You’ll forget the sun in his jealous sky

10:51 AM na rito ngayon sa singapore. ilang oras na lang, pasakay na kami ng eroplano pauwi ng pilipinas. naka-emapke nang lahat ang mga bag, nalinisan nang bahay, nakapag-withdraw na ng pera. ano na lang ang kulang? kain ng tanghalian, ligo, bihis, sakay ng taxi, check-in, clear immigrations, sakay eroplano.

pag-lapag sa maynila, halik sa lupa – parang si pope john paul II.

habang sinusulat ko ito, kumakanta si sting ng “fields of gold” – alala ko pa itong kantang ‘to nung unang lumabas. nasa bicol ako, kasalukuyang gumagawa ng power plant sa isang magubat na bundok sa sorsogon province. byahe kami papuntang legazpi city, kaliwa’t kanan ng highway ay palayan. panahon noon ng pag-ani, tanaw mo nang mayon volcano sa malayo. malamig ang umaga sa bukid, masarap ang pakiramdam ko dahil matagumpay ang pagpapaandar ng planta. early 20’s pa lang ako nung time na yon. tugtog si sting ng “fields of gold” sa cassette player ng sasakyan habang “kumakaway ang gintong palay” sa mga bukid na aming dinadaanan.

ba’t ko ba nabanggit ito? wala lang, ngayong medyo may edad na ako… binabalikan ko lang ang panahon na masarap gunitain. it was a time in my youth where the world was full of promise and i thought i could do anything and everything was mine for the taking. it’s funny how music floods you with memories.

parang pang-amoy… ang lakas makapag-senti. minsan nakakaamoy ako ng pomada (tancho tique) – naaalala ko ang daddy ko. luto si jet ng lumpiang shanghai last week – naalala ko ang mga party ng pamilya sa pilipinas. mamaya uuwi na kami – di na ako kailangan mag-imagine ng mga masasayang pangyayari sa buhay ko. isasabuhay ko na ito.

uwi na kami, mag palamig na kayo ng san miguel beer at magpaluto ng pulutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *