ba nila magawang maligo ng mahusay? rhetorical question, don’t answer.

You never turned around to see the frowns on the jugglers and the clowns

GENTLE READER: dear unkyel batjay. ang tanong ko lang e.. bakit walang reverse gear yung mga bike??? thanks sa reply ha.. if ever na masagot mo.

BATJAY: very interesting gentle reader. bakit walang reverse gear ang bike? ano ito trick question. ngyahaha. ang dahilan kung bakit walang reverse gear ang bisikleta ay dahil ang kadena ng typical na bisikleta ay nakakabit galing ng pedal papunta sa likod na gulong, thus producing forward motion. imposibleng magkaroon ng reverse ang biskleta dahil dito. pero kung may matalinong scientist ang mag imbento ng bisikleta na sa harap na gulong ang connection ng kadena ay siguradong magkakaroon na tayo ng reverse gear. naisip ko rin, kung gusto mo talaga ng reverse gear, bakit hindi mo na lang baliktarin ang iyong bike seat para doon ka nakaharap sa likod pag nagbibisikleta ka.

ANG MAKULAY NA DAIGDIG NI NORA

GUY 'N PIP FOREVER - CLICK PIC TO ENLARGE nakakasenti ang larawan na ito. siguro, dahil binabalik niya ako sa panahon when life was less complicated. kinuha ito nung early 70’s, kasikatan ng tambalang guy en pip. ako’y nasa elementary pa lang at isang uhuging batang makulit (ang batang makulit, di pupunta sa langit). mga 8 years na sa akin ang larawang ito. sa sobrang tagal, ni hindi ko na nga alam kung sino ang nagbigay sa akin. hindi naman ako talagang fan ni nora aunor pero eto ako na parang siraulong nagtatago ng lumang litrato ng isang tambalang sikat nung aking wonder years. i don’t know why i still keep it. perhaps because it helps me look back and remember all the faces and places that have been part of my life. ang pinakapaborito kong pelikula ni ate guy ay ang “himala” kung saan parati ko na lang siyang ginagaya, lalo na pag nasa loob ako ng banyo. bilang pang-aliw, uupo ako sa trono at sisigaw ng – “WALANG HIMALAAAA!“.

Continue reading

ZEN AND THE ART OF BICYCLE MAINTENANCE

dalawang araw na akong nagbibisikleta papasok sa trabaho. so far, ok naman. mabilis akong nakakarating sa opisina at maaga akong nakakauwi. nakakatipid ako ng pera at mas healthy pa. pakiwari ko, mga 6 months pa, pwede na talaga akong maging star performer sa gay bar. parati kong sinasabi ito – biking is exhilarating. pero bukod dito, binibigyan ka pa niya ng chance na mag reflect. this is important kasi ang dami mong bullshit na natatanggap as you do your work and the time spent alone to think clearly is precious. ito ang listahan ng mga natutunan ko habang nagmumuni-muni pag nagbibisikleta…

Continue reading

The first cut is the deepest, baby I know

THE FIRST CUT IS THE DEEPEST, BABY IT'S TRUE rite of passage ng halos lahat ng mga lalaking pinoy ang magpatuli. o sige, isama na rin natin ang mga sister natin na bading dahil tinuli rin naman siguro sila. kadalasan ang schedule ng tuli ay during summer vacation, ie, the months between march and june. it is a long enough vacation para gumaling ng husto ang sugat na dulot ng pagputol ng balat (foreskin) at ng pagtahi. masakit ba ang magpatuli unkyel batjay? ang nagtuli sa aming mga magkakaibigan sa novaliches ay ang aming neighborhood doctor na si dr. paras. may anesthesia kaya hindi masyadong masakit. i would say uncomfortable. i can still remember everything that happened during that day, 27 years ago. packingsheet ang tagal na pala! yung subdivision namin ay nahahati ng tullahan river, at ang kabila ng neigborhood namin ay literally bulacan. nung 1970’s, probinsya pa talaga ito kaya ang mga kaibigan namin sa kabilang ibayo ay tinuli by “place your dick in the chopping block, hit it with an itak, sabay talon sa ilog” method. ang problema ay napaka unreliabe nito dahil hindi doctor ang gumagawa ng procedure (nagkakatay ng baboy ang nagtutuli? hindi naman siguro) at hindi sanitary kaya malaki ang posibilidad ng infection (pangangamatis ang tawag namin dito) or much worse maaaring ikaw ay maging “sungaw”. sa mga hindi nakakaalam, ang sungaw ay titing tinuli na bumalik sa pagkasupot. mayron mga kapitbahay kaming taga bulacan side na tinuli ng itak na naging sungaw. dumadayo pa sila sa amin para ipa-repair kay doctor paras. naawa nga ako sa kanila kasi alaskado sila ng husto. katulad ng supot, masakit masabihan ng sungaw.

LABINDALAWANG DIRTY FINGER

GENTLE READER: dear unkyel batjay, bilang isang OFW, ano ang masasabi mo sa case ni major general garcia, sa corruption in general at sa pagnanakaw sa pilipinas?

BATJAY: allow me to beat around the bush, gentle reader. alam mo, mahirap talagang mabuhay ng marangal. karamihan sa atin, kailangan pang umalis ng pilipinas para lang may makain. yung iba nga, nagpapakaputa pa. marami ang nagdurugo ang puso dahil walang maibigay na sapat na pera para maipagamot ang mahal nila sa buhay… tapos maririnig mo na lang, milyon milyon ang ninanakaw ng kung sino sinong mga tao. tanginangyan. eto ang alay ko sa kanila… a curse: “may you all die slow painful deaths”. masyado atang brutal. eto na lang: labindalawang version ng paborito kong “ngatain ninyo” finger trick.

NGATAIN NINYONG LAHAT MGA MAGNANAKAW

For all eternity I think I will remember that icy wind that’s howling in your eye

kanina, nag empake na si jet ng mga damit ko. hindi po niya ako pinalayas. dinala ko lang dito sa opisina kasi nagdecide na nga ako na starting monday ay magbibisikleta papasok sa opisina. nakahanda na ang lahat – may sabon, conditioner na at shampoo (paano daw bang bumili ng shampoo sa cebu? sagot: “mayroon ba kayong sham-puday? “). ang lahat ng gamit ko ay nilagay ko sa ilalim ng aking work table. wala namang daga rito kaya safe ang aking seksi polka dot bikini brief (awa ng diyos, hindi pa naman ito nagtututong). may kasabay na akong taga rito na dutchman (dutchboy siya nung siya’y bata pa, pero hindi ko alam kung magaling siyang magpintura. naku nagiging corny na yata ako). matagal ko na siyang nakikitang nagbibisikleta papasok. in his case though, nakabihis na siya at hindi na naliligo. hindi ko alam kung ano ang amoy niya pag malapit at ayoko itong malaman. some things are better left un smelled. so starting next week pag nagawi kayo ng east coast ng singapore at may nakita kayong isang lalaking golden brown na nagbibisikletang parang sira ulo sa ilalim ng matinding init ng araw… ako yon.

Racin’ with the wind

pinag-iisipan ko pa ngayon kung magbisikleta na lang papunta sa opisina. sinubukan ko nung tuesday at ok naman. tingnan natin ang pro’s and cons: it takes me just 20 minutes from home to office by bike, as opposed to 40 minutes by bus and train. makakatipid ako ng halos $90 a month (halos 3000 pesoses) – ito ang cost ng pamasahe ko papunta’t parito. tapos gaganda pa ang katawan ko dahil sa extra exercise. gusto ko kasing mawala ang tiyan ko para maging katulad ako ni eddie murphy doon sa pelikulang “nutty professor” nang una siyang maging payat: looking down, nakita niya na wala na siyang tiyan kaya bigla siyang napasigaw ng – “I can see my dick! My dick“. hehehe. anyway, ang total distance ng home to office and back is around 20 kilometers. not a bad workout for a middle aging overweight loosing hair pinoy male like me. ano ang mga cons? hassle yung pagdadala ng damit sa opisina. malaking abala rin ang pag ligo dahil although may showers, wala namang locker rooms para taguan ng damit at bihisan. isa pa, mainit sa umaga at lalong iitim ang aking kutis betlog na balat. ano bang gagawin ko?

There’s nothing better than a good friend, except a good friend with CHOCOLATE

GENTLE READER: dear unkyel batjay, nabasa ko ito sa balita kanina: “women who eat chocolate regularly had the highest levels of desire, arousal and satisfaction from sex”. ang gusto ko lang malaman eh: paano naman yung mga pilipino na mahilig sa “chocnut“?

BATJAY: dear gentle reader, ano ba ang ingredient ng chocnut? di ba chocolate din? kaya the next time na magpabili ang partner mo ng chocnut, huwag ka ng ilokanong bato at manghinayang sa $3 price per box. itodo mo na pati pamato at panabla. ano ba naman ang sampung kahon na chocnut (a $30 price tag) kung ang katumbas naman nito ay mind-numbing, halos magka sore throat ka sa kakasigaw na sex.