GOLLUM

pinanood namin ni jet ang “Lord of the Rings: The Two Towers” kagabi – namatay silang lahat sa pelikula! hehehehehe… nakakainis pag may nagkwento sa iyo ng pelikulang gusto mong panoorin ano? hehehe… mapapa pakingsheet ka!best actor sa two towers ay si gollum!

speaking of the lord of the rings, two towers: may commemorative MRT at bus electronic tickets dito sa singapore. sold out na sina ARAGORN, GIMLI, GANDALF, LEGOLAS AT ARWEN. si FRODO at SAM na lang ang mayron. what does this say about the singaporeans? ayaw nila kay FRODO. hehehe…

By chance two separate glances meet

katabi ko kanina sa train ay 2 maingay na pinay na tulad kong papunta rin sa office. pinag-uusapan nila ang kilay ng kaharap naming blond babe na intsik (ang kilay nga pala niya ay manipis na parang tinato, maganda naman talaga at dahil sa kanila, pati ako eh napatingin. hehehe).mga pinay talaga oo, lahat na lang nakikita.

Welcome to the world AZ

ayan, nakatawag na ako sa bahay namin sa novaliches. sabi na eh, masaya doon pero wala pa sina david at donna. si david daw ay bukas ng umaga at si donna ay sa martes. ang nasa bahay lang ay si glenda, ang asawa ni david na kakadating nung friday galing pa sa dumaguete. kasama niya si AZ, ang new born baby nila.si glenda ay kasama ni david sa cruise ship kung saan sila nagtatrabaho. umuwi si glenda sa dumaguete from abroad para manganak.

may kalaro na si tj.

EASILY SAID THAN DONE

sunday morning in singapore… oras na naman para tumawag sa mga kamag-anak sa maynila. kamusta na kaya sila? masaya ngayon sa pilipinas dahil uuwi si donna at david (mga pamangkin ko) galing sa US at Europe. marami na naman silang happenings. buti na lang, at least matutuwa ang mga tao sa novaliches.kamusta na kaya sa antipolo? same time last week, kasalukuyan kaming nasa tagaytay at nagpapasarap ni jet. ngayon, eto na ulit kami sa malayong lugar, naghihintay na naman ng pagkakataon para makapag bakasyon.

Continue reading

I DIDITH REYES

overheard inside a philippine karaoke while somebody was singing “my way”

…tangna, “my way” na naman!

…pag may kumanta pa ulit ng “my way”, susunugin ko na ang karaokeng ito!

…dapat talage eh burahin na yang “my way” na yan!

…”my way”, “my way”, puro na lang “my way”

PAG-IBIG, PAGMAMAHAL

ano ba ang pag-ibig at pagmamahal kundi pagpapatuloy na pagpapahiwatig ng pagbigay ng iyong sarili sa mahal mo…

bakit ko ba ito nabanggit? wala lang, pinakikinggan ko kasi ako ang “what to listen to on a rainy saturday morning” mp3 playlist ko at tumutugtog ang idol kong si clapton… galing sa backless cd (that was released in 1978) ang kantang “tell me that you love me”. yung lyrics kasi eh tungkol sa isang lalaking KSP (kulang sa pansin).

Continue reading

ROAD TRIP PLAYLIST

mga kantang dapat patugtugin sa kotseng papuntang baguio:

baliintawak to tarlac:
1. born to be wild, steppenwolf
2. roll on down the highway, bto
3. highway star, deep purple
4. i feel fine, the beatles
5. rock and roll, led zeppelin
6. ramblin man, allman brothers band
7. the end of the world as we know it, rem
8. not fragile, bto
9. smoke on the water, deep purple
10. you ain’t seen nothin yet, bto
11. bad to the bone, george thorogood
12. the road, jackson browne
13. black mercedes benz, the breed
14. born to run, bruce springsteen
15. hoochie coochie man, eric clapton version
16. break on through, the doors
17. runaway, del shannon
18. jessica, allman brothers band

tarlac to pangasinan:
1. on the road again, willy nelson
2. still the same, bob segar
3. reklamo ng reklamo, jerks
4. probinsyana, anak bayan
5. laguna, sampaguita
6. the thrill is gone, bb king
7. mannish boy, muddy waters
8. layla, eric clapton
9. we got to get out of this place, animals
10. love is stronger than justice, sting
11. the lion sleeps tonight, the four seasons
12. walk on the wild side, lou reed
13. 500 miles, proclaimers
14. gotta serve somebody, bob dylan
15. love street, doors
16. summerfling, kd lang
17. watching the wheels, john lennon

pangasinan to baguio:
1. love needs a heart, jackson browne
2. helplessly hoping, csny
3. birds, neil young
4. damdaming nakabitin, asin
5. circle game, joni mitchell
6. tao, sampaguita
7. ain’t no mountain high enough, marvin gay
8. everybody hurts, rem
9. a day in the life, the beatles
10. kun’ di man, jerks
11. just a song before i go, csn
12. man on the moon, rem
13. after the gold rush, neil young
14. agains the wind, bob seger
15. let it grow, eric clapton
16. what a wonderful world, louis armstrong

WHEN THE DOG BITES

sinigang na baboy na may taba, patis na may sili at mainit na kanin…tunog ng golf ball pag tumama sa sweetspot ng driver…kanta ni jacksone browne na tumutugtog sa car stereo habang papauwi ka sa gabi na medyo umuulan…january saturday morning na medyo malamig, ikaw ay nasa bahay, may kape, dyaryo at yosi…sa loob ng eroplano malapit nang maglanding sa naia…san mig light with pepper steak, kumpletong barkada…chicken pork adobo, kamatis, itlog na maalat at fried rice nasa dahon ng saging…akap ni misis sa gabing madilim sa kwartong nakabukas ang aircon…

…these are a few of my favorite things

POST VACATION DEPRESSION

kahapon nasa dyaryo rito: there is such a thing daw as “post vacation depression” especially after the christmas holidays (similar ba ito sa post-natal depression?). ayon sa mga doctor from down under (bansa ni egay maderazo na isa nang australian citizen pero kutis bayag pa ring katulad ko). it is a bad feeling na parang kulang ang bakasyon mo. it normally last two weeks upon return…

Continue reading

TRAMP AND THE YOUNG GIRL

by mark-almond

Down by the river, foggy and grey,
Only a young girl kneeling to pray
Down in the water, muddy and cold,
Eyes red from crying. A torn, ragged soul.

Once so young and gay,
Once in dreams of yesterday.

Down by the river, foggy and grey,
Only an old tramp shuffles his way.
He saw that the water, that the water so wide
Held the young body of a love that had died.

Once so young and fair.
Once, and now despair.

Down by the reeds, they found him next day,
Dead like the young girl, in the water so grey.
That muddy old river took two of a kind,
A tramp and a young girl,
That love left behind.

the best dark song of all time

SITTING IN THE AIRPORT BAR, TRYING TO LOOK LIKE A SUPERSTAR

one way sunday – kanta ng isang musikero while on tour… sa isang banda, parang ako: biyahero at engineer na musikerong patago. in short, OFW na mahilig sa karaoke!

palagi ko itong pinatutugtog sa CD player ko. ewan ko kung bakit pero, para sa akin ang haunting na lyrics at musika nina mark-almond ay bagay na bagay sa tulad kong OFW na malayo sa pilpinas. actually wala namang connection ang musika nila sa pagiging OFW ko pero naantig ang puso ko tuwing papatugtugin ko ang CD nila. ang dating sa akin ay bitter-sweet na mga ala-ala.

Continue reading

BACK IN THE SADDLE

at que horror – hehehe. dito na ulit ako sa singapore. bummer.

may maganda lang na nangyari sa pag-alis namin sa pilipinas. una, hinatid kami ni kuya bong na asawa ni darlene na kapatid ni jet sakay sa kanyang benz. oh – big time di ba. pangalawa, dahil full ang manila-singapore flight ng singapore air lines, na-upgrade kami ni jet sa business class ng libre. oh – bigger time, di ba. hehehe… iba talaga ang maraming frequent flier miles. sa sobrang dami ng trip ko around asia eh may perks din naman kahit papano.

kung kaya – from manila to singapore ay nakataas ang mga paa namin ni jet sa eroplano at “trying to look like a superstar” ika nga ni mark-almond sa kanta nilang one way sunday.

THE MEANING OF HOME

huling gabi na ng christmas vacation…shitdapwetnamalagkit talaga, ang bilis ng araw. nakakainis. tangna talaga, sarap sana kung pwede pang isang linggo na extension pero wala na talaga – balik singapore na kami bukas.

three weeks din ang tinagal namin dito. three weeks, parang ang bilis pag nagbabakasyon. pero hindi na rin masama: ang daming nangyari itong mga nakaraang araw, maraming kaibigang nakitang muli at maraming napuntahang lugar.

masarap talaga dito sa pilipinas. kahit maraming problema ang bansa natin, di mo pa rin siya matatalikuran. iba talaga pag nasa sariling bayan. mas masaya, mas makahulugan.

Continue reading