THE MATRIX PREMIERE SA SINGAPORE, MUNTIK NANG MAG REVOLUTION

mamamatay si keanu sa ending ng revolutions. biro lang. ngyehehe. di ko pa napapanood. pero mayron akong balita sa premiere dito sa singapre. this is a true story, i shit you not… muntik nang mag rebolusyon dito nang mag premiere ang “The Matrix: Revolutions”. ganito ang nangyari:

during the last 20 minutes of the movie, siyempre eto na yung pinaka exciting dahil climax na, biglang nagloko ang DTS sound system at nag skip ang dialogue pabalik sa previous part ng pelikula. eh di siyempre, di na pareho ang salita nina trinity at neo sa galaw ng kanilang mga bibig.

Continue reading

MY PLACE OF WORK

my cubicle in the office

eto ang lamesa ko sa opisina. simple lang pero rock, ika nga. hehehe. from left to right: post it notes nakapaskil sa pader, telephone, speakers, take note of maskara na nakasabit sa dingding, notebook at mga abubot sa corner ng cubicle.

closeup of my cubicle in the office

close-up ng mga abubot sa cubicle ko, from left to right: australian bull roarer, our lady of peace and good voyage statue, si batman, sculpture ng sorbetero, model car, calling card holder at tea mug. eto naman ang set-up ko sa bahay.

SAYAW SA BUBOG

eto lang masasabi ko sa mga congressman na nagpasimuno ng constitutional crisis sa pilipinas

TANGINA NYO, mga congressmen congresspigs. KA-PUTA-PUTAHAN NG INA NINYO! mga walang malasakit sa bayan. ang babait ninyo, sana kunin na kayo ni lord.

ang murang yan ay ihinatid sa inyo ng isang OFW dito sa singapore na nagpapakahirap magtrabaho nang marangal upang makaipon ng kaunting pera para muling makabalik sa pilipinas balang araw at mabuhay nang tahimik.

Maligayang Araw ng Patay sa Inyong Lahat

maganda ang paglakad ko ngayong umaga. masarap kasing maglakad dito sa neighborhood namin pag sabado dahil every weekend, ginugupit ang damo sa buong paligid. amoy na amoy tuloy ang bagong gupit na bermuda grass kanina. napapapikit nga ako, kasi, marami akong naaalala kapag naaamoy ko ito… mostly, i remember my childhood and our garden in antipolo. in that order.