1081

masarap balikan yung maynila ng aking kabataan. wala pang mga malalaking mga malls nung 1970’s. walang internet. walang cell phones, walang text messaging, walang cable TV – wala lahat ng mga pleasures na na e-enjoy ng mga bata ngayon. may kabaret na ata nung araw at mga bastos na burikak magazines na may naka hubo pero bata pa ako para sa mga ganoong mga bagay. ang pinaka pang aliw ng mga tulad kong taga quezon city ay mamasyal sa cubao. eto ang typical na itenerary namin: from novaliches, sasakay kami ng pascual liner (yung mga galing ng kalookan JD liner at DM transit ang sinasakyan). kahoy pa ang mga silya nung araw dahil hindi pa yata naimbento ang kutson. may love bus na aircon pero mahal naman ang bayad. so anyway, sakay nga ng bus at baba sa farmer’s market – ikot muna doon para maghanap ng mga printed hanes t-shirt. tapos diretso sa araneta coliseum nagbabakasakaling makakita ng basketball player (i was a crispa fan). minsan pag may extra na pera, kakain kami sa 3M pizza (pag nilagyan ng red devil hot sauce, nakaka adik yung pizza nilang matigas na may keso and a few slices of ham). minsan naman, papasok ako sa national book store sa araneta center para amuyin ang mga scented na eraser na ibinibenta roon. may scented eraser fetish din ba kayo o ako lang ang sira ulong mahilig mang amoy ng eraser?

TO BE CONTINUED (ulit) TOMORROW…

28 thoughts on “1081

  1. sir, ang mahilig kong amuyin sa national bookstore nung bata ako ay yung mga ballpen na iba-iba ang amoy at ang mga rugby na nakalagay sa maliliit na bote. hehehe!

  2. sir batjay,
    nung kabataan ko naman, nililibot naming magpinsan ang buong Cubao hanggang sa mapagod kami. COD, Isetan, Ali Mall, Fiesta Carnival, SM, Rustan’s, tapos bago umuwi ay kakain muna kami ng siomai na may sabaw (para sulit) sa Ma mon luk. Pag na-short ng todo ang budget namin, wina-1-2-3 na lang namin ang dyip na sinakyan namin. hehehe.

  3. Dear BatJazz,
    hahaha! i couldn’t resist na mag-comment dito. oo,memorable din sa akin yang national bookstore sa ilalim ng coliseum. jan ko binili ang pinakaununahang libro na galing sa unang sweldo ko sa jiggol–yong AMORSOLO.

  4. ever dearest kuya batjay,
    bata pa po ako kaya medyo di na ko makakarelate s cubao moments nyo.. pero naalala ko pa nun kinder ako, binigyan ako ng tita ko ng scented eraser.. dko sya gigamit kse baka mapudpod, o mangitim, o lumiit..nagtitiis ako s eraser n nasa mongol pencil.. pero ok lang kase, mabango talaga at nakakaadik ang eraser n bigay nga ng tita ko hehe.

  5. one time kinain ko yung bubble gum flavored eraser ko! lasang pambura ng lapis pala yun.

    favorite ko yung fiesta carnival at yung mga sandwich na maraming mayonaise na nabibili sa mga maliit na kiosk around araneta. =>

  6. I wanted those pero sobrang praktikal ang nanay ko so she would get us that one eraser na half gray-half white. Naalala ko pa yung mga glow in the dark erasers. I’ve always wanted those pero it was expensive.

  7. Uy 3M Pizza, staple yan ng barkada namin nung high school ako!

    Straight to Grade 1 ako, walang nursery or daycare ek-ek. So nung binilan ako ni Nanay ng gamit siempre may sweet smelling eraser… Adik ka ba dun? First time kong maamoy alam ko namang pangbura pero di ko mapigil sarili ko sssoo kinagatan ko
    πŸ˜‰

    I love Cubao. Tuwing luluwas kami ng “Manila”, dyan kami naglilibot sa Fiesta Carnival!

  8. speaking of pagkain, ka dennis – maraming mga binebentang sandwich dati sa pader ng intramuros. mura lang yung mga hamburger at hotdog: 2 pesos lang ata – pero alam ko tertured vegetable protein ito (karne na gawa sa gulay) kaya mura. masarap naman lalo na pag may mayo at ketsup.

  9. bossing dengX!!!

    kamusta na ang idol ko? langya, di man lang tayo nagkita. wala ka bang balak mag tour ng california? pag mayroon dalaw ka naman dito. baka mauwi kami ng singapore ni jet hopefully next year. kita tayo!

    alam mo bang ang dami ko ring nabiling mga jingle doon sa national book store na yon sa araneta. pati yung mga text book ko sa school at lahat ng mga supplies. kaya memorable din yon sa akin, tulad mo.

  10. kumakain din kami sa ma mon luk, robbie. masarap ang pagkain doon kahit minsan di malinis ang restaurant. nililibot talaga namin ang cubao. in fact, kabisadong kabisado ko lahat ng mga pwesto doon nung araw.

  11. akala ko ako lang ang adik sa scented erasers. πŸ™‚ meron akong collection nun, na regalo ng mga kapatid ko. di ko rin ginagamit. kung ubos ang monggol, daliri ang ginagamit pambura.

    nakatikim na rin ako ng eraser. hershey’s flavor kasi. ayun, kinagat ko.

  12. memorable din cubao sa akin. merong tindahan ng hopiang cube ang hugis dito na gustong gusto ko. kaso nagiba medyo ang lasa nito ngayon at nagmahal pa. πŸ™

    love bus? eto ba yung kulay blue? yung mga nakikita kong ganitong bus ngayon, walang nang aircon at medyo kakarag-karag na.

    ka-relate ako sa post na ito. galing!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *