MANO PO

taong bahay ako ngayon. bakit? nanood ng sine sine jet kasama si anna banana ang aming alalay. kasami rin nila si elena (ang pangalan ng asawa niya ay constantino, parang flores de mayo na santa cruzan, i kid you not) at ang kapit bahay nilang si lolet. pinanood nila? “mano po” at “dekada sitenta”. back to back na sine ang papanoorin ng mga bruha, ika nga ni mang boy na kapit bahay ko.

ok lang, minsan lang naman mag girls day off ang mga bruha. hehehe… they deserve every minute of it, ika nga. kaya eto ako ngayon, home alone kasama si datu.

TAGAYTAY

next weekend pupunta kami sa rest house ng sister kong si emy sa tagaytay. overnight tapos next day punta kami sa punta fuego batangas. punta fuego is the residential area in batangas na overlooking the china sea. a really great plant. sa tagaytay naman, malaki at maganda ang bahay nina emy. it’s right at the edge of a coffee plantation at from the balcony, amoy na amoy mo ang mabangong bulaklak ng kape.

christmas day 2002, part ii

matapos ang kapit-bahayang christmas noche buena party at kahit puyat, gising kaming 2 ni jet ng maaga upang dumalaw itong araw ng kapaskuhan sa mga loved ones na kapamilya…first stop, breakfast sa bahay ng mommy ko sa talipapa, novaliches. alas-9 pa lang ng umaga ay nandoon na kami’t nambulabog. labas agad ang mommy ko ng pagkain – pritong manok na binabad sa 7-up, hamon, tinapay at mainit na kape. pagkaing angkop na angkop para sa isang kapaskuhang almusal. habang kumakain ay may running kwento galing sa mga utol ko at nanay na may kasama pang sayaw galing kay tj, ang anak ng anak ng kapatid ko… ano ko na si tj? apo na siguro ano? malamang.

Continue reading

christmas day 2002

bisperas ng pasko, sama-sama kami ng mga kapit-bahay dito sa antipolo upang salubungin ang kaarawan ni jesus. sinara namin ang kalye at apat na pamilya ang nagtipon-tipon upang pagsaluhan ang noche buena.kanya-kanyang luto siyempre. mayron kaming fried dumplings, hamon, cake at ang aming contribusyon… makabagbag damdaming spaghetti! marami ring red wine, san mig light at soft drinks para panulak.

Continue reading

BATCH 83, NOTRE DAME OF MANILA

nung december 23 ay nagkita-kita kaming magkakaibigan para sa aming annual christmas party. tradition na ito sa amin. twing kapaskuhan ay nag-kikita kami, kasama ang mga asawa’t anak upang uminom, kumain, mag chika-han at mag-alaskahan.

ang grupo ng kaibigan na tinutukoy ko ay mga classmates ko sa notre dame of manila. isang paaralan sa kalookaan city na pinatatakbo ng oblates of mary immaculate (OMI). tatlumput-dalawang taon na kaming mag-kakaibigan. nag-simula ito ng kami’y pumasok sa notre dame nung 1971, na mga musmos pa lamang. karamihan sa amin ay lima o anim na taong gulang pa lamang noon… 2 taon sa kinder at prep, anim na taon from grade 1 to 6 at apat na taon sa high school. natapos kami noong 1983 (dalawampung taon na next year) at karamihan sa amin ay nag-aral ng colehiyo sa maynila (mapua, ust, ue-rm, ateneo at la salle).

simula 1971 hanggang sa ngayon – malapit pa rin kaming mag-kakaibigan. ang galing ano? ito ang isa sa aking mga yaman. kaya’t isang malaking katuwaan ang maka-uwi rito sa pilipinas upang sa kahit sandali lamang ay makapiling sila at paulit-ulit na gunitain ang napakaraming pangyayari sa aming buhay.

senti-MENTAL

isang linggo na ako dito sa pilipinas… bawat araw na nagdaan, isang paalala kung ano ang nawala sa buhay ko simula ng umalis ako rito at nangibang bansa.

bawat araw ko rito ay mahalaga… sinasamsam ko at binibigyang kahulugan, isinisilid sa puso para muling gunitain ng paulit-ulit. ano bang meron dito na wala sa singapore? marami! hindi ko naman sinasabi na pangit doon. mas okay lang talaga dito sa pilipinas. una, nandito ang aming pamilya. pangalawa nandito ang mga kaibigan. ikatlo, nandito ang mga kapitbahay.

pamilya, kaibigan, kapit-bahay – halos lahat sa kanila, walang pakialam kung ano ang estado mo sa buhay, walang pakialam kung gaano kalaki ang kita mo, kung may kotse o condo ka. walang intriga pag nakatalikod ka. sa madaling salita, dito sa munting mundong ginagalawan namin sa pilipinas ay nararamdaman ko ang “belonging”. ano ba ito as salitang pilipino? belonging – “kaisa”, “kasama”, “kabayan”, “katoto”, “kabilang”. lahat ito’y napapatungkol sa akin bilang kabahagi… kabahagi ng isang pamilya, kabahagi ng isang barkada, kabahagi ng isang komyunidad.

sa singapore, si jet lang ang pamilya ko.

Continue reading

TINDERO NG BIBINGKA

lunes, december 16 2002 – anong ginawa ko ngayong araw na ito? una gumising ako ng tanghali! hehehe… a far cry from my normal routine. araw araw ay gumigising na normal sa umaga (tuwing lunes). force of habit siguro. sa akin kasi, lunes ang pinaka-importanteng araw sa empleyado at dito nakikita ang dedication. kadalasan kasi eh ay gimmick tuwing sabado at linggo at ang typical reaction ng isang empleyadong tamad is to call in sick during mondays. kaya ako, nung boss pa ako – pag may empleyado na nagkaroon ng LBM (loose bowel movement) ng lunes eh sinasabon ko ng husto. minsan nga eh may sinibak pa nga ako.

Continue reading

KAPE AT YOSI

linggo. 2 araw pagkatapos namin dumating sa pilipinas ang una kong kumpletong araw dito sa bahay namin sa antipolo. malamig na’t masarap ang simoy ng hangin dito sa kabundukan ng rizal. animo’y dinuduyan kang pirmi at pinaghehele ng hanging pumipito pa sa bintana. masarap talaga sa sariling bahay, heto akong nagpuputol ng mga damo at halaman, nag-aayos ng hardin. dahan dahan lang ang pag-galaw pare ko, bakasyonista ka, namnamin mo ang bawat oras sa hardin. hehehe…may iced tea (with ice siyempre). minsan nama’y kape. minsan nama’y may kasamang yosi.

Continue reading

PUMUPUGAY SA MGA BAGONG BAYANI

first full day ko sa bahay ngayong araw ng linggo. maraming nangyari nitong mga nakaraang araw simula ng dumating kami last friday sa pilipinas. kwento kong lahat…

contrary to popular belief: suwerte para sa flight namin ang friday the 13th. dumating ang eroplano namin sa NAIA ng mga 8:30 PM na walang kasabay. in short, solo namin ang airport at mabilis ang clearing ng immigrations at customs. masaya kaming sinalubong ng malaking litrato ni GMA na “pumupugay sa mga bagong bayani”. thank you madam president.

mas-masaya kaming sinalubong (may kiss sabay-hug pa nga!) nina kuya bong, darlene at ng anak nilang si lucas. sa may parking lot, nakita ko kung gaano kami ka-suerte. talagang (sabihin mo ito with an ilocano accent) “bumper to bumper” ang mga sasakyan. apparently maraming flight ang dumating pagkatapos namin.

Continue reading

PINAY NA TINDERA SA CHANGI AIRPORT

december 12, 2002 pauwi na sa pilipinas: sa 7-11 ng changi airport, bumibili kami ng drinks… biglang nagsalita ng tagalog ang cashier sa kasama niya. wow, isipisip ko, pinoy palang airport staff ng 7-11. eto naman akong pa-kyut, binigyan ko sila ng matamis na ngiti at sinabi – “uy, pwede tayong mag-usap sa tagalog!”

tiningnan ba naman ako ng cashier with an “are you crazy look” na may kahalong dead-ma. sabay english speaking ang salita sa akin – “your total bill is $4.50”. sabi ko “thanks a lot!” at pabulong na sinabi habang papalayo – “and by the way, tangnamo kang ale ka, bakit parang kinakahiya mong pinoy ka?”

Continue reading

PARATING

…and magic, eto na ako sa bahay ko sa pilipinas! kasalukuyang nakahiga sa kama nakataas ang paa, pa-relaks relaks. oooooooooo, kay sarap ng bakasyonista… kay sarap sa sariling bahay, kay sarap sa sariling bayan.

i’m home and it feels so great… see you later, crocodile. aayusin ko pang mga halaman ng garden ko… inom ice tea, pahangin, tulog, gising, gala.

You’ll forget the sun in his jealous sky

10:51 AM na rito ngayon sa singapore. ilang oras na lang, pasakay na kami ng eroplano pauwi ng pilipinas. naka-emapke nang lahat ang mga bag, nalinisan nang bahay, nakapag-withdraw na ng pera. ano na lang ang kulang? kain ng tanghalian, ligo, bihis, sakay ng taxi, check-in, clear immigrations, sakay eroplano.

pag-lapag sa maynila, halik sa lupa – parang si pope john paul II.

Continue reading