happy anniversary mylab.
ngayon lang ata tayo nag celebrate ng anniversary natin ng naka bakasyon. all throughout our marriage, either nagtatrabaho tayo or walang masyadong pera para makalabas. it’s about time.
iniisip ko nga, it’s a far cry from when we started (heto na naman ako sa litanya ko) – kinasal ng walang pera sa munisipyo ng kalookan city, reception sa jollibee, walang singsing, ang nag witness lang ay dalawang kaibigan at yung assistant ng ministro, walang honeymoon at back to work na the next day. kung may nagsabi sa akin na after 16 years, you will be celebrating your anniversary in palm springs eh baka natawa ako ng malakas. but here we are – BWAHAHAHA (tawang demonyo). ang layo na ng narating natin.
nagkukwentuhan nga kami nung isang araw sa conference at napag usapan namin ang tungkol sa kasal kasi nag propose na yung boypren ni yamila. ikakasal na raw sila sa argentina next year at hindi rin sila magpapakasal sa simbahan dahil kailangan daw nila yung pera para pambili ng bahay. sabi ko tama yon sabay turo sa mga daliri ko, saying “look at my fingers… it’s full of kurikong, the nails have libag and there is no ring”. dinugtong ko pa na kaya wala akong sing-sing ay dahil bukod sa kuripot ako ay nagsimula kasi tayo ng talagang flat broke. sabi ko nga eh suwerte pa rin ako because we’ve been together and didn’t let poverty (or the good times) get between us.
pero simple lang akong tao at ang talagang nagpapaligaya sa akin ay yung fact na mamayang gabi, katabi kita sa pagtulog at maririnig mo ang paghilik ko (and vice versa). bihira ang tao na makapagsasabi nito. iniisip ko rin nga, pag sinuwerte pa akong lalo ay sa paghiga natin mamayang gabi, hindi lang pagtulog ang gagawin natin. BWAHAHA (tawang demonyo ulit).
bukod sa aking very special gift (ahem) ay may kanta rin ako sa iyo this year mylab, especially recorded sa loob ng banyo ng apartment natin para may echo epeks. hehehe. alam ko, hindi ito love song in the normal way that love song goes. sino ba naman ang gustong makarinig ng kanta tungkol sa isang alcoholic, pero alam ko na gusto mo ito. happy 16th year anniversary.
with so much love,
jay
whoa, 16 years!!! hats-off to you and tita jet! sana’y magtagal pa kayo ng maraming-marami pang masasayang taon.
nakaka miss na kayo.
Dearest Jay and Jet, you give marriage a whole new meaning. 🙂
thank you connie. kayo rin nina speedy and the kids. iba kasi ang pagpapalaki ninyo sa mga anak ninyo. its what i would have done as well kung nagkaroon kami ng anak ni jet.
hi tin. thank you thank you thank you. miss na namin kayo diyan. sana malapit lang kami para nakakapunta pa rin tayo ng bintan. ingat na lang at musta kay ron at amelie!
welcome back. thank you sa greetings. oo masaya kami during our anniversary dahil pareho kaming naka bakasyon.
Happy anniversary to your, Sir BatJay, and your mylab Jet.
Natutuwa ako sa inyong magswithart. Through thick and thin talaga. Ang tibay ng pagsasamahan ninyo, idol ko po kayo 😀
maraming salamat. idol ko rin kami. hehehe.
natuwa po ako sa page nyo..bigla ko po naalala ang mama at papa ko…kagaya nyo mahal na mahal din nila isa’t isa…
Good luck po sa inyo….
God bless po 🙂
maraming salamat at good luck din sa iyo.
WOW!!! 16 years. nakaka-inspire. saludo po ako and so happy para sa inyong dalawa.
galing no? hehehe. musta na riyan sa bayan ng gata?
kuya, isa to sa pinaka paborito ko sa post nyo. pabalik balik ko to read kasi nkaka inspire. tas now lng ako naglakas loob magcomment. hehe
iba talaga pag love ang ngbabind sa dalawang tao.
happy anniversary po ulet kuya & ate (pa advance po) 😉
maraming salamat camille. buti naman at nagustuhan mo ang post na ito. ako rin, isa ito sa paborito ko.
ingat at hanggang sa muli mong pagbalik,