IT IS THE STAR TO EVERY WANDERING BARK

happy anniversary mylab.

libreng piktyur nung party sa opis, ang kuripot ko talaga

ngayon lang ata tayo nag celebrate ng anniversary natin ng naka bakasyon. all throughout our marriage, either nagtatrabaho tayo or walang masyadong pera para makalabas. it’s about time.

palm springs super duper vacation

iniisip ko nga, it’s a far cry from when we started (heto na naman ako sa litanya ko) – kinasal ng walang pera sa munisipyo ng kalookan city, reception sa jollibee, walang singsing, ang nag witness lang ay dalawang kaibigan at yung assistant ng ministro, walang honeymoon at back to work na the next day. kung may nagsabi sa akin na after 16 years, you will be celebrating your anniversary in palm springs eh baka natawa ako ng malakas. but here we are – BWAHAHAHA (tawang demonyo). ang layo na ng narating natin.

at home in antipolo, 2006

nagkukwentuhan nga kami nung isang araw sa conference at napag usapan namin ang tungkol sa kasal kasi nag propose na yung boypren ni yamila. ikakasal na raw sila sa argentina next year at hindi rin sila magpapakasal sa simbahan dahil kailangan daw nila yung pera para pambili ng bahay. sabi ko tama yon sabay turo sa mga daliri ko, saying “look at my fingers… it’s full of kurikong, the nails have libag and there is no ring”. dinugtong ko pa na kaya wala akong sing-sing ay dahil bukod sa kuripot ako ay nagsimula kasi tayo ng talagang flat broke. sabi ko nga eh suwerte pa rin ako because we’ve been together and didn’t let poverty (or the good times) get between us.

Viva Las Vegas

pero simple lang akong tao at ang talagang nagpapaligaya sa akin ay yung fact na mamayang gabi, katabi kita sa pagtulog at maririnig mo ang paghilik ko (and vice versa). bihira ang tao na makapagsasabi nito. iniisip ko rin nga, pag sinuwerte pa akong lalo ay sa paghiga natin mamayang gabi, hindi lang pagtulog ang gagawin natin. BWAHAHA (tawang demonyo ulit).

The Streets of San Francisco

bukod sa aking very special gift (ahem) ay may kanta rin ako sa iyo this year mylab, especially recorded sa loob ng banyo ng apartment natin para may echo epeks. hehehe. alam ko, hindi ito love song in the normal way that love song goes. sino ba naman ang gustong makarinig ng kanta tungkol sa isang alcoholic, pero alam ko na gusto mo ito. happy 16th year anniversary.

with so much love,
jay

61 thoughts on “IT IS THE STAR TO EVERY WANDERING BARK

  1. touch ako sa kanta mo….pang-anniversary talaga, lalo na yoong ending…
    Happy Anniversary sa inyo ni Jet! Best Couple talaga kayo para sa akin…and miss ko na kayo…..

  2. suwerte ka naman gabi gabi Pareng Batjay, basta si Misis Jet ang nasa tabi mo sa pagtulog….pero iba rin siempre ang (wink wink).

    seriously, maligayang anibersaryo. Sarap ba sa Palm Springs? conducive to being lucky at night?

  3. THANK YOU ka junnie. anytime you have time to relax is always a good time for sex. hehehe. kaya kahit hindi night ay masarap.

    palm springs is great dahil nasa resort hotel kami. piso na lang ay paradise na.

  4. HAPPY ANNIVERSARY MYLAB!!!

    Salamat sa regalo mo ha. Kung may nagsabi saken nung ikasal tayo na magce-celebrate tayo ng 16th anniversary natin sa Palm Springs at reregaluhan mo uli ako ng laptop (hehehe)… mangingiti ako sigurado, aasa ng konti

    Pero kung sinabi saken na after 16 years e kakantahan mo pa rin ako at maliligayahan ka pa rin na katabi akong matulog sa gabi (pero hindi sa tanghali? hehehe… joke, joke!)… matutuwa ako ng husto kasi noon, hanggang ngayon, yun naman ang importante saken.

    That I love you. That you love me. And that we’re able to share this love everyday so eagerly.

    Thank you mylab.

    I love you.

    16years…. imagine that! 😀

  5. Happy anniversary ka-batjay, aling jet…

    I’ve read your love story a number of times now, it’s ingrained in my brain. And it never fails to inspire me.

  6. happy anniversary po sa inyo! ur both lucky to have each other…ang bilis parang kelan ko lng nabsa yung entry mo on ur 15th anniversary tapos eto na 16th na! i’ll wait for next year’s entry…baka airplane na gift mo kay ms.jet 😉
    it uplifts my spirit and changes how i see married life whenever i read ur entries about ur wife.

  7. to the dynamic duo…..happy anniversary. may you have more wonderful years to share your simple but richly blessed union!! sweet 16!!

  8. How sweet! HAPPY ANNIVERSARY! Inspirasyon talaga namin kayo ni Nick… Naway ma-meet namin kayo balang araw… ay nag-EB na yata kayo ni nick 1 time sa manila. Anyway, sana maulit yun at makasabit… hehehe… (This is Tina, Watson’s wife)

  9. bosing,

    tuwang tuwa naman ako at nakapagbakasyon kayo ni jet ngayong anniv ninyo. i wish you and jet more years of happiness and love. kakakilig naman ang awit mo para kay jet!

  10. Happy anniversary bosing. Sixteen years is just like this morning to people who enjoy each other’s company.

    Akala ko I Never Cry ang kakantahin mo eh.

  11. hapi annibersari sa iyo at kay jet!

    katulad mo, nag-celebrate din kami ng 14th year annibersari last may 21st.

    parang kailan lang sabi ko kay misis…ngayon lumalaki na ang mga bata at parang ang bilis ng panahon na lumilipas na hindi mo namamalayan.

    sana maraming marami pang panahon ng pagsasama para sa inyong dalawa.

  12. maraming salamat sa inyo mga kaibigan ko – ka BongK, leah and eder, tito rolly and nitz, jop, tina and nick, and allan. your greetings mean a lot.

    salamat din raul, luchi, misyel and cheann.

    ingat,

  13. naiyak naman ako sa kwento mo kuyang. ganyang ganyan kami ngayon ng fafa ko, struggling, pero sobrang close na kami sa isa’t isa, malapit na kaming magkapalit ng mukha…ganon pala talaga pag nakakaramdam ng kahirapan, you draw strength from one another and for as long as the 2 of you are together, for some miraculous stroke of luck, you survive!
    thanks Jay, na inspire ako …sobra sobra =)
    happy happy anniversary to you and Jet. salamat sa kwento =)

  14. Huli man daw at magaling huli pa rin …

    Happy Anniversary sa iyo Jay and Jet !!

    Here’s wishing for more happy years of marriage !! 🙂

    Kailangan ko ng i-update ang link ko sa bago mong url.

  15. nakanaman. happy anniversary po sa inyong dalawa. swerte talaga ni miss jet kasi papable itong si sir batjay 🙂

  16. late na yata ako sa pagbati….nways, happy anniversary pa rin.just keep the passion burning and i’m sure marami pang darating na anniversary sa inyong dalawa ni jet.

  17. nyahahhaa! isang bagay ang nde nagbabago.. sa yo.. horny ka pa rin .. oopss.. baka mali interpretation ko nguak

    hahaha

    awww.. oh wait..

    happy anibersary po pala

  18. happy 16th anniversary batjay & jet!

    ang sweet nyo talaga! nakaka-kilig ang mga palitan nyo ng messages. 🙂
    you are truly an inspiration!

    all the best to both of u. 😉

  19. kuya batjay,
    alam ko matagal na tong post na toh… kaya lang i just heard of this site ngaun lang poh mga 4 days ago… from my friend… where young professional struggling to be like you and ate jet… sa singapore din kami ngaun trying to establish ourselves in corporate world… masasabi ko lang sana may clone si kuya batjay…. napakaswerte ni ate jet having a man like you… more years of love for the both of you… 😀
    franzcinne

  20. hindi naman masyadong matagal. maraming salamat sa bati. mabuti naman at diyan kayo sa singapore based. it’s a great place to start a relationship and it’s a great place to start a family. good luck.

    hi aleth with an “H”. oo nga, kinikilig ako lalo na sa umaga dahil malamig pa rin dito.

    basta may pirma ni aga mulach ang feminine wash ay ok lang.

  21. lol @ di pa masyadong matagal, @ kinikilig sa umaga, @ pirma ni aga….

    si mylabs (lol @ naki-mylabs ako)… urlabs pala, am sure with you around, her laffter is endless. except pag galit, of course. pag galit ang isang tao tapos laffing pa rin, iba na yun lol….

  22. Happy Anniversary KB Jay and KB Jet! 16 years of married bliss — imagine that! Ako, 13 years — but split between two marriages (siyempre, 2nd half is much, much better than 1st half, salamat naman). So matagal pa before we get to where you are now. I hope that when we do, we’re just as happy and in-love as both of you feel. 🙂

  23. THANK YOU sa bati.

    inspiration – woohoo.

    hi kapitbahay gigi. 2nd half is always better than the 1st half. ngyehehe. sa tingin ko nga ay bagay na bagay kayo ni arnel. maraming salamat.

  24. kahit huli na… gusto ko pa rin kayong batiin ng HAPPY 16th ANNIVERSARY! wow! ang tagal na and yet pareho nyo pa ring na-eenjoy ang isa’t-isa! i pray na marami pang years ang dumating sa inyong dalawa at may God continue to bless your family!

    Congrats ulit! 🙂

  25. thank you mypren. god bless you. BWAHAHAHAHA (tawang demonyo).

    hi rho. maraming salamat sa pagbati mo. sana makita ko rin kayong mag-asawa na magkasama pagkatapos ng matagal na panahon.

    ingat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.