I AM HE AS YOU ARE HE AS YOU ARE ME AND WE ARE ALL TOGETHER

SINGAPORE – gusto ko lang ibalita na hanggang ngayon, bwakanginangyan, wala pa rin mabiling itlog dito sa singapore. bwisit kasing bird flu sa malaysia. nahinto tuloy lahat ng importation ng poultry related products parito. naiinis na ako. malapit na akong magpa rape sa tandang para ako na lang ang mangitlog.

ANG BALITA AY HATID SA INYO NG BIRCH TREE HOLLAND POWDER MILK, ANG GATAS NA MAY GATA! di-dit-dit-dit-dit-di-dit (morse code na sound epeks gamit sa pagbalita)

LOOKING OUT FOR NUMBER 1

dalawa ang school of utot (sa aking pananaw) sa pagsulat ng blog entry. isa ay ang mahaba in the tradition of my wife jet, ate sienna and the prolific sassy lawyer. at isa ang maikli in the style of the renaissance girl. all of them are great because they all write well. sila ang mga sample ng mga idol kong manunulat. siyempre biased ako sa mylab ko. para sa akin ay siya ang da best. hehe. pero talaga namang ok na writer si jet. better than i could ever be.

nabanggit ko ang great writers, kasi na special mention ang site ko ng isa sa kanila. maraming salamat kay “Renaissance Girl” mona para sa pag feature ng site ko. kaya pala biglang dumami ang aking hits. hehe. natuwa ako kasi matagal ko nang binabasa ang site niya and i am a big fan. magaling kasi siyang magsulat: short entries na engaging, interesting at nakakatawa in an intelligent way. and she does it well. para sa akin, one of the best writers in the pinoy blogging world. go and visit her site and find out. hindi ninyo makikita roon ang mga walang kamatayang entrada na kinaiinisan ko: “i have nothing to write so i will just talk about my nose”, or, “nothing happened today so i am writing about the scabs of my surgery wound”. kung wala ka rin lang namang masasabi eh di, you know, huwag mo na lang sabihin.

Continue reading

A WORLD THAT BECKONS LIKE A LIBERATION

there’s a certain magical quality when you come home in a bicycle at two o’clock in the morning. your legs are aching after a four hour road trip around the island but you’re still pumped up. you’re so happy that you don’t want the day to end just yet. you still want to go out and cruise till sunrise. but you really can’t because you already stink and the shower beckons.

Continue reading

THE ANSWER MY FRIEND IS BLOWING IN THE WIND

dear unkyel batjay,

galit po ba kayo sa mga babaing may edad na walang asawa?

ingat po sa inyo,
gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

wala akong issue tungkol sa mga single feminist na over 40. sa katunayan nga, mas gugustuhin ko pa nga na parang pito ng pulis ang tunog ng ihi nila kasya naman mag-asawa sila ng walang kwentang magpapaiyak lang sa kanila. para sa mga kababaihan na nagdecide to remain single by choice dahil walang lalaking worthy sa inyo, ang sagot ko ay “good for you” and more kilikili power! tapos na ang panahon ng pagkamartir. kaya magkantahan na lang tayo. para sa inyong lahat ang awit na ito… PAKINGGAN NINYO.

nagmamahal,
batjay

WHEN IT RAINS AND SHINES, IT’S JUST A STATE OF MIND

dear uncle batjay,

ano pa ba ang maipapayo ninyo sa kaibigan kong babae na ayaw mag-asawa. malapit na siyang mag 40 pero single pa rin. ang ganda ganda naman niya at maganda ang trabaho. parati ko nga siyang sinasabihan na piliin na lang maigi ang mga nanliligaw sa kanya. parang pihikan at enjoy pa yata niya ang pagkadalaga.

ingat po sa inyo,
gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

sabihin mo sa kanya eh mag-asawa na agad at baka magbago ang tunog ng ihi niya.

nagmamahal,
batjay

AND EVERYTHING UNDER THE SUN IS IN TUNE, BUT THE SUN IS ECLIPSED BY THE MOON

simula august 24 hanggang september 1 ay may special feature ang “Where in the world is Spiderman” site ko. itatanghal doon ang meditations ni marcus aurelius (oo virginia, siya yung emperor doon sa pelikulang gladiator na ginampanan ni richard harris pero hindi talaga yon ang storya ng buhay niya). tapos, may katambal ang meditations na mga kanta ni eddy vedder.

i call the photos my solar eclipse series. kinunan ko one winter morning sa sydney. kakadating ko lang galing sa airport and i had time in my hands. imbes na mangulangot, kinunan ko ang sunrise.

So you run and you run to catch up with the sun but it’s sinking, Racing around to come up behind you again

muntik na akong ma late kaninang umaga. panay raw kasi ang tingin ko sa bagong wall clock namin, sabi ni jet. bumili ako ng bago kagabi, kasi paatras na yung andar ng luma naming orasan. ang ganda nga ng nakuha ko – seiko. hindi siya pitaka. malaki ang face kaya ang sarap pagmasdan. tapos yung second hand ay continuous movement na parang automatic watch. mesmerizing.

JET: “papa, umalis ka na. baka ma late ka!”
BATJAY: “oo mylab, alam ko yung oras”
JET:umalis ka na 7:45 na!”
BATJAY: “alam ko, kanina pa akong 7:35 and 42 seconds nakatingin sa relo. ang ganda kasi. di ko mailalis ang mata ko”
JET: “ang cute mo talaga. sarap mong kurutin!”

naalala ko tuloy nung 1st time kong magka relo. i was 6 years old. dahil bagong bili eh di siyempre tingin ako ng tingin every so often. napansin ito ng kapitbahay namin na si mrs. p (patay na siya ngayon). sabi niya sa akin: “hoy batjay, huwag kang tingin ng tingin sa relo mo, baka magkaron yan ng number 13“.

Continue reading

MGA KASALUKUYANG BINABASA

“dennis the menace doesn’t look like his father. could he be illegitimate?”
-valdimir nabokov, c1970

“McSweeney’s Quarterly Concern Issue 13” by Chris Ware. dahil na impress ako ng husto sa award winning “jimmy corrigan, the smartest kid on earth” graphic novel, susubukan ko itong bagong anthology na edited ni ware. sa cover pa lang mukhang pamatay na – it unfolds into a huge supplementary cartoon na puno ng mga maliliit na panels with intricately drawn scenes that is so typical of ware’s comic books. featured din ang mga rough sketches ni peanuts creator charles schulz at naroon din si art spiegelman, ang author ng pulitzer prize winning comics na “maus“.

The League of Extraordinary Gentlemen – Volume II by alan moore. kalimutan na ninyo yung pangit na film adaptation and just concentrate on the graphic novel. dito sa 2nd installment ay tuloy na naman ang mga adventures ng grupo. and like the first volume, this one rocks. the story revolves around the “war of the worlds theme” pero nagulat ako dahil nagkatuluyan pala si allan quartermain at si mina. nag sex nga sila eh (ng maraming beses) – very graphic. hehe. ang galing – if you have time to read just one book, make it this one. or, make it chris ware’s book. either of the two will do.

BWAKANGINANGYAN, BEEF STEW!

BEEF STEW! tagumpay! hindi lason. hindi kaning baboy. ito ay beef stew (i think). sa unang pagkakataon sa tanang buhay ko, nakaluto na ako ng mas mahigit sa prito. sinundan ko ang recipe ni radical chef para sa beef stew. hayan, tingnan nyo ang ibidinsya (“sabi ng iba, bisaya raw ako. wala naman silang ibidinsya”. hehehe). according to jet masarap daw at lasang tinolang manok kaya lang maanghang. nilagyan ko kasi ng sangkatutak na paminta. pwede na talaga akong magbukas ng karinderya rito sa singapore. ano ba magandang pangalan? “the circumcised chef” siguro. BWAHAHAHA!

Will you find a reason to see what I have today

BIKER DUDE! ok ang sunday namin ni jet. maaga akong nagising at diretso akong nag bike sa beach. maganda ang panahon kanina. mahangin at di masyading mainit. pagdating sa bahay, nagluto ako ng brunch namin. siyempre, kumakanta ako habang nagluluto. yan nga pala ang dahilan kung bakit maamo sa akin ang mga kumakain ng luto ko. tumatalsik kasi ang laway ko sa pagkain eh. hehehe. simple lang muna ngayong lunch – salmon with olive oil at ginisang toge. mamayang dinner ang medyo challenging: magluluto kasi ako ng beef stew. upgraded na ang skill set ko at graduate na ako sa stir fry. di na nga ako makapaghintay. sa sobrang excitement ko nga, parang gusto ko na namang mautot.

ang maganda pang nangyari ay sa sobrang ganda ng araw na ito (so far), biglang na inspire na mag blog ulit ang aking mylabopmayn kaya na break tuloy ang kayang hayatus. puntahan ninyo sa “My Life… A Cup of Deja Brew”

Continue reading

I ALSO WISH FOR FUCKING WORLD PEACE

maraming salamat sa “The Philippines According to Blogs”. na feature nila ang aking bastos na “Where in the world is Spiderman” website as their “Pinoy Blog of the Week”. i’m so proud that i want to make utot. i want to thank my wife for believing in me and putting up with my eccentricities, i want to thank god for making me pogi and i want to thank my parents for giving me baon. i also want to tenk my relatives for voting for me. salamat. i also wish for world peace. but let me make an erection a correction, i am not 37 years old as mentioned in the blog of the week feature. i am 21 tangingangyan time flies 38 olreydi. impak, aywiltern 39 right before christmas. gusto ko lang i-point out kasi na talagang isip bata ako at tumatanda ng paurong. i, thank you.

seriously, salamat guys. minsan tingin ko kasi sa sarili ko eh may twisted na sense of humor. it’s nice to know na mayron palang twisted ding katulad ko.

ONCE UPON A TIME YOU DRESSED SO FINE, YOU THREW THE BUMS A DIME IN YOUR PRIME, DIDN’T YOU?

dear unkyel batjay,

kamusta na po kayo, gusto ko lang pong malaman kung pwede ko kayong tawagin na BJ. yun lang po, maraming salamat at more fower to you!

gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

salamat sa kamusta. ok lang ako dito sa singafore. kyut pa rin. pero ava, gentle reader – fronounce your letter fee froferly ha. ano yang more fower na sinasavi mo? fara kang kumfare ko. sinabi niya kasi doon sa customs opiser sa NAIA na kailangan niya ng fucking tape para maisara ang kahon na funo ng fasalubong. kala ko tuloy, huhulihin kami ng fulis. asan na ba ako? ah ok… huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa at tanggalin na natin ang mga ambiguities. diretsuhin mo nang tawagin akong BLOWJOB. nasa asshole mode ako ngayon kaya pwede mo rin akong tawaging kupal…

Continue reading

NOT GONNA LET ‘EM CATCH THE MIDNIGHT RIDER

the aisle seat boys and girls of singapore isang bad habit ng ibang singaporeans sa bus ay ang hilig nilang umupo sa aisle seats. kahit siksikan na at marami nang nakatayo, di sila uurong sa window seat. iiwan lang nila itong bakante with a “dedma to the world” attitude. pag nagpilit ka namang umupo, iiwas lang sila na may kasamang masamang tingin pero papaupuin ka rin eventually sa tabi ng bintana. siyempre lulukso ka pa at malaking hassle. kaya, karamihan ng mga pasehero ay tatayo na lang imbis na makipagsiksikan sa pag upo. kanina ay puno ang bus pero may isang row na may bakanteng window seat. nagpilit akong umupo roon pero di umurong ang pasahero. eventually, pinagbigyan naman akong maupo sa window seat, kaya lang nag give way lang siya na may kasamang major na pagtataray. nagmadali tuloy akong umupo, kaya yon: tinamaan ng backpack ko yung ulo niya. naroon pa naman ang lunch box kong matigas. nag sorry naman ako pero parang gusto kong ulitin. hehe.

AS DECEITFUL AS A DAMAGED CONDOM

people watching is a great thing to do pag commuter ka ng train na tulad namin. kailangan aliwin mo kasi ang sarili mo sa mahabang byahe. minsan, hindi sapat ang iPOD, book or newspaper. ang ginagawa ko nga lately ay tumingin sa mga kasama ko sa train and then make up stories about them to pass away the time. por eksampol: yung ale na mahaba ang baba, siguro magaling mag tiklop ng kumot. yung mama na may laugh lines malamang ay bungisngis. yung matabang ale, siguro only child na lumaki sa lola niya kaya spoiled at iniwan sa kusina. yung matangkad na babae, siguro walang boypren kasi ayaw ng mga singaporean na lalaki ang mas matangkad ang mga girlfriend nila. sayang, baka tumanda siyang dalaga at tuluyan nang magsara ang kanyang pekpek. hehe. ay sorry, ang bastos ko talaga. bigla ko tuloy naalala yung paboritong story ng boss ko tungkol sa contraception sa singapore…

Continue reading