MY INDIO SINKRA-C #1

tagilid ang kamay ko pag nagsusulat. parehong pareho ng itsura ng kamay ni kevin spacey sa pelikulang “the usual suspects”. force of habit siguro dahil nung estudyante pa ako, walang arm rest na nagsusuporta sa aking writing hand. i am left-handed.

but, i eat with fork and spoon, play the guitar, aim a rifle, use the computer, play golf, wash my pwet righthanded. asamateropak, my right hand is stronger than my left hand. kaya lang, for all of the intricate and fine work, i use my left hand – e.g. writing o kaya pag nagkamay kumain.

i love being left-handed. somehow, it makes me feel unique. i love the sinister implications that it brings. i love the fact that leonardo, paul mccartney, jack the ripper, bill clinton, michelangelo, raphael, kermit the frog, marlyn monroe, oprah, alexander the great, ceasar and ate sienna are all lefthanders like me.

my wife jet is also lefthanded. kaliwete kami parehong mag-asawa.

INTERCOURSE AGAINST THE ORDER OF NATURE

sabi sa Section 377 ng Singaporean Penal Code: ‘Whoever voluntarily has carnal intercourse against the order of nature with any man, woman or animal, shall be punished with imprisonment for life…’

matunog itong section na ito ngayon kasi mayron mga nagmumungkahi na i-repeal na ang law na ito dahil archaic na. siguro, napansin na rin nila na walang kakwenta-kwenta ang sex life ng mga citizens dito. sa isang article ng today newspaper kahapon (en ay kwowt, aytaliks mayn): “HETEROSEXUAL Singaporean adults may soon be able to indulge in oral sex without breaking any laws, following a review of the penal code.”

kung mahilig ka sa oral sex dito sa singapore, you are in effect, breaking the law and could be jailed for life. betchabaygollywow!

TANONG: kung makipag sex ako, tapos itaas ko ang kaliwang paa ko habang kinukumpas ko ang aking kanang kamay habang umiikot ang ulo ko at kumakanta ng “sana’y wala ng wakas”, intercourse against the order of nature din ba ito?

BEAUTY AND THE BEAST

beauty and the beast
si ninang ate sienna at si batjay, taken sometime in september 2003, in an undisclosed location in southern california. gusto ko lang i-post ito, hindi dahil maganda ang porma ko with maong jacket. hehehe. nais ko lang i-announce na, pagtapos ng sandamukmok na creative pawis, buhay na naman ang pansitan ni ate Sienna. siya ang magandang nilalang na cheif cook ng “pansitan.net”. doon din natutulog sa pansitan si kiwi pinay at utol ni ninang ko na si gretchen, kasama ang mga pamangkin niyang sina pancho and maki.

punta kayo sa pansitan dahil bukod sa masarap ang pansit doon, nakakatawa, nakakaaliw at nakakabagbag damdamin ang mga kwento niya. in two weeks time, isasama ko si jet sa actual pansitan sa california para ma-meet niya for the first time ang ninang ko. excited na nga kami.

THE PINK URINAL OF MANILA

my pink urinal

eto na ngayon ang pumalit sa mga “BAWAL UMIHI RITO” signs sa metro manila: mga pink na urinals. tuwang tuwa nga ako nung una ko itong makita. ang galing. tayong mga pinoy lang ang makaka-isip ng ganito. at pink pa ang kulay – with polka dots! hehe. paano ba ito gamitin? simple lang. “no frills”, ika nga nila. enter, take cover, pee, leave. yon lang. eto ang procedure:

1. pasok ka through the right side (doon sa may nakalagay na “MA-002”), 2. harap sa kaliwa, 3. buksan ang zipper, 4. ilabas ang pototoy at umihi sa sahig (pagmasdan ang medyo basang sahig sa lower left).

magkakaron kaya ng female urinal? kung ako ang gagawa ng design, lalagyan ko ng mga monkey bars para pwedeng lumambitin. dapat din sigurong lagyan ng pinto para may privacy. teka, masalimuot ang mga design considerations. kailangan pag-isipan itong maigi.

MUNTIK KO NANG MAIWAN ANG SANITY KO SA NAIA KANINA

chaotic kanina sa naia. sa labas pa lang eh ang haba na ng pila. pagkuha pa lang ng pushcart eh life and death struggle na. hehe. sabi sa dyaryo, magbigay ka raw ng extra 30 minutes doon sa normal na three-hour check-in requirement. how true. dumating kami ng 2 and 1/2 hours before the flight eh natapos kami sa processing, 15 minutes before take-off na. pag dating nga namin sa gate ng singapore airlines eh boarding na. di tuloy ako nakabili ng dried mango at ube ice cream na kinalolokohan ng mga singaporeans.

kanina siguro ang pinakamahirap na departure ko sa pilipinas. in the heat of it all, parang gusto mong sumpain ang naia. parang ayaw mo nang bumalik sa pilipinas. hehe. drama lang yon. nung lumamig nang ulo ko, tinanong ko sa sarili ko kung babalik pa ako sa pilipinas kahit na napakihirap sa airport. ang sagot ng aking kunsensya ay isang malakas na: OO, kahit si satanas pang sumalubong sa akin sa airport kasama ang sanlibong bumbay na may anghit, uuwi pa rin ako!

BAGONG TAON POSTSCRIPT

bukod sa marami na namang nasunugan, natamaan ng mga ligaw na bala at naputukan sa iba’t ibang parte ng katawan nung “relatively peaceful” new year (“relatively peaceful” my pwet!), ang pinaka weird na news ay yung napanood ko sa MGB kanina: isang lalaki ang naospital dahil kinagat ng kainuman ang kanyang tenga. ang sabi sa interview eh nag-away daw sila dahil walang pulutan.

TOKWA’T BABOY ONE LAST TIME…

narito ako ngayon sa bahay, nagesesnti. medyo malungkot dahil bilang nang araw namin dito sa pilipinas. sa lunes, lipad na kami pabalik ng singapore. para bigyang dahilan ang pananatili namin doon, iniisip ko na lang na “weathering the storm” lang ito. balang araw dito na talaga kami sa pilipinas for good. sayang, kung patas lang sana ang labanan, di ako aalis. kagabi, kasama ko ang mga barkada ko. pinag-usapan namin ang aming mga collective futures. marami sa kanila ang nag-iisip na ring umalis. the best and the brightest people i know are seriously thinking of moving out. pakingsheet. i’ve moved out earlier than them. a fact that fills me with guilt sometimes. di ko alam. minsan iniisip ko kasi, swerte ako dahil kumikita ako ng maganda samantalang…. fill in the blanks: a. marami akong kaibigang naghihirap dahil walang opportunities, b. di pa rin nawawala ang poverty sa bayan ko, c. di ko maasikaso ang mga kamag-anak kong maiiwan.

Continue reading

SI IDOL IBET, SI BOSS TEDDY AT ANG ARAW NG KAMATAYAN NI RIZAL

isa sa highlights ng pag-uwi namin ni jet ay ang makasama ang mga iba’t ibang tao na nakilala namin over the year through the internet. karamihan sa mga nakatagpo namin ay mga kaibigan ni jet. siya na siguro ang bahalang magkwento sa mga encounters namin with them. ako, dakilang driver lang at tagahatid sundo sa kanya. pero mayron kaming mga mutual friends tulad ni ayeza at in a way si neil na i was glad to meet. si belle, ang idol kong makata ng UP ay nakita ko na rin sa wakas. binigyan pa nga niya ako ng “university of the philippines” t-shirt which i proudly wore yesterday. si tanya (ang producer-director) rin with nick, (coming all the way from ilocos) met us on the 29th and we had a great time exchanging stories.

Continue reading