KATAKAWAN DOES NOT PAY

christmas day, 2003 will forever be remembered as a day of infamy. naimpatso ako dahil sa sobrang katakawan. bwakanginangyan. napagtripan ko kasing kainin ang crispy pata at barbeque sa bahay ng parents ni jet. masakit pala ang hindi matunawan. all afternoon hanggang sa pagtulog ko eh mahapdi ang aking sikmura. nag maneho nga ako from novaliches to antipolo tilted side view na parang jeepney driver sa pilipinas.

ngayon lang nangyari ito sa akin as far as i can recall. kinuwento ko nga sa mommy ko kaninang umaga dahil nag-alala rin siya. sabi niya, nung bata ako eh parati raw akong naiimpatso at nilalabatiba nga raw nila ako para ako matae (excuse me, hehe). perhaps, it’s my body’s way of telling me to slow down. i just turned 38. kailangan mag ingat na ako if i want to enjoy my retirement later on.

anyway, ok na ako ngayon pero sabi ni nurse jet eh wala raw akong solid food for the whole day. dang. question: yung kare-kare ba eh considered na solid food?

PLANT YOUR LOVE AND LET IT GROW

nip, cut, trim and simplify. gardening is so much like life. less is more. the main objective is to reduce the garden to it’s simplest form until only the essential remains and a sense of order emerges. however, some plants are born to be wild (like me) so don’t forget to let loose a few and let it grow semi-gubat. you don’t want your garden to be all organized and proper. that’s too boring. did i mention simplify?

read all the gardening books you can find to get a few tips. you’ll soon find out however, that experience is the best teacher. some plants will live, others will die (ok ka lang? ganyan talaga ang buhay). those that thrive however will show you the way. a garden is a perpetual work in progress where everything evolves and grows. add new plants from time to time but pay attention to the older ones. especially the ones that you had when you started. these plants are special and more often than not will stay with you till the day you die.

before i forget, don’t spend too much time under the family tree. life is so much richer out in the open with the wind at your back and the sun turning your skin into golden brown (like my kutis betlog). did i fail to mention simplify? nip, cut, trim and simplify. gardening is so much like life.

‘D GREAT BIG “SEND-OFF TO HELL” BREAKFAST

kung ikaw ay nasa death row at bukas ng umaga nang bitay mo, eto ang masarap na last meal. pwede itong kainin na one ulam at a time per breakfast. pero sa katulad kong matakaw, mas maganda pag nakahain siya ng sabay-sabay. this is my all time favorite pinoy breakfast. isa-isahin po natin ang aking menu:

1. hot pandesal with prinitong kesong puti. bili ka lang ng kesong puti along the highway in any town sa laguna. ang sikreto sa masarap na kesong puti ay i-prito muna siya ng mga 20 seconds, preferably sa isang teflon pan para walang mantika. flip once over tapos ipalaman na agad sa pandesal. medyo malambot na ito by this time and will melt in your mouth pagka subo.

2. garlic rice. left over kaning puti from dinner of the previous night, mas maganda pag may konting tutong. lots of garlic. i-prito hanggang medyo golden brown na ang kanin.

3. langgonisang lucban. para talagang authentic, ikaw na mismo ang bumili sa lucban, quezon. take the backroads of rizal, up the mountains of pagsanjan para maganda ang view, wala pang traffic. mas gusto ko yung medyo malaking size na langgonisa. prito till crispy outside, wet and juicy inside.

4. daing na espada from pangasinan. fried extra crispy para makain pati ulo, buto at buntot. eto ang medyo pang harmonize sa langgonisa – parang counter point kung baga. marami nito along the highway going to baguio or ilocos.

5. paksiw na tiyan ng bangus. parang adobo, ang paksiw ay masarap kung isang linggo nang nailuto at continously mo na lang na pinapainit. by this time, halos wala na itong sabaw at maasim na maasim na ang lasa ng tiyan ng bangus at sahog na gulay. samahan mo na ng sawsawan na patis, durugin dito ang sili na ginamit sa pag gawa ng paksiw.

6.pritong itlog. sunny side egg, gawing toppings sa sinangag. basagin ang pula sa kanin at ihalo halo. kung medyo oragon ka eh, lagyan ng ilang patak na green tabasco.

7. sukang iloko. home made sukang iloko na galing sa ilocos ang pinakamasarap na sawsawan sa langgonisa at daing na espada. haluan ng isang maliit na siling labuyo para may sipa. damihan ang suka para pag bitin ka eh pwede mong higupin ito ng kaunti.

o, ano pang hinihintay nyo? kain na tayo!

BALIK-TANAW: THE DAY I DISCOVERED THE TRUTH ABOUT SANTA

muli na naman tayong magbalik-tanaw sa mga childhood ala-ala na bigla na lang sumusulpot pag nangungulangot. ito’y pagpapatuloy sa ating radio drama series na pinamagatang “sAnTa cLaUs bLuEs”.

christmas morning, 1972:

batjay: “mommy, tutuo ba si santa claus?”
mommy ni batjay: “siyempre naman anak!”
batjay: “mommy, di ba taga north pole si santa claus?”
mommy ni batjay: “siyempre naman anak!”
batjay: “eh bakit puro ‘MADE IN THE PHILIPPINES’ itong mga laruan at candy ko sa socks?”
mommy ni batjay: (a VERY long pause) “…ah, eh, gusto mo ng bibinka, anak?”

THE END. ang pagbabalik tanaw na ito ay handog sa inyo ng RUBY BLADE POMADE. ang pomada ng mga nag-aahit.

MGA BAGAY NA NA-E-ENJOY KO NGAYON SA PILIPINAS

hot pandesal. masarap talaga ang hot pandesal sa pilipinas. wala nito sa singapore at miss na miss ko talaga ito. pritong kesong puti lang, pandesal at kape, pwede na akong mabuhay.

AM radio stations. miss ko talaga ang balitang pinoy sa DZRH sa umaga. from 6 to 9 am, addict ako sa mga komentaryo at balita nina joe taruc at deo macalma. siyempre di rin ako pahuhuli sa mga showbiz balita at mga bastos na tsismis. oo, magkabaduyan na tayo – AM station junkie ako.

election commedy. kahapon may mga nagparegister na mga kandidato for president. isa ay si ms. salve bush, sabi raw sa kanya ni george bush ay tumakbo siya dahil siya raw ang rightful president. question: nagkita na po ba kayo ni george bush? sagot: hindi pa po, pinahiwatig lang po niya sa akin sa TV. next candidate: pag ako ang na-elect na presidente, lahat ng tao ay sa pilipinas ay magiging 50 thousand pesos ang suweldo. next candidate: anong pangalan mo? N.N.N. po. anong trabaho mo? ako po ay isang messiah.

bastos na dyaryo. nakakabasa na naman ako ng mga burikak xerex at abante bastos na kwento sa mga tabloid paper. “…at ipinasok ni juan ang kanyang matigas at mahabang pedro sa naghihintay na hiyas ng nakapikit na si maria. um. um um, ang sabi ni juan. ay, ay, ay naman ang sigaw ni maria”.

ANG IDOL KO: SI DENGCOY MIEL

bihira akong pinagpapala na makilala at makasama ang mga hinahangaan kong tao. pero kagabi ka-dinner namin ni jet ang idol kong editorial cartoonist na si dengcoy miel.

si dengcoy ay isang pinoy na world class artist. sikat na sikat kahit saang parte ng mundo. subukan nyo siyang i-search online at kung saan saang bansa nyo makikita ang kanyang mga obra. matagal ko nang sinusubaybayan ang mga gawa ni dengcoy. simula pa lang sa jingle magazine, sa philippine star hanggang dito sa straits times ng singapore. kakaiba kasi ang style ng mga artwork niya… nakakatawa pero malalim. di lang ako ang nakapansin, isa si dengkoy sa mga beloved artist dito sa singapore at malamang mas sikat pa siya kaysa kay donita rose. sabi ko nga sa kanya kagabi, ipinasa na kay dengkoy ang torch ng legacy ng pumanaw na artists na sina ka nonoy marcelo at ni mang larry alcala. itong dalawang icons ng philippine cartoons ay incidentally pareho niyang kaibigan at mentor.

pero kahit sikat na sikat na si dengcoy, down to earth pa rin siya. masarap nga siyang kasama at magaan ang loob ko sa kanya. simple lang pero pamatay ang talent. yon siguro ang pinakamaganda na nakita ko – hindi naapektuhan ng fame and glory ang kanyang pagkatao. may regalo nga siya sa amin: autographed copy ng libro niyang entitled “Singatoons, Cartoons by Miel”. ito ay collection ng mga cartoons ni dengkoy na may singapore motiff. actually ang korte ng libro ay yung mapa ng singapore. ang galing nga eh. pinapirmahan ko rin sa kanya ang aking kopya ng isa pa niyang librong “An Essential Guide to Singlish”. ito’y singlish dictionary na ginawan ni dengcoy ng sketches. bilang exchange gift ko naman eh binigyan ko siya ng CD kong “Mga Kanta ni BatJay, ang Dating Folk Singer ng Ma Mon Luk” na magiging panakot niya sa daga.

umorder kami ng bagoong na may sawsawang kare-kare, crispy patang pamatay at umorder si jet ng sinigang na bangus sa isa sa mga pinoy restaurant sa lucky plaza. sa sobrang saya ko eh marami akong nakain na bagoong alamang. nakalimutan ko ang aking allergy kaya pag uwi namin ay panay ang kamot ko sa pwet. pero, ok lang yon. at least, nakasama namin ni jet ang idol ko.

maraming salamat boss dengkoy. idol talaga kita. next time, sa karaoke naman tayo at sasampolan kita ng mga nakakapangilabot na “elvis ng quiapo” songs ko.

TOP 10 NA DAHILAN KUNG BAKIT UUWI KAMI NG PILIPINAS SA SABADO

10. miss ko nang magmura pag naiinis ako. di ko masabi ritong “tangingang buhay ‘to, OO“, pag may problema ako.

9. pag may nagtanong sa akin kung saan ako pupunta, gusto ko nang sabihin yung immortal na “diyan lang, sa tabi-tabi” dahil di pwede dito ang “over there, side-side”

8. gusto ko nang makarinig ng: “good morning sir, ma’am. merry christmas and a happy new year. welcome to jollibee. can i take your order please?” instead of whatcha WAAANT?

7. gusto ko nang mag salita na parang seksing kolehiyala pag nagpapa kyut ako. por eksampol: “hoy, you make pa cry cry naman da car!”, “you make tusok-tusok da fishball”

6. nagsasawa na rin akong marinig ang mga sumusunod: “i don’t friend you“(di na kita bate), “don’t play play” (tama na yang laro, magtrabaho ka na), “oh it’s so hot-hot lah, walk very long-long” (ang init! ang haba kasi ng nilakad ko), “kana-sai, i cannot tahan” (ayoko na! hindi ko na kaya)

5. nami miss ko nang magtanong sa mga kapitbahay ko ng “anong ulam nyo? pwedeng makikain?”

4. miss ko nang marinig yung SAMAY BAHAY ng paulit-ulit na may kasamang kalansing na tansan… “SAMAY BAHAY ANG AMING BATI! MERIKRISMAS NA MALWALHATI!

3. gusto ko nang magbasa ng mga nakakatawang sign, e.g. “GAGO at SUPOT ang magtapon ng basura dito!”

2. gusto ko nang magsalita ng tagalog to express myself clearly. paano mo sasabihin ito sa english pag nababagalan ka sa takbo ng trabaho: “tangina, tutulog tulog na naman kayo sa pansitan. di naman ako nagmamadali, pero gusto ko ngayon na! kaya tama na yang pakyut, ano ba?” (pakingsheet, i don’t want you to sleep in the noodle house. i am not in a hurry but i want it now! stop being cute, what now? lost in translation ang sarcasm at galit not to mention medyo incoherent)

1. ayoko nang makakita nang nangungulangot sa harapan ko, paminsan minsan gusto ko naman ng umiihi sa pader! (still more signs: “BAWAL UMEHE SA PADIR, ANG MAHOLE BOGBOG NA, POTUL TETE PA“)

LAST SONG SYNDROME NG MGA MARTIAL LAW BABIES

narining nyo na ba yung term na last song syndrome? bueno, kung ikaw ay lumaki during the ’70’s, bibigyan kita ng magandang last song syndrome song that will bug you for the rest of the day. ARE YOU READY? here it is… click nyo na lang yung kanta below para masaya.

(guitar intro: trang-ta-ra-rang-rang-rang)

SUNNY ORANGE, I LOVE YOU
LEMON DRINK AND STRAWBERRY
SUNNY ORANGE, TASTY DRINK
SUNNY ORANGE, SUPER QUALITY!

BALIK-TANAW: 1ST GRADE ZEBRA CROSSING BLUES

muli na naman tayong magbalik-tanaw sa mga childhood ala-ala na bigla na lang sumusulpot pag nangungulangot. ito’y pagpapatuloy sa ating radio drama series na pinamagatang “ZEBRA CROSSING BLUES”.

isang umaga, sa isang grade one social studies class, school year 1973:

teacher: “ano ang tawag sa tinatawiran ng mga tao sa kalye na guhit-guhit?”
batjay : “maam, maam. jaywalking! jaywalking!”
teacher: “gago, gusto mong mahuli ka ng pulis.”

THE END. ang pagbabalik tanaw na ito ay handog sa inyo ng “RUBY BLADE POMADE. ang pomada ng mga nag-aahit“.

I PRESENTED A TECHNICAL PAPER AND GOT SCREWED

nag present ako ngayong linggo ng isang technical paper sa isang conference dito sa singapore. bongga nga eh (may $650 entrance fee para sa mga utu-utong gustong makinig). kung kaya, i had to break one of the sacred rules of the batjay manifesto – “don’t wear a business suit in a tropical country lest you sweat like hell and smell like hinog na langka“.

for all my preparations (make-up, manicure, kulot with haircut na pantay ang patilla, late night rehersals in front of my sleepy wife), all i got was (not a t-shirt, dummy) a stainless steel cork screw in a fancy box. TO THE ORGANIZERS: i got your subtle message, thank you very much.

event highlight: nakalimutan ng isang speaker tanggalin yung wireless clip microphone pagkatapos niyang magsalita. tuloy tuloy na lumabas sa conference room habang naririnig namin sa sound system ang conversation niya sa kanyang kasama. parang tumuloy pa nga ata siya sa banyo dahil narinig kong nag flush ang toilet, afterwards mga kaluskos sounds, pregnant pause at barely audible na “oh shit, i forgot to take the microphone off“.

FOUR LEGS GOOD, TWO LEGS BAD

lahat ng application forms dito, tinatanong ang “race“. nang una nga akong nag apply for an employment pass, medyo natigilan ako. there it was in the form, “RACE: ____________”. pakingsheet, what’s my race? ni hindi ko alam kung anong race ako. brown race? human race? “kayumanggi race”? “filipino race”? “kapampangan”?

bigla kong naalala yung libro ni rafael palma tungkol kay rizal na “pride of the malay race” . naisip ko, kung si rizal ay pride ng malay race, ergo: malay race din ako. kaya ayun, nilagay ko sa application (if i might add, with a lot of trepidation and unease)… “RACE: Malay .

ilalagay ko sana: “RACE: Malay ko?.

as in walang ka Malay-Malay kung ano ang race niya. nagdalawang isip lang ako, baka dahil sa pagka pilosopo ko eh mapa uwi ako ng wala sa oras. alam ko na rin ang root cause kung bakit tinatanong ito rito. mahabang storya, pero ang summary ay medyo orwellian. right or wrong, ganito ang style dito sa singapore and they have had great success from this approach so far. but at what cost? now that IS the question.