I took a piss at fortune’s sweet kiss

dear unkyel batjay,

ano po ang gagawin ninyo kung kayo po ang nanalo doon sa $300 million jackpot prize ng powerball lotto diyan sa amerika?

nagmamahal,
gentle reader


dear gentle reader,

kung ako ang tumama ng $300 million, magbibitiw ako sa trabaho, bibigyan ko ng maraming pera ang mga kamag-anak ko tapos dadalhin ko si jet sa spa at magpapamasahe kami.

on sekantot, bibili na lang ako ng massage parlor para araw-araw ay pwede kaming magpamasahe.

ingat,
unkyel batjay

P.S. pinag-iisipan ko pa kung may kasamang sensation ang masahe.

11 thoughts on “I took a piss at fortune’s sweet kiss

  1. Pag nanalo ka sa powerball, pwede bang kumain uli tayo sa No Signboard?

    We’re having a get together here at my house and yung sounds namin eh yung CD namin ni Amor from you… ayos na ayos talaga!

    Musta na si Mother Jet sa Pinas?

  2. pag nanalo ako sa powerball, bibilihin ko na ang No Signboard para makakain tayo ng libre araw-araw.

    iniinggit mo naman ako, jennipeng. miss na miss ko na ang chili crab at white pepper crab. minsan nga napapanaginipan ko ito.

    ok naman si jet, nagkausap na kami kaninang umaga (your time). naroon siya hanggang middle of next week.

    musta kay amor – miss ko na mga jokes ninyo.

  3. I accidentaly read your book while waiting for my wife at powerbooks megamall and it was a good read, though hindi ko nabili kasi wala ako perang dala he he he. Hindi bale, bibili ako sa sweldo at ipapadala ko sa mga kakilala ko.

  4. thank you. nung araw, sa powerbooks din ako tumatambay pag hinihintay ko ang wife kong mag shopping. kadalasan wala rin akong pera, kaya nakikibasa na lang ako.

    teka muna, akala ko ba, may plastic cover ang libro ko dahil bastos. bakit nakabasa ka?

  5. ah eh… hindi ko alam, may namwersa sigurong magbukas he he he. Pansinin din kasi dahil sa kulay.

    teka bastos ba yung libro?! hindi naman ah… hekhekhek

  6. dalawang Kwentong Tambay ang binili ko last year at pinadala ko ang isa sa friend ko sa canada. grabe, ang hirap hanapin nung book mo, sir. kalalabas pa lang kasi nun eh. daming NBS ang sinuyod ko bago ko natagpuan. Umabot ako hanggang Mall of Asia. hehehe! pero sulit naman. lafftrip! idol kita eh. 😀

  7. dearest ser batjay,,

    isa nyo po akong taga hanga..masyado nyo po ako napahanga sa uri ng katangiang meron kau..lalo na ang kahusayan nyo sa pagcomment!!saludo po tlga ko sa libro nyong kulay yellow!!mahusay!ahahaha..isa po kong aspiring editor..ah este komentarista..meron pa pla..director ng pelikula..ay teka po!..photographer din po pla..bsta!!pero dahil sa magugulang kong magulang(patawad nmn.d namn cla marunong mag net)hihihi..ay narsing po ang kinukuha ko ngaun,,di ko po alam kung panu ako nakarating ng 3rdyr..eh binagsak ko po ang lahat ng final exams ko nung 2ndyr..(pasikat!)sa pagaasam kong makatakas sa malagim kong kalagayan,,,pero wala eh..e2 po ako ngaun,3rd yr. na,at hnd pa din masaya..sa eskwela lng po ako nageenjoy eh,,pag ksama mga tropa pero sa bahay po puro problema khit sinusunod na nga kursong gsto nila,pinagbibintangan kapang nagdrodroga khit sangkatutak na libro at homework lagi kong dala dala.haiiiiiiii..ang drama

    >sya nga po pla nand2 po ko sa e-lib ng eskwelahan ko(unibersidad ng malayong silangan.pinapasikat ko ah.)nyak!ahaha..at kasalukuyang nagbabalak lumayas ng bahay at mamuhay ng matiwsay(ngunit 20 nlng ang pera).
    minsan lang po tau kc mabuhay,,malay ba naten kong dedo nako bukas o maya,,LORD wag nmn.!.. naguguluhan po ako ngaun,,i need a gud payo…sanay my katugunan akong matanggap mula sa inyo..napakalaking karangalan po kung magkaganon,.,

    ingat po ser batjay!!!hi po sa asawa nyong si jet!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *