CIRCUMSTANTIAL CIRCUMCISION

nung isang gabi nagpunta ako sa doctor para magpatuli.

hehehe…

hindi. joke lang. sinumpong na naman kasi ako ng allergy ko. kaya hanggang ngayon, supot pa rin ako.

hehehe…

siguro may nakain na naman ako sa labas na pagkaing may halong hipon. di ko maalala kung saan. pag lunch kasi, lumalabas kami at kumakain sa mga ibat-ibang turo-turo dito sa singapore. ginagawa ko namang lahat para siguraduhin na wala akong kinakain na shrimp, crabs at pusit. minsan may nakakalusot pa rin, lalo na sa mga pagkaing may sabaw. yung mga ibang pagkain kasi, shrimp based ang stock ng soup kaya kahit umorder ka ng beef noodles minsan, may halo itong hipon. kaya yan… “hipon coming back” ako sa doctor because i “pusit to the limit”. “isda best” kasi eh!

Continue reading

KASALUKUYANG BINABASA

1. Y: The Last Man, Book 2

In the summer of 2002, a plague of unknown origin destroys every last sperm, fetus, and fully developed mammal with a Y chromosome – with the exception of amateur escape artist Yorick Brown and his surly male helper monkey Ampersand.

2. Batman, The Dark Knight Returns by Frank Miller

probably, the best Batman story of all time. this was done by Frank Miller in 1986 and the story is still fresh and exciting as it was when it was first published. kwento ni Batman nung matanda na siya, ravaged by age at hindi na kasing bilis nang dati. he comes back 10 years after retiring. this is a diffferent Batman story…darker, violent, twisted.

kakatapos ko lang ng Batman, Year 1, also done by Frank Miller. this is also a great comic… the storyline tells of the alternative origin of the Batman, Catwoman and Commisioner Gordon.

di ko pa nasisimulan yung Batman:Manbat. i’ve looked at the artwork done by John Bolton though and it looks like a great read. incidentally, it was also john bolton who did the artwork for neil gaiman’s “harlequin valentine”, “books of magic” at yung “sandman presents: the furies”. bolton, in my book, is probably the best artist working in comics right now.

3. “Prey, Michael Crichton”. binabasa ko ito sa bus at train. magandang pampalipas oras… fast paced at easy read. basa lang ng basa, di mo alam bababa ka na pala.

lumayo kayo! kumakain pa rin ako ng durian hanggang ngayon. hehehe.

WALK ON THE WILD SIDE

kumakain ako ng durian ngayon. bumili ako kanina sa grocery dahil inutusan akong bumili ni jet ng kamatis. kumuha ako ng walong pirasong kamatis, pinatimbang at pinapresyo. kita ko yung total eh 90 cents lang. tiningnan ko yung pila sa counter. mahaba. inisip ko parang nakakapanghinayang kung pipila ako ng matagal tapos kamatis lang ang laman ng basket ko. napakuha tuloy ako ng durian. total bill ko sa durian at kamatis? $ 10.90 – ang gago ko talaga.

di bale masarap naman yung durian. hehehe. smells lilke shit but tastes like heaven.

pinapanood kong parati ang mga bisita naming amerikano pag kumakain kami ng durian sa office. tinitingnan ko kung sino yung mga matatapang na tumitikim nito. konti lang ang naglalakas loob. ang pagkain ng durian for the first time ay tutuong test of character. it means you are willing to look beyond appearances and preconceived notions. it means that you are willing to walk on the wild side and take risks. it means that you enjoy things that are way beyond your comfort zone.

cheer up kung na-devirginize ka na sa pagkain ng durian. the future is only for the brave.

STUPIDITY AND THE MISSING EAR

kundibanamantanga…“A Brazilian man who went to a clinic to have an aching ear checked ended up having a vasectomy after mistakenly believing that the doctor had called his name”

bakit daw hindi nagreklamo ang pasyente nung tinatali nang betlog niya? ‘…He later explained that he thought it was an ear inflammation that got down to his testicles.’

oh man. GAGO!

(pregnant pause…)

siguro, inevitable na rin na mangyayari ito. kung titingnan mo, it’s evolution and natural selection at work… ngayong nagpavasectomy na itong si eng-eng, ‘di na siya magkaka-anak. ERGO: mababawasan ang tanga sa mundo!

INTERNATIONAL CHICHIRYA

maraming chichirya ngayon sa office namin. panay kasi ang alis ng mga taga rito ngayon at panay rin ang dating ng mga bisita galing sa kung saan-saan. kahapon may mga indonesian kaming bisita at dala nila ay chicharong langka. ngayon lang ako nakatikim nito… masarap pala.

si michelle galing sa hainan, china itong week para mag scout ng venue sa aming next conference. nag-uwi siya ng iba’t ibang produktong gawa sa buko… may buko candy, buko crackers at pinakapaborito ko sa lahat: “Coconut PANGAKE”. muntik ko na ngang di kainin kasi medyo duda ako sa quality eh. pag ang manufacturer ay hindi mai-spell ang “cake” na tama eh siyempre, kwidaw ka roon.

Continue reading

A LETTER TO MY SISTER

Hi Ester.

How are things over your part of the world? I hope you were not affected by the blackouts that plagued almost the entire North American East Coast.

I just got back last Sunday from Manila. I spent a few days there for business and left Jet here. She was there for a month in June so we didn’t see the point of spending extra money for another trip. Besides, December is coming up in a few months and we normally go home for three weeks for the Christmas and New Year break.

What’s new back home? There have been many changes over the past two years that I’ve been out. Everything’s changed and yet everything’s still the same. There’s still the old problems with poverty and corruption and sometimes it depresses the hell out of me. Not enough to mount a coup though, which is just as well. If there’s any consolation, the family seems to be okay. At the very least, everybody is in good enough health and that is good enough reason for me to be happy.

My work just got extended here for another three years. I don’t really know how long we’re going to stay here but we’re giving ourselves 5 to 10 years here in Singapore. I’ll be 47 after 10 years. I can probably retire permanently by then. But that’s too long in the future. Right now, we work our butts off. We may not admit it outright but living here in Singapore really has its advantages. I have a good job and am earning enough so that we could live a good life. We have everything we need and have enough to save for a rainy day and dream dreams that were not possible a few years ago.

Just this lunch, my friend and I have been talking about growing old. He says he’s already starting to feel the effects of the excesses of his younger days. To think that he is much younger than me. I don’t know. I’m ok, I think. I’m in a stage where I’m more laid back and just take things as they come. I do not have this overpowering ambition anymore to get rich or anything to that effect. I am content and happy and that is more than what most people can say about themselves.

I’m glad that you loved the pictures of mom and the family. The pool that you saw in the pictures is not ours. This is the pool that we have for the entire subdivision so don’t have any funny ideas that I’m doing THAT good. Hehehe…

Ingat,
Jay

WHAT I’M CURRENTLY READING

nung umuwi ako last week, hinalungkat ko yung library namin para kumuha ng libro na babasahin ko sa eroplano pabalik dito sa singapore. pinagpipilian ko eh either of the two of my favorite science fiction novels. yung una ay yung Songs of Distant Earth ni Arthur C. Clarke at ikalawa ang Beyond the Veil of Stars ni Robert Reed. mas maganda ang storya ni arthur clarke pero pinili ko yung kay robert reed.

siguro, pang limang beses ko na itong binabasa. maganda naman kasi ang pagkagawa ng librong ito. tapos, makakalimutin pa ako. ito lang ang masarap sa medyo ulyanin: pag tagal kasi, nakakalimutan ko ang mga detalye ng istorya. pag binabalikan ko ang mga lumang libro, para ulit akong nagbabasa for the very first time. like a virgin? perhaps.

if you have time to read only one science fiction book, take a pick between these two books. di kayo magsisisi.

PS: oo nga pala, nabasa nyo na ba yung short story ni arthur clarke na “THE NINE BILLION NAMES OF GOD”? ba’t ko ba ito nabanggit? wala lang, it’s a killer title for a story kasi (and to my great relief, it is a great story).

AKO’Y UMUWI SA PILIPINAS PARA MAGTRABAHO AT MAG SWIMMING

bumisita kanina sa antipolo ang mga mommy ko. kasama niya ang kapatid kong si gigi, si tj, si az at si glenda. dumating rin sina denden at meng, mga classmates ko at sina kuya bong, darlene at lucas. ah, oo nga pala, humabol din sina ate lannie, dennis at axl.

PI-AUG-03-006

ito ang mommy ko, sister ko si gigi, si tj (ganda ng ngiti), si glenda at ang anak niyang si az. kuha ito sa harap ng bahay namin ni jet sa antipolo. naglambing kasi ang mommy ko na gusto nilang mag swimming sa amin kaya ginawa ko eh ni-rent ko yung clubhouse ng buong araw para naman makapagsaya sila. sinundo ko sila sa novaliches ng umaga at sa amin na sila nag lunch.

PI-AUG-03-038

nag swimming party kami. despedida ko at celebration na rin sa birthday ng pamangkin kong si denden. si denden ay anak ng ate kong si gigi. sabay si gigi at ang mommy ko na nabuntis kaya halos sabay rin kaming lumabas ni denden sa mundo. actually birthday niya ng august 17, kung kaya mas matanda siya sa akin ng apat na buwan. sabay kaming lumaki, magkaklase rin kami at magkabarkada. eto si az at ako, sa gazebo, sa tabi ng pool ng clubhouse ng subdivision namin.

PI-AUG-03-029

solo namin ang pool kanina. sarap nga eh. ngayon lang ulit ako nakapag swimming in a long while. karga ko si tj sa gitna ng pool.

PI-AUG-03-015

eto si tj nangungulit habang nagbababad sa pool. eto ang batang ayaw umahon. kanina, hehehe, para lang umahon siya eh inuto ng lola niya… sinabi eh papalitan na daw ang tubig ng pool at kailangan na ni tj umalis.

PI-AUG-03-058

inimbita ko rin ang mga classmates ko at dumating ang iba. from left to right: kuya bong, jun alferez, rey opena (ate kiwi, binata ito!), ako, si denden (ang pamangkin kong kabarkada), si raymund at si lucas (na extra pa!). masaya na naman ay kwentuhan namin at siyempre, pinagusapan namin ang mga classmate naming di nagpunta. hehehe. lahat ng mga nasa litrato ay mga kaklase ko since kinder and friends for over 33 years.

PI-AUG-03-090

si az. gustong gusto ko ang kuhang ito dahil bukod sa guwapo si az, kitang kita sa background yung storm clouds na parating. actually umulan 30 minutes after kinuha ito kanina. kung gusto ninyong malaman kung anong hitsura ko nung baby ako… tingnan nyo na lang ang mukha ni az.

PI-AUG-03-050

pinalaro namin sa pool sina lucas at tj. enjoy na enjoy nga ang dalawa. lalo na si lucas, nakakapunta na nga sa malalim dala ang kanyang salbabida. kaya eto, tuwang tuwa rin ang tatay niyang si kuya bong. kung si paquito diaz kaya ang gumamit ng salbabida, tatawagin ba itong salbakontrabida? ngye-hehe.

PI-AUG-03-085

mylab, balik na ako sa singapore bukas. miss na miss na nga kita eh. kaya eto ako, umiinom na lang ng san mig light para mapabilis ang oras. sarap talaga ng malamig ng beer pag nasa pilipinas ka!

BIHIRANG DUMALAW ANG MATALIK NA KAIBIGAN SA SINGAPORE

birdpark-2
kuha namin ni nes sa jurong bird park kanina. matagal na kaming magkaibigan ni nes. mahigit 33 years na. isa siya sa mga classmates ko since kinder. actually, siya ang pinaka-una kong naging kabarkada kasi pareho ang section namin simula kinder, hanggang grade 6. pagtapos batch mates kami hanggang nagtapos ng high school nung 1983. patuloy pa rin kaming nagkita-kita pagtapos ng graduation at hanggang ngayon, magkaibigan pa rin kami.

yung bahay nina nes ay nasa likod lang ng school namin. kaya pag natatae kami o kaya gusto naming tumambay, sa bahay nila kami pupunta. maraming bote ng beer na ang naubos doon, maraming plano para sa outing ang napag-usapan, maraming problemang nalutas, maraming iyakan at kasiyahan ang nangyari doon. hanggang ngayon, umiinom pa rin kami sa bahay nila, using the same chairs and tables that we’ve used more than 20 years ago. time flies baby but it’s great to know that some things never change… houses, pieces of furniture, friends.

isa si nes sa mga hinahangaan kong tao. matalino, masipag at magaling mag basketball. bukod sa matataas na grades, pinuno rin niya ng extra curricular activities ang kanyang high school career. nung senior year namin, siya ang head ng sports commitee ng sudent’s advisory board, captain ng basketball team at athlete of the year ng batch namin.

si nes ay isang doctor. graduate ng UERM at espesyalista sa internal medicine. malimit siyang dumadalaw sa bahay namin para kamustahin ang mommy ko. nung minsan nagka pneumonia ang mommy ko. tinakbo ko siya sa hospital at si nes ang gumamot sa kanya. di ko pa rin makalimutan hanggang ngayon kung papaano niya inasikaso ang mommy ko. simula admission hanggang sa mga tests, hindi siya pinabayaan ni nes. suwerte talaga ako sa mga kaibigan. kahit di kami masyadong mayaman, nagtutulungan kami sa kahit anong paraan.

NES-IN-SG-029
si tess at jet sa harap ng waterfall ng bird park. si tess ay asawa ni ness. si jet ay asawa ko. naging magkaibigan din sila dahil sa amin. anak ni nes at tess si cheska. siyempre, inaanak ko si cheska. kumpare ko kasi si nes eh. hehehe. si jet ay dating nurse, ngayon, isa nang masayang housewife. si tess ay isa ring doctor tulad ni nes. si cheska ay hindi pa nag-aaral kaya di ko alam kung gusto niya ring maging doctor. si tess ay isang capitan sa AFP at doctor siya sa V Luna (yung military hospital doon sa quezon city). dati siyang PSG nung presidente si erap kaya marami kaming tsismis tungkol sa pamilya ni joseph estrada. but that is another story.

si nes ay dati ring capitan sa AFP. wala na siya sa serbisyo. sabi niya sa akin eh “nabuburat na raw siya sa buhay militar” kaya siya umalis. di ko siya masisisi. tingnan mo nga ang mga ulul na opisyal sa maynila – puro pampapoging coup na punong puno ng katangahan lang ang alam sa buhay.

NES-IN-SG-069
narito sina tess at nes sa singapore kasama ang kanilang pinsan na si sheila at ang kanyang asawa. bagong kasal si sheila at parang honeymoon nila ang pagparito. kagabi ay nasa night safari kami tapos nag-dinner kami dito sa aming flat. ngayon naman ay tumuloy kami sa bird park nung umaga, nag lunch sa orchard road at dumiretso sa sentosa sa hapon. gabi na kaming umuwi kanina, medyo pagod pero masaya. bihira lang dumalaw ang kaibigan dito sa singapore. mas lalong bihirang dumalaw ang matalik na kaibigan kung kaya’t masaya namin silang sinamahan sa kanilang pamamasyal ngayong weekend.

NES-IN-SG-061
ito si jet kanina sa orchard road. ganda niya ano? ngayon alam nyo na kung bakit ko siya kinakantahan.