THE PASIR RIS BIKING EXPERIENCE

PASIR RIS, SINGAPORE. dito kami nakatira ni jet. if you look at the map of singapore, we are right at the east coast. very near the international airport. the east coast of singapore is where a lot of the yuppies live. almost all the housing blocks here are relatively new. it's also a biker's paradise. at any time of the day, you'll see bikers crisscrossing the steets, sidewalks and bikelanes. the best place to ride your bike is at the pasir ris park. nagsisisi nga ako kung bakit ngayon lang ako nag simula. dapat noon ko pa ito ginawa. there's nothing as great as riding your bike by the sea habang inaamoy amoy mo ang masarap na amoy dagat na hangin.

napag palit ko na naman yung mga access pass ko pag-uwi kahapon. yung ticket kasi ng train at bus sa singapore ay stored value electronic card. ez-link ang tawag dito at kasing laki ito ng standard credit card. tatapikin mo lang ito doon sa entrance and exit gantry at makakalabas-masok ka na sa train station. so eto ako kahapon, papalabas na sa station, yabang ko pa dahil una akong bumaba ng train. tap ako ng tap doon sa exit, ayaw magbukas ng pinto. nagtatawanan na yung mga tao sa likod ko, ayaw pa rin bumukas ng pinto. pag tingin ko eh yung company ID ko pala ang ginagamit kong pang exit sa train station. siguro dahil sa excitement.

naloloko kasi ako ngayon sa pag bike at bumili ako kahapon ng gel seat cover after kong mag attend ng conference. gusto kong ma test drive agad yung gel kung makakatulong. naiipit kasi ang betlog ko doon sa bike seat. ang sarap kasing mag biking-kingan sa community namin. within five minutes by bicycle is the pasir ris park. ito ay 71 hectars na mangrove at beach front property na ginawa ng gobyerno para sa “upliftment” ng mga taga east coast. kumuha nga ako ng mga litrato last sunday, tingnan nyo na lang.

BORED, BOERD, BORDE BORZZZZZZzzzzzz….

nag attend ako ngayon ng conference ng microsoft singapore sa suntec city kahit na unrelated yung topic sa trabaho ko. una, walang bayad. pangalawa, libre ang pagkain. ikatlo, i’m getting bored in the office. batong bato na ako these past few weeks and am quite restless. after lunch naman inaantok ako. yung mga katabi ko siguro sa cubicle, akala siguro nasasaniban na ako ng demonyo dahil papikit pikit yung mata ko habang up and down yung ulo ko. minsan parang may startle reflex pa nga ako pag naalimpungatan at mapapa padyak ako ng paa sabay hampas ng kamay sa lamesa. skandalosong antukin.

kahapon nagpadala ako ng email sa mga ka-opisina kong taga china, sa sobrang antok ko, ganito ang lumabas (word for word ito ha): “This email contains the PI banners. The HTML scripts are attached. Please ask your distributors to take ca ffddddddddddd ddddddddddddddd ddddddddos, Hioe thus helps.

eto ang sagot sa akin (word for word din): “Thank you Jay. Thanks.

ok ba? dalawang beses pang nagpasalamat sa akin. nakalimutan ko kasing sampal-sampalin yung sarili ko eh. next time nga, gagayahin ko si dolphy doon sa ibong adarna: hihiwain ko ng blade ang kamay ko at tutuluan ng katas ng kalamansi ang sugat para di makatulog.

GUSTO KONG MALASING SA LAMBANOG

masarap makipag inuman, kasama ang mga kaibigan. ang paborto kong gawin ay mag imbita para mag ihawan sa bahay namin sa antipolo. sasabihin ko sa kanila, dumating ng mga alas 4. para maliwanag pa nagsisimula na ang saya. pagtapos, sabay sabay namin hihintayin ang takipsilim. there's nothing as enjoying as having a drink in the philippines while the sun sets.
ang “barik” ay isang malalim na salitang tagalog. ang ibig sabihin nito ay uminom ng alak. pag gusto mong magyayang uminom, pwede mong sabihin ang malambing na: “pare, katang mag-barik!”. sa traditional na barikan, siyempre ang masarap inumin ay lambanog ng quezon.

kalimutan nyo na yung mga commercialized na nabibili nyo sa maynila. the best lambanog is home brewed – yung gawa ng mga manginginom ng southern tagalog para sa kanilang personal consumption. kalimutan nyo na rin yung mga timplado ng pasas. the best way to drink lambanog is straight up. samahan mo lang ng chaser na pepsi (the choice of the lambanog generation).

for ambiance (mahal yon!), ganitong gawin nyo… gather 3 or 4 of your friends together, preferably sa isang kubong malapit sa dagat. bago kayo magsimula, maghawak-hawak muna kayo ng kamay. iwagayway ang mga puting panyo at sabay sabay nyong isigaw: “SAKSI!“. tapos, kumuha ng shot glass. ilagay ang gallon ng lambanog sa balikat. salin, tagay, inom. salin, tagay, inom… round and round (“like a circle in a spiral, like a wheel within a wheel“) hanggang sa maubos ang lambanog or makatulog. whichever comes first. siyempre, yung unang tagay ay ibuhos sa lupa. alay para sa mga yumaong manginginom. finally, mas maganda kung ibahin nyo rin yung mga accent nyo (ala meryl streep) to either batangueno or quezon tagalog (e.g. “Ala eh, ang kanin ay malata eh!“).

SI NAMPUCHA, BISITA NAMIN FROM KOREA

bisita namin ngayon dito sa singapore office si nampucha. siya yung kinuwento ko sa inyo noon na kasama ko sa korea. nahirapan nga silang kumuha ng hotel dito, dahil ngayon ang week ng singapore air show. pero, naikuha naman namin si nampucha ng matutulugan, corporate rates pa.

ok naman itong si nam, mabait na koreano. kaya lang di siya nagpapalit ng t-shirt. isang linggo nga kaming magkasama, yun at yun ang damit niya.

para nga siyang cartoon character eh. napanood nyo na ba yung snow white? di ba, simula opening hanggang pagdating ni prince charming, iisa lang ang suot niya. pinagmamasdan ko nga ang damit niya kanina (damit ni nam, hindi ni snow white), titingnan ko kung yun pa rin ang suot niya bukas.

pero naisip-isip ko ngayon lang: paano kung pare-pareho lang talaga lahat ang mga t-shirt niya. as in, mayron siyang “t-shirt fetish” at bumibili siya ng isang set na identical na t-shirts. para naman siyang super hero.

SI TJ, TAKOT SA LAS PINAS

eto si tj, anak ni donna na anak ni gigi na anak ng mommy ko. ang kyut kong apo ay maraming mga eccentricities na endearing. una takot siya sa kotseng dilaw at ikalawa ayaw niyang pumunta sa las pinas
eto si tj, anak ng anak ng anak ng mommy ko. pag nasa pilipinas kami at dadalaw, umaga pa lang, naka abang na siya sa gate para sa aming pagdating. naalala ko siya dahil napag-usapan ang mga unforgettable childhood traumatic memories. etong si tj ay may mga peculiar na mga eccentricities na altough endearing ay galing sa mga masamang nangyari sa kanya nung mas bata pa siya.

si tj ay may phobia sa mga yellow na kotse. kahit anong gawin mo, di mo siya mapapasakay sa mga dilaw na sasakyan, kasi nung 2 years old siya, na suka siya sa loob ng isang taxi. hindi mo rin siya mapapapunta sa las pinas. dito kasi papunta yung dilaw na taxi nung masuka siya. ngayon nga, pag gusto mo siyang maiwan sa bahay, sasabihin mo lang sa kanya: “i’m going to las pinas“. gaano ka traumatic yung experience na ito sa kanya? very. pag pinakwento mo sa kanya ang buong “yellow taxi” experience niya, bibigyan ka nya ng “blow by blow” account ng buong pangyayari, down to the smallest details. ngayon nga pag pupunta sila sa sm: “mama, you get me a white cab ok. no yellow taxis ever again.”

PI TO THE 40TH DECIMAL PLACE

taken in bato beach, batangas in 1988: si pareng nes, kuya bong at si pareng egay na hanggang ngayon kabisado pa rin niya ang value ng pi up to the 40th place (pi = 3.1415926535897932384626433832795028841971). wala lang, kinabisado niya ito because he was bored
minsan iniisip ko kung anong black magic ang umaandar sa loob ng utak ko. aaminin ko, ulyanin ako. pero, ang dami kong mga naalalang maliliit na mga detalye. por ekampol: hanggang ngayon, vividly ko pang naalala yung time na pinainom ako ng mga pinsan ko ng ihi sa bahay nila sa pasay. at yung pagpapahabol ko sa kanila sa aso bilang pag ganti ko naman, nung dumalaw sila sa bahay namin sa novaliches. eto pa, tula ko nung grade II (1974): walt whitman’s “oh captain! my captain!” (tuwa nga ako nang masali ito sa “dead poets society”). pangalan ng yaya ko sa QC nung 1968: aling berta. 1970’s tel number namin: 902779.

ang pinaka impressive commitment to memory na alam ko ay yung sa barkada kong si pareng egay (3rd from the left in this picture taken in batangas), kabisado pa rin nya yung value ng PI up to the 40th decimal place. sinaulo niya ito nung 2nd year HS kami nung 1981 because he was bored. tinanong ko nga sa kaya ito recently at pinadala niya naman sa akin by email. eto: pi = 3.1415926535897932384626433832795028841971

LABAS ANG DILA

CLICK TO ENLARGE. yung nasa extreme left ay si doctor rico. isa siyang cardiologist sa st. lukes. katabi niya si kuya bong, mahilig sa negosyo at may babuyan sa bulacan, sumunod si pareng nes, isa ring magaling na internal medicine doctor at ex-military captain. asawa niyang si tess ay kapitan-doctor pa rin ngayon sa v.luna at isa sa mga doctor ni kumander robot. huwag kayong magtaka kung namumukhaan ninyo si doctor rico. siya ang signature model ng domex, yung all around cleaner na sikat sa pilipinas. siya yung nakikita ninyo sa tv na nagsasabi ng mga katangi-tanging katangian ng produktong ito. alaskado nga siya sa amin dahil nagtataka kami kung paano naging endorser ng cleaner ang isang doctor sa puso. isa pa, bago kinunan ito, lumapit si anna banana, ang alalay namin sa antipolo para magpa-autograph sa kanya.<br />
“kiss! kiss! kiss!” – parating sigaw ng mga pinoy pag may kasal. di ko alam kung kailan ito nagsimula, pero sa barkada namin, ang sinisigaw ay kiss! kiss! kiss! labas ang dila!”. pati sa mga kodakan minsan, isisigaw ng photographer: “o smile ha…labas ang dila”. kita nyo naman ang resulta (click on pic to enlarge) – mga kagalang-galang na professionals appear as if they are sex starved men. o baka naman talagang, in our heart of hearts, most of us are sex starved men. who knows?

yung nasa kaliwa ay si doctor rico, cardiologist sa st. lukes. katabi niya si kuya bong, negosyante. sumunod si pareng nes, magaling na internal medicine doctor. huwag kayong magtaka kung namumukhaan ninyo si doctor rico. siya ang signature model ng domex na napapanood ninyo sa tv na nagsasabi ng mga katangian ng produktong ito. nagtataka nga kami kung paano naging endorser ng panlinis ng sahig ang isang doctor sa puso.

pero sa tutuo lang, bilib na bilib kami sa domex. bago nga kinunan ito, lumapit si anna banana (ang alalay namin sa antipolo), para ipa autograph yung bote nya ng domex.

STILL MORE OVERSEAS PINOY’S SNAPPY ANSWERS TO STUPID QUESTIONS

tanong: why is the population of the philippines so big?
sagot: because, unlike you, we easily have erections even in old age.

tanong: are there beaches in the philippines?
sagot: it’s a frigging archipelago, stupid.

tanong: what is an archipelago?
sagot: etong piso, maghanap ka ng makakausap mo. bobo.

tanong: you are filipino correct? are you a musician?
sagot: i play with my organ everyday.

tanong: why are you filipinos so noisy?
sagot: because we don’t fart in public as much as you.

tanong: hi i’m offering some insurance policy. where is your “ma’am”?
sagot: you just lost your sale moron, i am the ma’am of this house!

tanong: don’t call me “ma’am”, only my maid calls me “ma’am”.
sagot: yes sir.

tanong: are you filipino? my maid is a filipino.
sagot: tanginamo. so? you want me to make you coffee?

tanong: so, where in the philippines can i find a good filipino maid?
sagot: try uranus.

tanong: why is your water consumption so big when there’s only 2 of you?
sagot: i think it’s because we take a bath everyday.

SIGNS OF THE TIMES

sabi ni ambeth ocampo, si teodoro agoncillo raw eh asar na asar sa mga historical markers na nakakalat sa maynila patungkol kay jose rizal. eh pati raw yung inihian ni rizal na pader ay gusto nilang lagyan ng marker. hehe. pag naging sikat na ako - eto ang gusto kong historical marker sa bahay na tinirahan ko.
sabi ni ambeth ocampo, asar na asar daw si teodoro agoncillo sa dami ng historical markers na nakakalat sa maynila patungkol kay jose rizal. eh ultimo raw yung inihian ni rizal na pader ay gusto nilang lagyan ng marker. hehe. pag naging sikat na ako – eto ang gusto kong historical marker sa tirahan ko. ak-shu-li, naka-paskil na itong sign sa bahay namin. so, problema ko na lang ngayon ay maging sikat.

anyway, pag pumasok ka sa munting dampa namin sa antipolo, ito ang nakapako sa pader ng main living room. this is my peborit karatula dahil simpleng nakakatawa. more importantly, regalo sa akin ito ni jet.

marami nang pader na nasabitan ang karatulang ito – kung saan saang opisina at kung saan saang project site sa maraming probinsya sa pilpinas. matagal din itong nakapaskil sa aming library. i’m sure in the future it will be moved to another place, another room, another wall… parang kanta sa evita: “So what happens now? Another suitcase in another hall. So what happens now? Take your picture off another wall. Where am I going to?”

KINDERGARTEN PHOTO, SCHOOL YEAR 1971-72

CLICK TO ENLARGE. this is my kindergarten picture, school year 1971-72. wala pang martial law nung time na ito at maligayang maligaya pa ang pamilya namin. on the extreme left: my beloved teacher, mrs. chaves. siya ang asawa ng high school principal namin. both are very close to my heart. it's funny how time flies. kailan lang eh nagsisimula ka pa lang mag-aral, ngayon ikaw nang nagpapa-aral. some of the people you see in this picture are still my friends. in fact, they are my dearest and most intimate friends. nagkikita pa rin kami ngayon on a regular basis. magkukumpare, many times over. we still have fun and tell the same school stories over and over again. hulaan nyo kung nasan ako rito? siret... upper most row, 3rd student from the left. ako yung naka bungisngis

this is my kindergarten picture, school year 1971-72. maligayang maligaya pa ang pamilya namin during this time. less than a year after this picture is taken, marcos will declare martial law and my dad will lose his job at ABS-CBN. many years later, charo santos will rip off the show that he created and made popular.on the extreme left: my beloved teacher, mrs. chaves. siya ang asawa ng high school principal namin and both are very close to my heart. it’s funny how time flies. kailan lang eh nagsisimula ka pa lang mag-aral, ngayon ikaw nang nagpapa-aral.some of the people you see in this picture are still my friends to this day. in fact, they are my dearest and most intimate friends. nagkikita pa rin kami ngayon on a regular basis. magkukumpare, many times over. we still have fun during reunions and tell the same school stories over and over again, much to the dismay of our bored wives.

hulaan nyo kung nasan ako rito? siret… upper most row, 3rd student from the left. ako yung naka bungisngis – i.e. ngiting hanggang tenga na parang nababaliw.

ANG DATING FOLK SINGER NG MA MON LUK

nag simula akong mag-aral ng gitara ng 1979, a great music year. it was also a time of great change for me. i was 13 years old at bukod sa problema ko about my daily erections, my mom and dad had just split up. para matanggal ang lungkot, nag-aral akong mag gitara. self study lang, kaya amateur pa rin ako to this very day.

nalaman ko: ang pinakamadali palang paraan para matuto ay basahin ang jingle magazine beatles chordbook. pag tiningnan mo kasi ang mga kanta ng beatles – from their early days to their final “abbey road” LP, mayroong progression ng degree of difficulty. so, you start with the 3 chord, “love me do”. then as your skill grows, you try their “revolver” songs then graduate with the hard songs of “sgt. pepper’s” and the “white album”.

one weekend, i took out my guitar and recorded some songs. no overdubs, no practice – just plain 1 take eveything kaya recorded lahat ng mga mali, tawa at background coaching ni jet. online na ang mga ito ngayon at pwede nyong marinig (kung gusto nyo, hehe) sa “MGA KANTA NI BATJAY, ANG DATING FOLK SINGER NG MA MON LUK”. hindi naman ako magaling kumanta but i’ve got a lot of soul (and a lot of lakas ng loob). kaya, pag pasensyahan nyo na.

THE BEST SEAT IN THE HOUSE

the best toilets in the world are in japan. they come fully automated at mauupo ka na lang. at a push of a button, siya nang bahalang nag hugas ng pwet mo. mayron kang option to spray and splash your pwet with hot or cold water. what's more, yung toilet seat itself is heated. i always look forward to my trips to tokyo because of this.
ito yung litrato ng toilet seat ng hotel room ko sa tokyo. hightech yan. de pindot lahat ng controls at di mo na kailangan ng tabo-tubig combo, toilet paper or punas. sa bandang kaliwa ng bowl ay may push button station from where you operate this contraption. click nyo na lang yung picture to enlarge kung malabo nang mga mata ninyo. anyway, mayrong volume control para sa lakas ng tubig – from “pffft,pffft” spray to “oh my god, i’m coming”. mayrong din push buttons to rinse pwet, spray pwet and air-dry pwet. the seat is also heated – malaking advantage pag winter para di tuluyang lumiit ang pototoy mo. fully automated, kaya pag-upo mo, the whole thing turns on. if you look closely at the lid, nandon yung manual na may english instruction. ahhh, the wonders of technology, it’s leally belly belly implesib.

malakas ang appeal nitong automated toilet sa akin dahil ito ang trabaho ko. no dummy, i don’t make toilet seats. ako’y isang automation engineer at yung principles na ginagamit to automate japanese toilets are the same principles i use in my job. asamateropak, kaya ko sigurong i-automate ang banyo ko sa pilipinas. masubukan nga.

LOST IN TRANSLATION

pinabili ko sa opismeyt kong galing sa US. this is one of the best movies to come out this year. magaling ang direction ni sophia coppola, asawa ni (“adaptation” at “being john malkovich” director) spike jonze at anak ni francis ford. in this film, she comes out of their shadows. magaling din ang acting ni bill murray at scarlett johansson, subtle but with a big kick. nasa japan ako last year for a week (about the same amount of time that murray’s character was there) . naramdaman ko rin yung alienation but at the same time fascination with the japanese, their culture and way of life.

isang nakaka aliw na ugali ng mga hapon ay ang pag sunod nila sa de numerong schedule. kasama kong namasyal ang aking host na si ikegami-san. the night before binigyan niya ako ng schedule. kahit pleasure trip yung weekend ay talagang detalyado doon ang mga gagawin namin. poreksampol: 7:00 wake-up, 7:15 wait at lobby, 7:17 walk to train station, 7:22 ride train, 7:34 get out of train and ride bus, 7:47 walk to tokyo tower, etc. etc. tiningnan ko siya with an ‘are you kidding me’ look. apparently he was serious.

nung mga 11:30, nagutom na ako.
batjay-san: “ikegami san let’s have lunch”.
ikegami-san: “but jay-san, our schedule says we have lunch at 12:30.”
batjay-san: “drop the schedule. i’m hungry. let’s eat.”
ikegami-san: buntonghininga, simangot, punit sa schedule… “ok jay-san, we have lunch“.

MGA PELIKULANG NAKASALANG SA DVD PLAYER NAMIN

1. Belle Epoque. nanalo ng best foreign film, 1992 oscar awards. the ultimate male sex fantasy movie. set in 1931 spain, isang army deserter ang nagawi sa isang probinsya sa spain. doon niya nakilala si manolo at ang kanyang 4 na seksing anak na super ganda. ang suwerte nga ni manolo, nagkaroon siya ng carnal knowledge sa apat na ito. directed by fernando trueba. nakakatawa, maganda (at nakaka arouse?) ang pelikulang ito. dito ipinakilala ang then unknown – penelope cruz. dito nyo rin mapapanood si maribel verdĂș, ang kanais-nais na bidang babae sa “Y Tu Mama Tambien”.

2. Antonia’s Line. pagtapos ng worldwar II, umuwi si antonia sa probinsya nila sa holland, kasama ang anak niyang si danielle. dito nagsimula ang 40 year, mala epic na kwento ng pamilya nila. ito naman ang ultimate woman’s movie dahil sa magandang pagpapakita sa kakayahan ng mga kababaihan. marami pa ring sex but that’s ok. this is so different from the typical hollywood movie, which is why it’s so great. ang galing din ng dialog. at, sa pangalan pa lang ng mga characters (crooked finger, loony lips, the mad madonna), alam mong iba ang dating ng pelikulang ito. winner of the 1996 oscar award for best foreign movie.

JEEPNEY FUME BLUES

nakakatawa pag ikaw ay OFW overseas. you long for things that are otherwise loathsome under normal circumstances. nami miss mo ang ingay at gulo ng maynila. yung tunog ng arangkada ng mga tricycle at jeepney, yung alikabok at usok. yung ulan at ang kasunod na baha. iba kasi sa atin, nakangisi pa rin ang mga tao kahit nagdedelubyo. masaya kahit walang pera. kaya lang, sa tutuong buhay, di mo makakain ang saya at ngiti kaya kailangan kang mangibang bayan para kumita ng malaki. di ka naman pwedeng mag-nakaw o tumakbo for public office, altough minsan parehas yon.

kanina sa train, may nakasabay akong mga pinay na nurses. papasok sila patunong hospital. di naman ako nagpakilala dahil mahiyain ako. wala lang, tinatabihan ko lang sila dahil gusto kong makarinig ng tagalog. pag baba ko, nagsabi lang ako ng “makikiraan po”. napatalon yung isang nurse. siguro nagulat siya dahil nakarinig siya ng pinoy na salita. pwede rin na natakot siya sa boses kong parang galing sa ilalim ng lupa.